08.06.25 - Avien's second play ♡

185 26 0
                                    

7:30 a.m. nang bumaba ako ng dorm para sa usapan namin ni Kiel. Naabutan ko pa siyang nakikipag-usap kay Kuya Guard pagkababa ko. Kilala na siya ni Kuya dahil halos araw-araw niya 'kong hinahatid dito.

When Kiel saw me, he stopped talking and shamelessly checked me out from head to toes. Pati ang kausap niyang si kuya guard ay napalingon din tuloy sa 'kin.

Napatingin tuloy ako sa suot ko. I was wearing a long dress and strappy sandals. Nilagyan ko lang ng tint ang labi at nakalugay lang din ang wavy kong buhok na sinuklay ko naman nang maayos kahit papaano.

"Bye na, kuya! Date lang kami ng asawa ko." Hinawakan ni Kiel ang kamay ko. 

Ngumiti lang sa 'min si Kuya Guard. Dumiretso na kami sa shooting location. He asked me to be his muse kasi for his project. Pumayag ako dahil gusto ko nang matapos ang project niya. Ilang gabi na niyang pinagpupuyatan 'yun eh.  

"Wooh. Ganda! Ang ganda! Pwede nang maging secret ni Victoria!"

Kiel kept on hyping me up while I was posing. And it would make me laugh so sasamaan ko siya ng tingin kasi paano kami matatapos niyan!

"Ey! Aesthetic girl! Isang ikot nga, 'yung pang helicopter!"

I glared at him. Humalakhak siya at binaba na ang camera. Isang oras din akong nagpa-uto sa mga pinapapose niya sa akin para mabilis kaming matapos!

"Hala! Hindi pala napindot 'yung record!" aniya na nakapagpalukot ng mukha ko.

Handa na ako para sa magiging pinaka-unang away namin nang humalakhak naman siya sa reaksyon ko. "Joke lang!"

"Alam mo, sana bagsak grades mo diyan."

Tumawa siya.

"Ang init-init, Kiel, napakataas ng energy mo. Solar powered ka ba?"

He wiped my sweat as he giggled. Nahahawa na lang ako sa saya niya!

Naglakad na ako sa pinag-iwanan namin ng gamit at baong pagkain, sa ilalim ng puno. Nagdala talaga si Kiel ng kumot para raw uupo ako pagkatapos.

I tied my hair into a high ponytail while Kiel sat beside me to check the clips. Nang makisilip ako ay binigay niya sa 'kin ang camera para matingnan ko nang maayos.

"Ang ganda talaga. Promise. Pwede ka nang model." He wiped the sweat off my neck with a towel while my attention was at the camera.

"Okay naman pala. Akala ko pinagtitripan mo lang ako ro'n," I commented.

Tumawa siya. "Trust the process, Ms. Evangelista."

"Para ka kasing joke, direk."

Binalik ko na sa kaniya ang camera. "Idadagdag ko 'to sa file folder mo sa 'kin," aniya as he swiped through it.

"Huh? Meron?" 

"Oo. Nakaseparate by year 'yung photos and videos mo sa 'kin. Pag tinotal, umabot na ngang 8k eh."

"Ang dami naman!"

"Onti lang kaya 'yun."

"Bakit may ganyan pa?"

"Back-up file lang. Nasa phone ko halos lahat. Gumawa lang ako back-up ng photos and videos mo... incase mawala phone ko."

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko, love?"

"Hindi ah. Gusto ko na nga ipa-tattoo mukha mo sa mata ko."

Natatawa ko siyang hinampas. Bwiset talaga kausap!

"Totoo nga!" He chuckled. "Hindi nakakasawa mukha mo, babe. Ang sungit kasi na ang cute. Ang ganda-ganda. Promise kamo, mukha ka talagang prinsesa. 'Yung prinsesang gugustuhin mong magpaalila."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon