S p e c i a l C h a p t e r
TW: anxiety attacks, self-harm
* * *
Harvin's POV
I was 9 years old when I started showing symptoms of kleptomania. Hindi ko mapigilan ang sariling kuhanin ang bagay na hindi naman akin.
"Bili 'to sa 'kin ni mama! Ang ganda noh? Galing pa 'to sa mall!" pagbibida ng kaklase namin sa pencil case niyang may built-in na pantasa.
I clenched my teeth as I stilled my gaze on it. Pagkatapos ay bumaba ang tingin ko sa bulsa ng bag ko na nagsisilbi nang pencil case ko.
"Nasa'n ang pencil case ko?!"
Napalunok ako nang marinig ang sigaw ng kaklase.
"Nilapag ko lang dito 'yun! Mamahalin 'yun! Sino ang kumuha?!"
I hugged my bag tightly, feeling the bulge of his case in it.
"Tignan niyo oh! Binilhan ako ni papa ng bracelet! Regalo niya nung birthday ko!"
Napasulyap ako sa ibinibida ng kaklaseng babae sa kaniyang mga kaibigan pagkadaan ko sa pwesto nila.
I clenched my teeth as I dug my nails on my palm.
I don't need it. Pambabae iyon pero...
"Ano 'to, Harvin? Saan galing 'tong mga 'to?"
Napaawang ang mga labi ko nang makita ang kahong hawak-hawak ni mama kung saan ko nilalagay ang mga nakuhang gamit ng kaklase.
"Sa mga kaklase ko..."
Sinuri niya ang mga gamit sa box. "Mamahalin 'to ah... Ang yayaman naman ng mga kaklase mo, binibigyan ka ng gan'to..."
Hindi na nag-usisa pa si mama at inabala na lang ang sarili sa ibang bagay. Nakahinga ako nang maluwag dahil akala ko ay papagalitan ako.
I thought what I was doing was normal. I did it again and again until I found myself stealing not just from my classmates but also our neighbors.
"Harvin!"
Napaidtad ako sa gulat nang humahangos na pumasok ng bahay si mama.
"Galing ka ba kila Aling Tess kahapon?"
I gulped because of her angry tone. I nodded slowly.
"Anong ginawa mo ro'n?!"
"..."
"Pinagnakawan mo ba sila?! Saan mo dinala 'yung paninda nila?! Iyon ba 'yung binigay mo sa 'kin kahapon?!"
"..."
"Harvin!!"
Dahan-dahan akong takot na tumango.
"Bakit?! Bakit mo 'yon ginawa?!"
"W-Wala tayong ulam kahapon..."
Frustrated na napasabunot si mama sa sarili. She slumped on the couch and stayed quiet for a while as she massaged her temple. Nang mag-angat ulit siya ng tingin ay kita ko ang pamumula ng mga mata niya.
"Anak... Hindi mo kailangang magnakaw... Gagawin ko lahat, kahit magkanda-ugod-ugod ako sa pagtatrabaho para lang may mapakain sa 'yo... Huwag na huwag ka lang magnanakaw. Hindi maganda iyon. Bahala nang wala tayong makain kaysa galing sa masama! Naiintindihan mo ba?"
Dahan-dahan akong tumango.
"Pinanood sa akin ni Aling Tess 'yung kuha ng CCTV. Buti na lang at hindi na niya pinalaki at sinabihan na lang akong bayaran... Huwag na huwag mo nang uulitin iyon."
BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon