02.18.26 - step 2: book cover making

174 26 0
                                    

Habang hinihintay kumulo ang nilulutong ulam sa dorm ay chineck ko ang phone para tignan kung lumabas na ba ang result sa competition.

Wala pa rin naman.

Biglang may nag-notify na message sa 'kin. Galing kay Miss Fran iyon.

Miss Fran:
Your story got approved na.

My eyes glistened.

Nang malaman kasi ni Miss Fran na nagsusulat ako ng novel, inalok niya akong i-self publish iyon. Nagtatrabaho kasi siya sa isang publishing company at sabi niya ay irerefer daw niya ako kung gusto ko. Agad naman akong sumang-ayon dahil gustong-gusto ko. Last-last week ko pa binigay ang soft copy at hinihintay ang update tungkol doon. Ngayon ay finally, mayroon na.

Ako:
Thank you so much po, Miss! What's the next step po?

Miss Fran asked me to proofread and change the format structure sa Word file. Sabi niya rin ay i-confirm ko na ang book cover.

Ngiting-ngiti ako habang nagluluto. Nang matapos ay agad akong nagpack para kay Kiel.

"Love!!" I barged into his unit.

"I'm so happy!!!" Tumakbo agad ako sa kaniya na nagluluto sa kusina. Yumakap ako sa leeg niya at nagtatalon.

"Waaahhh!!!" Sinabayan niya ako sa pagtalon. "Anong meron?!"

"I'm gonna self-publish a boookk!!!"

"Woahhhh!!!"

"Woahhhhhhh!!" sigaw ko rin at nagyakapan na kami at nagtatatalon.

"Uy gagi 'yung manok!" Binitiwan niya ako  at nagmadaling binaliktad ang manok. Natawa ako nang marealize na kanina pa pala siya may hawak na sandok. "Ay lab, andito pala si mommy."

"Huh?!" Napalingon ako sa paligid at nagtama ang tingin namin ni Tita na nakatayo malapit sa kwarto.

Nanlaki ang mga mata ko. "Tita!"

"Waaahhhh! Congraaats!!" she greeted me.

Umakyat ang dugo ko sa mukha at agad lumapit para bumeso.

Nagsabay-sabay na kaming kumain. Kakarating lang pala ni Tita. May lakad daw siya at dinaanan lang si Kiel para icheck. Kami halos ni Tita ang magkakwentuhan sa hapag dahil kinakamusta niya ang pag-a-aral ko pati pagsusulat.

Mahiya-hiya pa ako kasi si Kiel siningit pang ibida 'yung mga events at competitions na sinalihan ko! Pasimple ko na lang pinisil ang hita niya para tumigil.

"May iniwan akong mga food sa ref. Pagsaluhan niyo," bilin ni Tita pagkahatid namin sa kaniya.

"Opo."

"Ingat ka, mi. Labyu." Humalik si Kiel sa pisngi niya.

Lumapit din ako at humalik. "Ingat po, Tita."

"Solo niyo na ang unit," she mentioned.

I awkwardly chuckled and waved goodbye.

"Solo na raw natin ang unit," inulit pa ni Kiel!

"Solo na natin," kaya inulit ko rin.

"Tara na't magsolitair!" Humalakhak siya.

"Siraulo!" Natawa ako sa tawa niya.

"Ay, love, ano pala. Can I commission you sa paggawa ng book cover?" tanong ko pagbalik namin ng unit.

"Sure!"

"Ye'y! Magkano?"

"Kiss madami."

My lips twisted. He grinned. "Halika, simulan na natin."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon