00.00.17 - the flu

219 28 0
                                    

"Hoyyy!! Manahimik na kayo!!!" Nathan silenced the class by slamming on the board. "Absent ulit si Ma'am Santos pero sinabihan na niya kaming simulan na raw natin ang basketball at volleyball!"

Sila Shan, Kirsten, at Ivy ang napiling leaders sa volleyball. They were actually in the same circle of friends. Ang naiwan sa group nila ay si Rhea at Ailene.

Pumili ang leaders at napunta ako sa grupo ni Shanice, kasama nina Ailene, Erin, Dianne, at Faye.

Pagdating namin sa court, Shanice taught us the correct stance and hand position and the right way to receive the ball.

Erin shrieked when she received the ball with so much force, flying it off vertically. Tumama iyon sa under roof ng court. Muntik pa siya matamaan nang malaglag iyon.

Sa tili ni Erin ay napatingin ang lahat at natawa.

"Huy! Hindi kisame ang kalaban mo!" sigaw ni Rain mula sa ilalim ng ring.

"Shut up, bangko!" Erin marched her way to the end of the line.

When Shanice called for a break, I headed to the canteen.

While I was in queue for egg sandwich, a group forced their way in the line. Agad akong umalis sa linya.

"Huy! Lagot ka!"

"Sorry, ate!"

Mga higher level iyon. Nagtatawanan ang maiingay na lalaki.

I ignored them. Lumipat ako sa maayos na pila, sa pilahan ng biscuits at mga chichirya.

Nagulat ako nang may sumulpot sa gilid ko, muntik tumama sa akin. I looked up and saw Kiel. Lumipat ang tingin ko sa lalaking tumama sa kaniya at sa mga kasama nito. Nagtatawanan sila.

"Okay ka lang?" Kiel asked. I nodded. Seryoso siyang lumingon sa mga lalaki.

The boys cheered and laughed.

"Sorry, 'tol, nanunulak kasi," kamot batok na sambit ng lalaking tumama sa kaniya. He met my eyes and tried to smile. I ignored him.

Hindi umalis sa tabi ko si Kiel habang nakapila ako.

"Ate, piatos po!"

Hinila niya ako paalis sa linya bago pa makasiksik sa harapan ko ang mga lalaki. My eyes dropped on his hand on my wrist.

"S-Sorry!" He immediately let go of my arm.

Napa-angat ang tingin ko sa kaniya. Bakit ang init niya?

Mariin siyang napapikit. My brows knitted. I watched him tilt his head down and put his fingers on his forehead.

Natutulak siya dahil sa gulo ng higher levels na sumisiksik sa pila. I glared at them and pulled Kiel out of the crowd. Ramdam ko ang init ng balat niya.

Dinala ko siya sa table as he seemed nauseous. Pinatong niya ang mga siko sa lamesa at pinahinga ang ulo sa mga kamay.

"May sakit ka ba? Ang init mo." Sinilip ko siya.

Nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin ay bumungad ang mapupungay niyang mga mata.

I immediately placed my palm on his forehead. "May sakit ka!"

Kaya pala parang hindi ko siya naramdaman ngayon araw. Hindi makulit. He didn't approach me the whole day, ngayon lang sa canteen.

He folded his arms on the table and rested the side of his head there. Pumikit siya. "Nahihilo lang ako..."

He was sweating. Some strands of hair were already sticking on his forehead, damp from his sweat.

"Punta kang clinic."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon