10.04.18 - never been, never will

144 28 0
                                    

Galing library, pabalik na kami ni Kiel ng room nang makasalubong namin si Harvin. He curiously watched us.

"Wala pa si ma'am?" I asked.

"'La pa," sagot niya. "...Bati na kayo?"

"Baket?" tanong pabalik ni Kiel.

"Ako unang nagtanong."

"Si Avien unang nagtanong, hindi ikaw."

Naiiling ko silang nilagpasan. Nagsama ang dalawang pilosopo.

Pagdating ng time ni Sir Rodriguez ay dumiretso na kami sa stage sa may lobby upang gawin ang general practice. Thursday ngayon and it would be our final practice for ballroom dance since bukas na 'yung performance namin.

"Bati na kayo?" tanong ulit ni Harvin habang nagpapractice kami.

I nodded.

"Kailan pa?"

"Nung Saturday pa."

"Huh? Ba't hindi halata?"

I shrugged. 

I noticed nga how Kiel wouldn't approach me in front of several people anymore—especially our classmates.

Kung dati ay kapag nagkakasalubong kami sa campus, iiwan niya 'yung kasama niya tapos sasama na siya kung saan ako pupunta kahit pa may iba na 'kong kasama... Ngayon, hanggang tingin na lang, pasimpleng ngiti, at senyas sa kilay ang binibigay niya sa 'kin. Kahit pati sa room.

Madalas ay sa library na lang kami nagsasama.

"Bakit ba kayo nag-away?" kuryosong tanong pa ni Harvin sa practice.

"Ang dami mo namang tanong."

Nang matapos ang general practice, sinabayan ni Ailene ang paglalakad ko.

"Avien, okay na ba kayo ni Kiel?" she asked.

Dahan-dahan akong tumango.

"Sabi ko na eh!"

"Bakit..."

"Nung isang araw ko pa feeling na okay na kayo. Kasi si Kiel hindi na masungit. Bumalik na sa dati. Medyo nalito lang ako kasi hindi ka naman niya nilalapit-lapitan."

"Okay na kami... nung Saturday pa."

Napangiti siya. "Talaga? Buti naman!"

"Buti naman?"

"Oo. Para hindi na siya malungkot."

"Okay lang na bati na kami? Uh... hindi ka ba nasasaktan kapag nakikita mo kaming magkasama?"

"Ha... Kailan ko sinabi?"

Oh. "Ah... I just assumed... Kasi 'di ba... may gusto ka sa kaniya?"

Tumango-tango siya. "Narealize ko lang na mas ayaw kong makita siyang malungkot kaysa may kasamang iba. Nalulungkot din kasi ako para sa kaniya, hindi kasi siya 'yun eh. Kaya I prefer the latter. Mas okay nang makita siya kasama ng iba... basta lang masaya siya." Bumuntong hininga siya at tumingin sa sahig.

"Haaaay! Is this maturity? Parang last month lang iyak-iyak pa 'ko ah..." she murmured to herself.

"Gano'n ba kapag love? Okay lang kahit hindi ikaw?"

"Ewan. Love ba 'to?" She chuckled.

Nang mag-uwian, naghintay na ako sa school gate dahil may plano kami ni Kiel na ituloy ang foodtrip na plano pa namin bago siya mag-Siargao.

"Gala tayo ngayon. Friday naman," aya ni Erin.

"Pwede. SM tayo," pagsang-ayon ni Dianne.

"Pwede kayo?"

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon