06.07.31 - afterparty! drunk avien <3

180 27 0
                                    

"Sapphire, Amethyst, and Emerald." Nakangiti kong nilingon si Kiel matapos titigan ang singsing. It was so beautiful. Minimalist lang ang design, magkakatabi ang maliliit na bato. "I really love your ways of making everything meaningful and special."

He smiled while his eyes remained on the road. We were on our way to the reunion party after cleaning after the surprise. Nakipagkwentuhan at catch-up din kami kay Sir Augustine at kila Ate Lina kaya natagalan pa bago nakaalis.

Madilim na paglabas namin. Dumiretso na agad kami sa venue.

"Dinalhan ka nila Erin ng damit. Sa loob na lang tayo magpalit," sambit ni Kiel pagkalabas namin ng sasakyan.

We were greeted by familiar faces in the venue. My smile widened as I made eye-contact with them.

"Tententenen tententenen!!" they chanted. "Mabuhay ang bagong kasal!"

My eyes widened a fraction. Lumapit sa 'kin sila Dianne at hiniram ako kay Kiel.

"Ang ganda ng dala naming dress sa 'yo, A!" Inangkla ni Erin ang braso niya sa 'kin. "Magpaparty tayo malala!"

"By the way, where's baby Flynn?" I turned to Faye. I was actually looking forward to seeing her baby again!

"Iniwan ko sa daddy niya. Diretso bar daw eh after dito." Faye shrugged.

"Huh?!"

"Oo. Si Nathan nag-organize nito. After dinner here, lilipat tayo sa Skysan, walking distance lang from here 'yon. Mag-c-clubbing daw tayo ro'n! Excited na nga 'ko eh! Miss ko na nomi!"

Pagpasok namin ng CR ay pinakita nila sa 'kin ang dinala nilang dress for me. "Binili namin 'to for you, A!"

"Hala! I'll pay for it."

"Huwag na. Nagpresinta talaga kami kay Kiel na kami na magdadala ng damit mo!"

"Gift namin sa 'yo 'to, A!"

"Yiee~ Enganged na siya!"

Napangiti ako. "Alam niyo?"

"Oo." They chuckled and held my hand to check the ring. "Ang ganda!"

"Ang sabi lang sa 'min ni Kiel, may surprise daw siya for you. Pero, syempre, alam na agad namin na proposal!"

Pumasok ako sa cubicle at habang nagbibihis ay kinuwentuhan nila ako tungkol sa mga nangyari.

"Hindi talaga totoo 'yung reunion nung una, Avien. Una kaming nilapitan ni Kiel, ang sabi niya lang, makisakay about sa reunion. Then, eventually, pinush na niya na maging totoo. Kinausap niya si Nathan."

"Really?" Natigilan ako roon.

"Oo. Sinagot nga raw ni Kiel ang venue para mangyari 'tong reunion eh."

My lips parted at that.

Pagkatapos magbihis ay lumabas ako ng cubicle.

"Waah! Ang ganda!! Oh 'di ba! Tamang-tama 'yung size! Sexy mo, A!"

I smiled at them. "Thank you! Ang ganda!"

I looked at my reflection on the mirror. The dress was velvet black cowl-neck dress that fell 3 inches above my knees. It was hugging my body perfectly. It looked so beautiful!

The girls put light make-up on me. Nanatiling lugay ang buhok kong umaalon hanggang baywang sa likod ko. Kumpleto pa ang dala nila Erin dahil sinuotan din nila 'ko ng silver circle na earrings. Hindi na nila 'ko sinuotan ng kwintas at bracelet dahil suot-suot ko ang regalo sa 'kin ni Kiel noon. They also made me wear a 2-inch sandals na sila rin ang bumili para sa 'kin.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon