The construction of our house lasted for ten months. I was excited as we moved in since the house was closer to my family's; meaning, I could visit my siblings more often now.
"Yung mga bata, nakahanap ng kalaro." Inilapag ni mommy ang barbecue sa lamesa. Nandito sila ngayon sa bahay para sa house warming.
Habang naghahain ng mga plato ay bumalik ang tingin ko kay Kiel at mga kapatid ko na naglalaro sa sala.
Si Claude ay nakasakay sa balikat ni Kiel habang inaalalayan niya ng isang braso at ang isang braso niya ay kunyaring nire-wrestling naman sa sofa ang 3-year-old kong bunsong kapatid na si Dansel. Dansel would giggle every time Kiel would lift him up and wrestle playfully on the sofa. On the other hand, Brianna would shriek with Claude as she tries to reach him from Kiel's shoulders.
Tumili si Claude at naglikot nang bumaba si Kiel kaunti para ipataya siya kay Brianna.
"Hala ayan na matataya ka na..." Humalakhak si Kiel nang sumigaw ulit si Claude.
"Si Kiel ata ang nakahanap ng kalaro." Natatawa kong nilingon si mommy. Natawa rin siya at napa-iling-iling.
Nang pumasok na sila Mommy Kylie, dala-dala ang iba pang mga pagkain ay nagsimula na kaming magsalo-salo.
Nauna pa actually lumipat sa amin ang mga magulang ni Kiel. 5 minute drive na lang ang bahay nila mula sa amin.
Ang hapag ay napuno ng kwentuhan. Ang madalas na magkakwentuhan ay si mommy at mommy Kylie at si papa at papa Yezkel. Tapos ay si Kiel ang kausap ay ang mga bata habang ako ay tahimik lang na napapangiti tuwing pinagmamasdan silang lahat.
Sobrang swerte namin dahil magkasundo ang mga pamilya namin.
Kiel and I were so blessed to have a harmonious family relationship. Tuwing magkakasama nga kami ay pakiramdam ko, isa talaga kaming buong pamilya... that we had four parents.
Kinabukasan ay back to normal na naman. Kaming dalawa na lang ulit ni Kiel ang naiwan sa bahay at ang kaka-hire lang namin na dalawang helper.
We now needed a helper since the house was big and Kiel and I were already too busy with work to even prepare our food.
Pagkalipat din namin ay nagbago ang schedule ko dahil nagbago rin ang oras ng trabaho ko. Naging 10 a.m. hanggang 7 p.m. na ang pasok ko. Kaya naman ay araw-araw, 5 a.m. na akong gumigising para magsimulang magsulat. Kiel would wake up at 7:30 a.m. kaya mga ganoong oras din ako nakakapag-almusal kasabay siya.
I removed my air pods when I saw Kiel enter the room in my peripheral vision. I was slouching on the sofa while writing.
Mabilis na nagpalit ng damit si Kiel. Nang lingunin niya 'ko ay binuksan ko ang mga braso sa kaniya. Agad siyang lumapit at nilipat ang laptop ko sa may coffee table para siya ang pumalit. Dumagan siya sa akin and he tried to fit himself on the side of my face. Naramdaman ko ang pagod niya.
I brushed his hair off his face. "How was your day?"
"Kapagod, love." He started ranting to me about everything that happened at work.
No matter how busy I get, I always made sure I had time for him dahil sa mahigit isang taon naming pagsasama sa iisang bahay, iyon ang pinakita niya sa 'kin.
Kiel got this habit of finishing and leaving all his work at work... so that when he gets home, he could be a husband to me.
At home, he would give me all his time: maglalambing, ipagluluto ako, imamasahe... at kung ano-ano pang pagsisilbi ang ginagawa niya sa 'kin. At kapag nakita naman niya akong busy, doon niya lang aabalahin ang sarili sa ibang bagay para hindi ako maistorbo.

BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon