03.04.20 - ♡

237 27 1
                                    

He caught me off-guard. I didn't know how to react.

"Mahal kita..."

I let go of his hand and sat beside him. I shook my head. "You're just... infatuated."

"Hindi 'to infatuation, Avien... Alam ko kung anong nararamdaman ko."

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. "Bakit biglang sinasabi mo 'to ngayon?"

"Kasi aalis ka na..."

"Tingin mo hindi ako aalis kapag sinabi mo 'yan?"

"No..." Kumunot ang noo niya. "Sinasabi ko sa 'yo ngayon kasi baka mawalan na 'ko ng chance sabihin sa 'yo... isang buwan na lang... Dapat pala sinabi ko na noon pa."

"Paano mo nasasabing mahal mo 'ko?"

"I dont know how else to describe this. This is stronger than infatuation. Hindi ako infatuated..."

Paano niya nasasabing hindi infatuation eh hindi niya pa nga nararanasan.

"You don't have to love me back. I am not asking you to do that. I just want you to know that I love you..."

"..."

"Bakit hindi ka naniniwala..."

"Maybe nadadala ka lang ngayon?"

He looked hurt. "You don't have to reciprocate what I feel..."

"You are confusing me."

"..."

"You are saying this out of nowhere. We're talking about me leaving then you'll suddenly say this... What do you want me to do? Stay? Stay because you love me?" My voice cracked. 

Hinawakan niya ang siko ko at umiling-iling. "Avien, hindi ko sinasabing mahal kita para hindi ka umalis. I'm not even thinking about that. Iniisip ko lang na baka kapag hindi ko na talaga sinabi ay mahuli na ang lahat... at pagsisihan ko."

"..."

"Avien, please..."

Bumuntong hininga ako at binalik ang tingin sa kaniya. Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa 'kin. "Tingin ko kailangan natin ng time para makapag-isip-isip..."

Tumango ulit siya. "I'll give you space."

"Isipin mo nang mabuti kung mahal mo talaga 'ko."

"Sigurado ako..."

"You can't love me. Alam mong aalis ako. I don't want you broken."

"Avien, masasaktan at masasaktan pa rin naman ako."

"..."

"You don't have to worry about what I feel. Hayaan mo lang akong mahalin ka... Masaya na ako roon."

Matapos ang araw na iyon ay umiwas muna ako kay Kiel. Naguguluhan lang talaga 'ko.

Ang akala ko gusto niya lang ako... pero sabi ni mommy, infatuation lang. Ngayon naman, sinasabi niya mismo na mahal niya ako?

Pero ano nga bang pinagkaiba-iba ng mga 'yon? Paano ba nagiging love?

Ang alam ko lang sa love, iyon na ang pinakamalalim. Kaya kapag nagkahiwalay, pinakamasakit. Kung nasa malalim si Kiel... paano siya pag umalis ako?

Siya lang naman ang pinaka inaalala ko eh. I didn't want to hurt him. I couldn't do that. Makita pa nga lang na umiiyak siya, parang dinudurog na 'yung puso ko. He was too precious for this world only to be hurt by someone like me.

But my feelings were too strong to be surpassed by anyone else's and my logic. At that point, I knew we had no time to waste and I couldn't contain my feelings anymore...

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon