"Love, iniistalk ko kasi 'yung writing account mo sa twitter para magcatch up..." Tumabi sa 'kin si Kiel sa sofa ng condo niya. "Ano 'tong tweet mo?" He showed me the screen of his phone.
Ang tweet ay last year pa na tungkol sa pag-c-clear ng issue na hindi ko boyfriend si Jiro at hindi siya si Kiel. I also asked them to respect our privacy.
After kasi ng booksigning ay nahanap ng readers ko ang Facebook accounts namin ni Jiro. They bombarded him with messages asking if he was Kiel.
I said sorry to him and cleared the issue. P-in-rivate na lang niya ang kaniyang account after no'n. I also told him that time kung sino si Kiel.
Fortunately, my friends list and Kiel's account were private that time so the readers didn't find him. After no'n ay p-in-rivate ko na rin ang account ko. The rumors then died down after I tweeted.
"Yung last na bukas ko ng account na 'to, nung para icheck kung kailan ang book signing mo. Ngayon ko lang nalaman na may pinag-uusapan silang Kiel! Ako ba 'yun?"
I nodded and told him everything.
Lumukot ang mukha niya. "Bakit pa nila itatanong si Jiro kung siya si Kiel eh nakalagay na nga na Jiro ang pangalan!"
Tumawa ako at nagkibit-balikat.
"Anong sabi ni Jiro nung pinagkakamalan siyang ako?"
Natawa ako sa naalala. "Sabi niya, Nag-iisa lang kagwapuhan ko, ba't nila 'ko pagkakamalang ibang tao?"
"Mahal, hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa jejemon."
Humalakhak ako.
"Joke lang. May jejemon phase din pala 'ko."
"Hindi siya jejemon. Mahangin lang siya... Atsaka mabait naman siya."
He shifted from his seat. "Nagkagusto ka ba sa kaniya? Kahit konti?"
Kunot-noo akong umiling. "How could I ever like someone else when you're already my standard?"
Ngumuso siya, pinigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi.
"Ikaw lang, Kiel. Ikaw lang," I assured.
Tuluyan na siyang napangiti. "Kaninong girlfriend ka ba ha? Ang swerte-swerte naman ng boyfriend mo!"
Pagkatapos magkulitan sa couch ay nag-aya siyang magdate kaya lumabas kami at gumala. Nang makakita nang pet shop ay pumasok kami roon. Hinila ko si Kiel sa mga isda.
"Ang daming kamukha ni George pero that one is really it! Super kamukha." Tinuro ko sa kaniya ang isang Oranda.
"Miss mo na siya, babe? Bili tayo."
Nilingon ko siya.
"Tayong dalawa mag-alaga. Lagay natin sa condo," aniya.
Napangiti ako sa idea. "Sige, sige."
"Gusto mo ba bili na tayo marami ngayon or paunti-unti?"
"Paunti-unti na lang."
"Sige, sige. Kahit one or two ngayon."
I nodded.
"Tapos kailan natin sila dadagdagan?"
"Hmm... Every time mayroon tayong achievement?"
Napangiti siya. "Parang kunyari prize natin sila, gano'n?"
Nangingiti akong tumango-tango. Nakangiti rin siyang tumango sa 'kin pabalik. Para tuloy kaming may pinaplanong krimen.
"Bibili po ba kayo?" Sabay kaming napalingon sa staff na malaki ang ngiti sa 'min.
Napagdesisyunan namin na dalawang isda ang bilhin. Kapag kasi isa ay parang ang lungkot dahil malaking fish tank na ang binili namin.

BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon