06.28.24 - The Perfect Time

163 26 0
                                    

I was about to complain when the ringing stopped. My heart skipped a beat as Kiel answered the call. Umusog ako palayo para hindi makita sa screen dahil video call pala iyon!

[Harv.]

Nangilid bigla ang mga luha ko nang muling marinig ang boses niya. Pinigilan ko iyon. 

[Napatawag ka?]

Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko na parang kinakabahan na ewan.

"Wala. Kamusta?"

[Wow. Is this a prank?]

Maluha-luha na pero bigla akong napangiti. I chuckled silently beside Harvin. I miss him!!

"Bawal ba mangamusta?"

[Okay naman ako, baby. Ikaw? Kumain ka na?]

My lips protruded as I tried to stifle my smile. Sinipat ako ng tingin ni Harvin at nginisian.

"Open mo cam mo."

[May clingy side ka pala, My Harvy.]

"Ampota."

I panicked when Harvin suddenly faced the phone to me. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang naka off-cam naman pala.

But it was immediately replaced by my throbbing heart when the screen suddenly displayed Kiel! He opened his cam! Nakaupo siya sa dining table at may pagkain sa harapan. Inaayos pa niya ang pagkakatayo ng video kaya magalaw iyon at kitang-kita ko na wala siyang suot na top!

Inalis na ang phone sa harapan ko pero parang natulala pa rin ako.

"Ano 'yan?"

[Late lunch.]

"Late lunch eh 4:30 na?"

[Late-late lunch.]

"Wala kang pasok?"

[Umuwi ako.]

"Bakit?"

[Wala namang ginagawa ta's masama rin pakiramdam.]

Kumunot ang noo ko.

"Bakit ngayon ka lang naglunch?"

[Kakagising ko lang. Lunch kasi ako umuwi ta's natulog agad. Nakalimutan ko kumain.]

"Wala kang kasama diyan?"

[Wala.]

"Si Avien?"

I restrained myself from slamming Harvin's head on the wall.

[Ba't ang dami mong tanong?] Sumeryoso ang tono ni Kiel at nag-angat ng tingin sa screen.

I stared at his face. And then tears started welling up in my eyes again. Iniwas ko na lang ang tingin. It's still so hard to control my emotions around him; more so when it comes to him!

Maya-maya rin ay nagpaalam na si Kiel kay Harvin.

Pagbaba ng tawag, sinubukan kong itago ang nararamdaman sa pamamagitan ng paghampas kay Harvin.

"Chineck ko lang naman kung mahal mo pa!"

"Why would you mention my name?! Sinira mo lang mood niya! Tapos hinarap mo pa sa 'kin 'yung screen! What if he saw me?!"

"Para nga makita mo eh! Ayaw mo ba?"

"Let him move on!"

"Edi sorry na!"

Annoyed, I just sipped on my coffee.

"Alam mo ba kung bakit wala siyang kasama?"

"..."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon