07.26.19 - From a Different Lens

173 27 2
                                    

"Kiel, bakit ang daling sabihing magbabago na pero ang hirap gawin?"

Hindi lahat ng paghinto ay pagtigil. Kaya ngayong summer na at break sa academics, bumalik ako sa pagsusulat.

Nagpahinga na 'ko. Pero hindi ko alam kung bakit... bakit wala pa rin akong pagbabago.

"May problema ba?" he asked.

Nasa sala kami ngayon dahil bumisita siya. Naka-upo kami sa sahig. I was just writing on the coffee table while he was leaning on the sofa beside me, playing with his phone.

Now, I was just lazily resting my cheek on the table, disheartened.

"Just a random question..." I sighed. "Bakit ang hirap magbago..."

"Kasi nakasanayan mo na."

"..."

He scooted closer. "Okay ka lang?"

"Yeah..."

"Sa pagsusulat mo ba? Ano tinatry mo baguhin?"

Bumuntong-hininga ako at bumangon. "Myself."

"Bakit?"

I shifted my gaze on my laptop.

"Wala namang mali sa 'yo ah. Anong babaguhin?"

Binalik ko ang tingin sa kaniya. I faced my body towards his direction. Humarap din siya sa akin.

"Do you remember what you told me last summer nung nagsusulat ako sa Sierra? Sabi mo, hindi naman kailangan perfect 'yung magawa ko. Okay lang kung hindi the best."

Kumunot ang noo niya, sinubukang alalahanin.

"Gusto kong alisin 'yung pagkaperfectionist ko. Wala akong natatapos dahil sa ugali kong 'yun eh. Ako rin 'yung nasestress... nagpapahirap sa sarili ko..."

Tumango-tango siya.

"Sabi ko magbabago na 'ko... Ayoko na maging gano'n. Hindi na ako magiging obsessed sa perfection. Pero ang hirap pala. Ang hirap palang baguhin ang nakasanayan mo na. Ang dali-daling sabihin pero ang hirap isabuhay."

"..."

"Pabalik-balik ako. Tuwing may nasusulat... na-a-anxious ako na baka may mali... kaya binabalik-balikan ko... paulit-ulit binabasa... nirerevise. Nakakainis. Nakakafrustrate. Nakakainis kasi gusto kong magbago eh. Nakakainis na alam mo naman kung anong dapat mong baguhin sa sarili mo pero hindi mo magawa. Pabalik-balik ka sa nakasanayan mo." My voice cracked. "Ang tagal-tagal na. One year na simula nung tinry ko baguhin sarili ko pero wala... wala... ganito pa rin ako."

"..."

"Gets mo ba?" Nanginginig ang boses ko, frustrated. I breathed in deeply, trying to constrain my tears.

Tumango naman si Kiel. "Gets ko."

Pero tumulo pa rin ang mga luha ko. I wiped my tears frustratedly, didn't want to ackowledge them. Umawang ang mga labi ni Kiel, gulat.

Another batch of tears welled up in my eyes. I covered my face with my hands. Napahikbi ako. Lalo akong nafrustrate dahil para akong tanga. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko.

Napatalikod ako nang marinig ang mga yapak ni lola. Pinigilan ko lalo ang mga paghikbi. I wiped my tears and acted busy with the sofa. 

Kiel talked to lola and I felt relieved when he lead her to the kitchen. 

"Lola, labas lang po kami ni Avien!" Narinig ko ang paalam ni Kiel. Nauna na 'kong dumiretso sa labas. 

"It's so frustrating. They won't stop," mahinang reklamo ko habang nagpapahis ng mga luha nang lapitan ni Kiel. 

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon