03.10.18 - friends.

216 29 0
                                    

"Avien, nawawala sila Aviel."

Napahinto ako sa gulat nang sumalubong sa 'kin si Kiel sa paliko ng hagdanan.

"Huh?"

"Nawawala 'yung styro at illustration board natin."

"Ahh akala ko naman kung sino." Nagpatuloy ako sa pag-akyat at sinundan naman niya 'ko. Agad din naman akong napahinto at nilingon siya nang magsink in sa 'kin. "Huh?! Bakit nawala?!"

"Hindi ko nga alam eh. Pagpasok ko kanina, pumunta ako locker para kunin sana tapos wala na ro'n," pagsusumbong niya.

Instead of going to the classroom, we went straight to the locker area to check our materials.

I tiptoed to see the top of the locker shelf. Wala na nga ang mga gamit namin doon.

"May pangalan na nga, eh, nawala pa rin."

"Dapat pala inuwi ko na lang." I opened my locker. Andoon pa naman ang styro balls.

"Let's just paint these later," I said.

When I gazed back at Kiel, he was already looking at the nearest CCTV.

"I don't think they would let us watch the CCTV replay unless it's for something important."

"Papayag 'yun." Nilipat niya ang tingin sa 'kin habang nakangiti. "Tara!"

I glanced at my watch. "Magta-time na. Mamaya na lang."

Bumalik muna ang tingin ni Kiel sa CCTV bago ako tinignan ulit at tumango.

Sabay kaming bumalik ng room at naghintay na lang na dumating ang first subject teacher namin.

Nang magrecess ay inaya ulit ako ni Kiel na pumunta ng admin upang magpareplay ng CCTV.

"Lagay ko lang sa locker to." I showed him my books before going out of the room. Sumunod naman siya.

I was arranging the books in my locker while Kiel stood beside me and reached the top of the shelf.

My forehead creased when I saw our styro sheet and illustration board in his hand.

"Akala ko nawala?" tanong ko kay Kiel na kunot noo ring nakatingin sa hawak niya.

"Ewan ko rin?" aniya. "Napansin ko lang, may nakasilip na ta's ayun materials pala natin... 'Di ba wala naman 'to kanina dito? Panaginip lang ba 'yun?"

"Baka naguilty 'yung kumuha?"

Ipinagkibit-balikat na lang namin iyon. Ang importante ay nabalik na. Curious man, hindi na kami pumunta ng admin.

"Avien, naniniwala ka ba sa duwende?" Kiel suddenly asked while we were on our way to the canteen.

Napatingin ako sa kaniya at naalala iyong usap-usapan dati, iyong kinuwento ni Dianne.

Ang tagal ko nang hindi nakarinig ng istoryang ganon sa mga kaklase ko... Ngayon ay nangyari ulit. At sa amin pa talaga...

So that's really happening? Totoong mayroong mga gamit na mawawala tapos babalik din?

"Tingin mo duwende ang may gawa nu'n?" Nangunguha ba ng gamit ang mga duwende?

"Hindi naman kayang buhatin ng duwende ang styro at illustration board."

Natawa ako sa katwiran niya. "Hindi ba may kapangyarihan sila?"

Nilingon niya 'ko. "Meron?"

"Maging invisible, 'di ba?"

"Nag-i-invisible sila?"

"Kaya nga rin nilang mag-anyong tao," biro ko.

"Talaga?" kuryosong tanong niya.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon