02.09.25 - back to the starting point!

219 30 3
                                    

"Kailan mo 'ko minahal?"

Naka-upo na kami sa bench.

I shrugged. "I only realized I love you when we met again. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko every time magkakasalubong tayo..."

"Talaga?"

"Hindi ko nga maintindihan kasi it wasn't like that before. Pero ang weird naman na minahal na kita bigla nung nagkita na ulit tayo. So maybe before pa. It just intensified. Or halo-halo na. Guilt and 'yung masungit mo pang mukha. Edi lalo akong kinakabahan 'pag andiyan ka."

"Masungit mukha ko?"

"Yes. Nakakapanibago nga eh. Dati palagi kang nakangiti."

"May reason kasi no'n para ngumiti."

"Every time makakasalubong kita, napapayuko na lang ako pagkatapos magtama ng tingin natin. Akala ko galit ka sa 'kin... kasi ang sungit ng mata mo."

Umiling-iling siya. "Naiinis lang ako kasi hindi kita malapitan... Atsaka feeling ko wala ka nang pakialam sa 'kin..."

"Hindi ah."

"Namiss mo ba 'ko?"

I smiled weakly as I brushed my thumb against his hand. "Sobra..."

Napangiti siya pabalik at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Tuwing namimiss kita, nagbabasa ako ng isang paper doon sa jar na binigay mo..."

"Nabasa mo na lahat?"

I nodded, smiling. "Natutuwa ako tuwing binabasa tapos namimiss lang kita lalo."

"Yung mga pictures natin, 'yun naman binabalikan ko."

"Buti hindi mo dinelete?"

"Never pumasok sa isip ko 'yan."

"Kahit gusto mo na 'ko kalimutan?"

"Hindi ko naisip kalimutan ka. Ayaw kong kalimutan ka. Gusto ko lang magmove on para hindi na masakit. 'Yung mga alaala nating dalawa, ayokong mawala 'yun. Kaya hindi ako nagtapon o nagdelete. Tinago ko lang. Umasa ako na balang-araw, mababalikan ko ulit 'yun nang hindi na nasasaktan." 

"Bakit... pinili mong ikeep..."

"Naging magkaibigan din naman tayo 'di ba? Sabi mo nga noon, kahit 'yun lang sana manatili." He smiled. 

"...I don't think kaya ko 'yun ngayon. Na magkaibigan lang tayo."

"Hindi ko rin kaya."

"Edi paano pala kung may boyfriend talaga ako?"

"Kaya nga mabaliw-baliw ako last year. Hindi ko talaga alam magiging reaksyon ko kapag nakita na ng dalawang mata ko sa personal. Na may iba kang kasama."

"Bakit ka kasi naniwalang may boyfriend ako? Puro girls naman kasama ko sa school."

"Akala ko boyfriend mo si Jiro."

I shifted from my seat. Bakit niya ba kilala 'yun?

"Kasi... nakita ko dati sa mga post niya. Magkasama kayo. Nagselos ako. Naaalala ko 'yun tuwing naririnig ko na may boyfriend ka na raw."

"Huh? Anong post?"

"Basta magkasama kayo. Meron nasa bar. Ta's meron isa sabi niya grilfriend ka raw niya. Sino ba 'yun? Delusional! Hindi pala totoo!"

Kumunot ang noo ko. May post na gano'n? Siraulong Jiro!

"Kaibigan ko lang 'yun. Katrabaho ko noon sa coffee shop."

"Nagwork ka sa coffee shop?"

I nodded. 

He shifted from his seat. "Ano pa? Ano pa mga ginawa mo?"

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon