12.20.19 - To More of You

165 27 0
                                    

We almost kissed and it was so awkward, we didn't want to talk about it! Hence, we both pretended it didn't happen.

I knew we were both aware of that "something" building up between us but we didn't spoil anything and just let everything unveil naturally.

Ngayon, kakatapos lang naming magpractice sa park at natambay na lang sa Sierra Café... gaya ng dati. Nasa two-seater table kami sa labas dahil mahangin.

"Gaano kadalas na tayong magpapractice?"

"Every after class?" sagot ni Kiel kaya iyon ang nilagay ko sa calendar ko. We were creating our calendar individually while eating.

Dahil nga narealize ko na sa time managment ako nagkulang, binalik ko na iyong nakagawian ko dati. I would make a weekly schedule again. Si Kiel naman ay nakikigaya at gagawa rin daw siya.

Nung nagsimula kasi akong magsulat kasabay ng pag-a-aral eh hindi na 'ko nakakagawa ng calendar dahil hindi ko talaga ma-i-schedule ang pagsusulat.

Sinisingit-singit ko lang 'yung writing every time nasa mood ako kaya minsan eh nagugulo ang sched ko sa studies hanggang sa inalis ko na lang completely since hindi rin naman na nasusunod.

Now, I'd be more organized and disciplined.

"Avien, bakit may agenda ka rin sa Sunday?" kumento ni Kiel nang makisilip sa calendar ko.

Pinarehas namin ang schedule ng paggawa ng school activities para sabay naming gawin at after no'n ay magrereview kami. Sa Sunday ko ay naka-sched mostly ang writing. 

"Wala kang rest day?"

"Wala." I peeped at his calendar. Wala siyang agenda sa Sunday. "Sayang 'yung araw."

"Hindi 'yun sayang. Need mo 'yun. Isipin mo reward mo 'yung araw na 'yun kasi na-accomplish mo lahat ng tasks mo the whole week."

"Hmm... But writing could be my rest?"

"Pero nasestress ka riyan madalas eh."

"Hindi na masyado ngayon."

"Sige, pwede naman. Basta spend mo 'yung day mo sa mga stress-free na bagay lang."

"Like?"

"Matulog ka, manood ng gusto mong panoorin, read books, learn new things... kung ano lang gusto mo. 'Yung hindi nakakastress."

"Ikaw ba? Anong ginagawa mo?"

"Pag Sunday kasi, madalas, naalis kami. Pero 'pag nasa bahay... ayun... siguro 60 to 70 percent of the time, natutulog lang ako."

"Hindi ka sumasayaw? I thought dancing is one of your hobbies?"

"Nasayaw lang ako 'pag need. More on photography and filming ako. Sa bahay, siguro kung hindi ako tulog... nagcocomputer."

"When did you start liking photography?"

Hindi siya sumagot agad at maya-maya'y nangingiting tinaas ang dalawang kilay.

"Why?" Kumunot ang noo ko.

"Wala... Nagtatanong ka lang, kinikilig na 'ko..." Umiwas siya ng tingin at uminom sa iced coffee niya.

"I just realized I still don't know much about you. 'Pag nag-uusap tayo, napansin mo ba na palaging about sa 'kin? Now, it's your turn. Let's talk about you."

"Palagi kaya akong nagsheshare sa 'yo. Kahit walang kwentang bagay."

"You only share things you find amazing, nothing about you."

"..."

"Your background. Childhood. Faves. Dislikes. Anything about you. That's what I want to hear. You don't tell me that. I just observe them from you."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon