00.00.21 - Upside Down Turn

114 25 1
                                    

"Maghiwalay na tayo!"

I was in 12th grade when I first heard mommy and Tito Daniel fight. Nakikipaghiwalay si mommy.

Kunot-noo akong nagpatuloy na lang sa paglalakad at nilagpasan ang kwarto nila.

"Nag-aaway sila, 'la?" tumabi ako kay lola sa sala.

"Hayaan mo sila. Magkakaayos din 'yan," sagot ni lola.

Pero napadalas iyon. Matapos marinig ang sigawan ay napansin ko na ang pagbabago ng kilos ng dalawa. Mommy would give Tito Daniel a silent treatment most of the time. Hindi nila pinapahalatang nag-aaway sila pero napapansin ko lahat.

"Anong klaseng goldfish po 'to?"

"Ranchu 'yan."

Tumango-tango ako sa nagtitinda. I was looking around in the pet shop while waiting for mommy and Tito to finish buying groceries. Nagtitingin ako ng pwedeng kasama ni George. Binilhan ko kasi siya ng bagong fish tank at parang ang lungkot dahil mag-isa lang siya.

"May Oranda po kayo?" I asked. Oranda kasi ang breed ni George.

"Dito..."

Sa huli ay bumili ako ng tig-isang Ranchu at Oranda tapos mga pagkain nila.

"Tapos ka na, Avien?"

I nodded at mommy. Kinuha naman ni Tito Daniel ang hawak kong fish food at nilagay iyon sa cart.

They were both silent on our way to the house so I concluded they fought again.

Hindi ko na napigilang tanungin si mommy isang araw. I asked her what's wrong but she just dismissed me. I tried asking Tito Daniel and he said na suyuin na lang daw si mommy. Nang si lola na ang tanungin ko ay sabi niya hindi naman daw niya alam.

"Natanong mo ba si mommy, lola?"

"Hindi, apo. Ayokong mangialam sa relasyon nilang dalawa."

Napanguso na lang ako.

"Sige na, matutulog na 'ko at nasakit ang ulo ko."

"Okay ka lang ba, 'la? Gusto mo po ng gamot?"

"Oo. Okay lang. Nahililo lang ako sa init. Ipapahinga ko lang 'to. Mag-siesta ka rin muna."

"Tabi ako sa 'yo, 'la..."

"Ay siya."

"Sige na, 'la."

"Halika na."

Napangiti ako at sumunod na kay lola sa kwarto. I lied beside her and hugged her to sleep.

Sa bahay ay madalas kami lang talaga magkasama ni lola dahil madalas mainit ang ulo ni mommy. Si Tito Daniel naman ay minsan wala sa bahay, busy sa trabaho.

"Gaano karaming flour ilalagay, 'la?" I asked lola. Nagluluto kami ng banana cake para sa merienda.

"Isang cup. Tapos ilagay mo na rin iyong itlog."

"Tapos haluin ko?"

"Oo."

Napalingon kami nang makarinig ng mga yapak. Palapit sa 'min si mommy; nakasunod sa kaniya si Tito Daniel.

"Ano pong niluluto niyo, ma?" tanong ni Tito Daniel kay lola.

"Banana cake."

"Marunong din pala si Avien?"

"Ayan ang katulong ko magluto parati."

"Masarap ba 'yan, ma? Pahingi ako ah."

"Mamaya'y tatawagin kita 'pag luto na."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon