08.17.18 - the untouchables

209 30 3
                                    

"Nabalitaan mo na ba, Avien?" Umupo sa tabi ko si Shan. Sa kabilang tabi niya ay kasunod na umupo si Ailene.

I noticed that until now, Shan and Ailene were still not in good terms with their friends: Rhea, Ivy, and Kirsten. They were divided. Hindi na sila nagkikibuan sa room.

At hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit; wala pang nasasagap na balita si Kiel.

These days, madalas tumabi sa 'kin ang dalawa. Kami ni Ailene ay madalas na nag-uusap about sa club. Kay Shan naman ay kagaya lang ng dati, about random things.

I could say that we became... closer. Suddenly.

"Umaariba na naman daw yung duwende."

My brows knitted.

"Dianne!" Napalingon ako sa tinawag ni Shan.

Magkakasama si Dianne, Faye, at Erin sa may bilihan ng ulam sa canteen. Sabay silang lumingon sa amin. Shan gestured them to come.

"Ayan si Dianne. Madaming chika 'yan sa duwende."

"Ano na namang duwende?" Umupo sa tabi ko si Kiel, nakabili na ng ketchup. "Kanina ko pa naririnig sa taas na naman na 'yan."

Naglakad palapit sa 'min si Erin, Dianne, at Faye na may dala-dala nang mga lunch.

"Bakit magkakasama kayo?" tanong ni Shan sa kanila.

The three of them sat across us. "Galing club. Meeting."

"Ah same club pala kayo?" Shan

"Yep."

"Anong club niyo?" tanong ni Kiel.

"Nightclub," sagot ni Erin.

"Ah, 'kala ko Mickey Mouse Clubhouse," pakikilaban ni Kiel.

Erin gave him a disgusted look. "Sapakin mo nga 'yan, Avien."

"Tino mo kasi kausap."

We started eating and their topic got diverted at the midgets again.

"So eto na nga, nagsisimula na naman manguha ng mga gamit ang mga duwende. Kanina raw-"

"Bakit mo ba sinisisi lagi ang mga duwende, Dianne?" singit ni Kiel matapos lunukin ang kinakain. "Wala naman kayong proof. Kawawa naman ang mga duwende."

"Eh sino pa ba gagawa ng gano'n? Tao? Ano mapapala ng tao?"

"Ano rin ba mapapala ng duwende sa paggawa ng gano'n?"

"Bakit mo ba sila pinagtatanggol? Isa ka ba sa kanila?"

Natawa si Erin at Shan habang kumakain kaya nasamid sila at napa-inom ng tubig.

"Isipin niyo kasi. Kung duwende man 'yun, bakit sa section lang natin nangyayari? Bakit tayong magkakaklase lang ang nakakaranas?"

Natahimik si Dianne at napa-isip dahil sa sinabi ni Kiel.

"Hindi duwende ang gumagawa nun. Baka nasa room lang din."

"Baka ikaw talaga 'yun."

"Oo nga. Mga trip mo mga nonsense eh."

What if isa nga sa mga kaklase namin ang nagawa no'n? Sino sa kanila? Wala akong maisip na gagawa ng ganoong klaseng pantitrip.

I suddenly realized that I don't really know my classmates.

Sa mga sumunod na araw, mas naging madalas ko pang nakasama si Shan at Ailene. Ilang linggo na silang hindi nagpapansinan ng mga kaibigan nila at biglang kaming tatlo na ang palaging magkakasama. They would join me during break time.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon