10.27.17 - laura the explorer

196 28 1
                                    

"Anong nangyari?" kuryosong tanong ko kay Kiel at umupo sa tabi niya.

Hinarap niya sa 'kin ang mukha kaya ngayo'y nakasandal na lang ang isa niyang pisngi sa lamesa. Nasa library kami at naabutan ko siyang nakadukdok lang.

"Yung sa canteen, nakita ko kayo."

"Inaabot ko lang naman 'yung towel," reklamo niya. "Nakita ko kasi nag-aaway 'yung dalawang bata. Binubully ng isa 'yung isa, inaagaw-agaw 'yung towel kaya napunta sa kisame. Eh nainis ako kaya inagaw ko rin 'yung towel ng isa para iganti 'yung isa.

"Tapos nakita ako nila Rain. Ayun, nagpatulong ako para makuha 'yung towel ng bata," pagpapatuloy niya. "T-in-ry ko lang naman isabit din 'yung towel ng isa para mafeel niya! Ta's ayon! Umiyak lalo!

"Kainis nga eh. Alam mo ba..." Napabangon siya. "Ayaw maniwala sa 'kin ni Ms. Galang! Iniisip niya binully ko 'yung mga batang 'yon! Nakakabadtrip!

"Hindi ako nagrereklamo tuwing inuutus-utusan niya 'kong bumili ng turon at pansit niya tapos gano'n ang tingin niya sa 'kin?! Kahit kailan hindi ako nagkarecord na nambully ako!" he complained.

"Edi hindi ka rin naka-exam ngayon?"

He sighed. "Hindi. Baka next week special exam. Nasayang lang 'yung pagpasok ko... Alam mo ba?"

"Ano?"

"Nagreview ako," aniya.

Okay?

"I mean, hindi talaga ako palareview pero nagreview ako ngayon. Tapos biglang hindi ako naka-exam."

"Ahh..."

"Ah?"

"Kawawa ka naman?"

Naiwan ang tingin niya sa 'kin tapos ay natawa siya bigla.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ka pala nandito?" tanong niya pa.

"Kasi feeling ko nandito ka."

He blinked. "Ha?"

"Nacurious ako kung anong ginagawa mo kanina... So, nandito ako para malaman."

"Ahh... Para ka palang detective."

"..."

Maya-maya ay nilabas niya ang phone sa bag dahil nagvibrate daw.

"Sasama ka ba sa birthday ni Pres?" He glanced at me.

Napaawang ang mga labi ko nang maalala. Oo nga noh! Nakalimutan kong ipaalam! I was too occupied with the exam!

"Oh... Hindi ka nakapagpaalam?"

"Nakalimutan ko." Tumingin ako sa relo ko. Baka sa oras na 'to, paalis na sila.

"May telephone sa baba."

Umiling ako.

"May gagawin ka ba sainyo?"

Umiling ulit ako.

"Bakit ayaw mo sumama?"

"..."

"Invited buong section. Baka ikaw lang wala?"

"Okay lang."

"Hindi okay 'yun. Hindi kumpleto 'pag may kulang."

"..."

"Alam mo, kakatapos lang ng exam kaya deserve nating magsaya."

"Hindi ka nga nag-exam."

"Foul."

Napangisi ako.

"Masaya 'yun, Avien! Magvivideoke raw. Natry mo na ba?"

Umiling ako.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon