10.25.19 - 4:17 AM

185 28 3
                                    

Fieldtrip namin ngayon sa Baguio. 

Ever since, ang fieldtrip ng school ay sa mga museum or parks. Ngayo'y gusto ng principal namin na talagang mag-enjoy lang kami kaya naisipan niyang gawing location ang Baguio, mas malayo sa mga karaniwang location. Lahat naman ay tuwang-tuwa at excited doon.

Dahil mahaba ang byahe ay 10 p.m. aalis ang mga bus at 9:30 p.m. ang call-time sa school.

Isa ako sa pinaka-excited dahil first time akong pinayagan ni mommy na sumama. Matagal ko siyang kinumbinsi at kinausap nang masinsinan para lang mapapayag.

9 p.m. pa lang ay nasa school na 'ko at marami na rin agad ang naroon.

I saw the girls and went with them to the nearest convenience store.

"Hintayin ko na lang kayo sa labas. Hindi naman ako bibili," paalam ko.

"Sige, pasama ka muna kila Jai oh." Napalingon ako sa tinurong lamesa ni Faye.

'Di kalayuan ay nakita ko ang grupo nila Jai sa isang table sa labas ng AllDay, nagkukwentuhan. I spotted Kiel. He was in a hoodie, face buried on the table.

Lumapit ako sa kanila. Nang makita ako ay lumipat ng upuan si Rain mula sa tabi ni Kiel para ibigay sa akin iyon. I said thank you.

Jairelle pointed at Kiel beside me and mouthed, "May sakit."

Kumunot ang noo ko at nilingon si Kiel na nakadukdok pa rin sa lamesa. Yumuko ako at dahan-dahang tinanggal ang hood niya.

Idinampi ko ang likod ng mga daliri sa pisngi niya. Mainit nga siya.

"Bakit?" Nilingon ko ang mga kaibigan niya. They raised their hands as if surrendering or proving themselves not guilty.

My brows knitted. Napabaling ulit ako kay Kiel nang gumalaw siya at maya-maya'y nagtama ang tingin namin. "Avien..."

"Bakit palagi kang may sakit?" I combed his curls off his face. "Uminom ka na ng gamot?"

Nagulat ako nang biglang magwala ang mga nasa lamesa namin. Nagtilian, tulakan, tuksuhan na parang mga bulateng naasinan. Inalog-alog pa ni Rovin ang lamesa.

I darted my eyes at them and then, they went silent in unison. Bumaling-baling pa sila sa paligid na animo'y may hinahanap. Nagpanggap pa silang nagkukwentuhan ng kanila.

Kinuha ni Kiel mula sa pisngi niya ang kamay ko at dinala sa ilalim ng lamesa. He held my hand there while watching me.

I slowly intertwined our fingers while returning his gaze.

His lips pursed as he tried to fight a smile.

"Uminom ka na ng gamot?" I asked again, trying to divert his attention.

He nodded, still smiling. Napa-iwas ako ng tingin, hindi na matagalan ang pagpapanggap. Napanguso ako at inabala na lang ang sarili sa phone.

I was scrolling through Facebook when the girls arrived. Kumuha rin sila ng mga upuan at nakitambay.

"Woah! Uy, p're, inaccept na 'ko ni Avien sa Facebook!" Napatingin kami kay Rovin.

"Yung friend request ko, four years na..." Nakisilip din si Jairelle sa cellphone ni Rovin.

"Same. Happy 4th anniversary, tol!" Rain

"Sabi sainyo ulitin niyo 'yung pagsend eh." Rovin

Kunot-noo akong bumaling ulit sa phone upang hanapin ang mga pangalan nila. Ngayon na lang ulit kasi ako nakapag-open ng Facebook at nasa bandang unahan ang friend request ni Rovin kaya naaccept ko agad ang kaniya. Natabunan naman ata 'yung sa iba.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon