00.00.17 - harvin.

175 28 0
                                    

Dinig ko ang usapan ng mga kaklase ko tungkol kay Harvin habang nililinis ko ang natapon. I took out my handkerchief and used it to wipe his bag and books inside.

I stood up when I saw Harvin nearing. I stepped back and stood beside Kiel. "Pinapatuyo ko lang. Sorry kung pinakialaman ko..."

Mukha namang kalmado na siya.

"Harvin, okay ka lang ba?" Kiel asked sarcastically so my eyes got drawn at him. "Hindi ka manlang magsosorry? Gano'n-gano'n na lang yo'n? Kahit ano pang ginawa niya sa 'yo, hindi mo pa rin siya dapat sinaktan. Bakit mo siya tinulak? Tapos siniga"

Pasimple kong inabot ang kamay ni Kiel. I was able to hold his fingertips. I squeezed them, signaling him to stop since I could already feel everyone's eyes on us.

I massaged my temple.

Tumayo si Harvin at mula sa kamay namin ni Kiel ay tinignan niya 'ko. "Pwede ba kitang maka-usap?"

Lumabas kami ng room upang makapag-usap. We went to the empty staircase at the end of the corridor.

"Sorry..." he said in a low voice without looking at me.

Bumuntong-hininga ako at tumango. "Sorry rin for spilling my coffee on you.... and..."

Bumaba ang tingin ko sa braso niyang nababalutan pa rin ng jacket kahit basa na. Iniwas ni Harvin iyon at itinago sa likod.

I let out a sigh and faced him completely. "Okay ka lang ba? Ginawa mo ba 'yun sa sarili mo? Bakit..."

Iniwas niya lang ang tingin sa 'kin. "Hindi mo na kailangang malaman."

"Kailangan mo ba ng tulong? Are you... abused or what? Emotionally unstable? May... May maitutulong ba 'ko?"

Dahan-dahan naman siyang umiling bago nag-angat ulit ng tingin sa 'kin. "Huwag mo na lang ipagkalat 'yung nakita mo. 'Yun lang pwede mong matulong."

"If you need someone to talk to... pwede akong makinig..."

Huminga siya ng malalim bago umiwas ulit ng tingin.

"Kung kailangan mo ng tulong, maraming willing gawin 'yon for you... Isa na 'ko ro'n..." maingat na sabi ko.

I don't even know if my words are helpful! I really just feel bothered by what I saw in his arms.

"Pafall ka..." bulong niya.

Nalaglag ang panga ko. "What!?"

"Basta huwag mo na lang isipin 'yung nakita mo. Bakit kasi bigla mo na lang inangat 'yung jacket ko?"

"I'm sorry!"

"Oo na. Basta 'wag mo ipagkalat. 'Wag kang mag-alala, hindi ako suicidal."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Eh bakit niya 'yun ginagawa?

"Kung gusto mo talaga akong tulungan, kalimutan mo 'yung nangyari at mag-akto tayo na parang dati lang. Huwag mo na 'ko ulit kaka-usapin tungkol dito."

Huminga ako ng malalim. "Okay, fine. Basta huwag kang"

"At huwag kang mag-aktong may pake sa 'kin. Ayokong magkagusto sa'yo at"

I couldn't help but glare and turn my back at him. Naglakad ako pabalik ng classroom.

Seryoso ako rito at na-a-alarma sa itsura ng braso niya! I'm genuinely concerned, but he thinks I'm just pretending?! Na ginagawa ko lang iyon para magpafall?! What the hell! How could he think that way?!

Bahala nga siya! Basta hindi siya suicidal, napanatag na 'ko ro'n kahit papa'no.

Pagpasok ng room ay bumungad sa akin si Kiel. Nakapamulsa pa siya sa suot niyang hoodie na black. Suot na rin niya ang backpack niya.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon