05.15.32 - premiere with direk!

162 27 0
                                    

[Your script was accepted!]

My eyes widened when I heard the news. "Talaga po?!"

Nang matapos kong isulat ang script na mystery/thriller ang genre ay agad ko iyong sinend kay Manager Jest para mareview niya. He asked me to do minor revisions and I obliged. Nang masatisfy kami parehas ay sinubmit na niya iyon sa agency. And now we finally received a feedback!

[Yes. You'll just sign a contract then irerefer na sa 'yo 'yung director na hahawak ng project.]

Naging mabilis ang proseso. Matapos kong pumirma ay agad nang sinimulan ang proyekto. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil ang direktor namin ay may pangalan na sa industriya. Kilala siyang strikto at mayroon nang mga pelikulang naipanalo.

"Maganda ang pakiramdam ko sa pelikulang ito, Avien. Maganda ang plot ng script mo tapos award-winning director ang hahawak..." nagagalak na sambit ni Manager Jest nang magkita kami.

Napangiti ako. "Ang galing niya nga pong direktor. Sobrang perfectionist."

Director Mace was strict and very keen to details. She was very observant; kapag may napansin siyang kahit katiting na mali o panget na detalye sa scenes, babaguhin niya iyon—uulitin, papalitan.

Kaya kumpara sa nauna kong director, mas maraming rendering na naganap sa script. Mayroong mga scenes na nirevise at kaunti sa dialogues. Sa dialogues ay marami siyang nagustuhan at pinuri ako roon pero may iilan din siyang pinuna at pinarevise sa 'kin dahil ang unnatural daw ng dating.

I was genuinely thankful for her. Nagpasalamat ako sa mga puri niya at pati na rin sa naging puna. I openly took all her criticism and improved my work.

It took 2 months to finish shooting the movie. Sa dalawang buwan na iyon ay dumadalaw-dalaw ako sa shoot pagkatapos ng trabaho ko. 

Maaga ko palaging tinatapos ang mga trabaho ko para makapag-out ako nang maaga at makanood sa shooting. Gustong-gusto kong nag-o-observe sa shoot at pinapanood si Direk Mace na tulungan ang mga artista niyang palabasin ang emosyon nila.

My heart would also flutter every time the actors utter the lines I wrote. Pero hindi lahat ng delivery ay kagaya ng na-i-imagine ko dahil syempre, hindi naman ako ang direktor. Si Direk Mace ang mas nakakaalam kung ano ang mas magandang delivery ng lines.

"Cheers! Everyone did a great job!" Sa huling araw ng shoot ay nagkaroon kaming lahat ng salo-salo bilang celebration.

hubby:
enjoy ka babe

hubby:
sunduin kita 8:30?

Ako:
8. baka matraffic pa tayo tapos malate ka

Sa kaparehong araw ay ang premiere night ng movie na dinirek ni Kiel kaya pagkatapos ko sa salo-salo namin ay susunduin niya 'ko para sabay kaming pumuntang venue.

I put down my phone when our producer talked to me. Inusisa nila ako tungkol sa pagiging freelance writer ko and so I told them about the journey of my scripts. Nasabi ko rin ang tungkol sa pagiging feature writer ko dahil tinanong kung bakit hindi ako madalas sa shoot.

Sa bawat tanong nila ay binabalik ko rin sa kanila dahil interesado rin ako. Nagtuloy-tuloy ang usapan at kwentuhan namin hanggang sa pinuna nila na hindi ako nainom.

Nangingiti akong umiling. "Aalis din ako mamayang 8."

"Ang aga naman ng 8! May curfew?" biro nila.

"May lakad po kasi kami ng husband ko..."

"Oh! You're married?"

I nodded.

"Oh... Oo nga! May ring. Ngayon ko lang napansin."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon