Habang nag-iimpake si Kiel ay 'tsaka lang nagsink in sa 'kin.
I blinked.
"Dadalhin ko 'tong unan mo, ha..." Pinilit ipagkasya ni Kiel ang unan sa maleta niya. Pahirapan pa siya sa pagsara no'n.
Nangilid ang luha ko nang magtama ang tingin namin.
His brows furrowed. "Oh... baby..." Lumapit siya sa 'kin at agad akong niyakap.
Sumiksik ako sa dibdib niya at niyakap siya nang mahigpit.
Two years palang walang hug... kiss... cuddle from him...
Kaya ko ba 'yun?
He cupped my face and wiped my tears away. "Bakit ngayon ka lang umiiyak, mahal ha? Gabi-gabi akong umiiyak sa 'yo, tinatawanan mo lang ako... tapos ngayong aalis na 'ko 'tsaka ka lang iiyak, mmh?"
"Eh kasi mas matimbang naman 'yung pagkaproud at excitement ko para sa 'yo eh... Ngayon lang unti-unting nagreregister sa 'kin 'yung LDR..." Yumakap ako sa kaniya at humilig sa dibdib niya. "I'm gonna miss your cuddles..."
"Mag-ka-cuddle tayo nang marami."
I sat straight and cupped his face. "Take care of yourself there ha? Baka mamaya ang lamig-lamig tapos naka-t-shirt ka na naman! Wala ako ro'n para magpasuot sa 'yo ng makapal na clothes. Kumain ka sa tamang oras palagi. Huwag pwersahin ang katawan. Magtake ng break from time to time ha? I won't be there to take care of you when you get sick... so, please..."
"Don't worry, love. I'll take care of myself like how you take care of me."
Umiling-iling ako. "Take care of yourself like how you take care of me."
He smiled and wiped my remaining tears. "Opo, promise. Baka pag nagkasakit ako eh lalo lang kitang mamiss..."
Napanguso ako. "Baka nga madalas ka talagang magkasakit do'n... ma-homesick. Sanay ka pa naman sa affection..."
"Kaya nga dala ko ang unan mo eh. Palagi kong yayakapin 'yun, kunyari ikaw."
"I'm so proud of you. You're brave for this. This will all be worth it in time."
Matagal pinag-isipan ni Kiel ang lahat. At masaya ako dahil nanaig sa kaniya iyong kagustuhan niya talaga. Masaya ako na ang desisyong pinili niya ay para sa sarili niya... not for anyone else.
I continued helping him pack his things up. Later then, his parents arrived, together with the things he asked for them to bring.
Kinabukasan ay flight niya at hinatid namin siya sa airport. Sakto pa na sa flight ni Tito siya sasakay.
"Oh bakit naiyak!" Natatawang niyakap ni Kiel si Tita Kylie na kanina pa nagpipigil ng mga luha.
Nagpalis ng luha si Tita at hinampas si Kiel nang tawanan siya nito.
"Tatawagan kita, mi, from time to time. Kahit tulog ka pa." Hinigpitan niya ang yakap kay Tita. "Bilisan niyo pagdalaw ah... Baka mabaliw ako ro'n."
"Oo nga. Baka December o January pa pwede."
"Sama niyo si Avien, mi, ah. Kunyari susurprise niyo ko..." bulong niya pa pero narinig ko naman. Pagkatapos ay hinalikan niya na sa noo at magkabilang pisngi si Tita. "Labyu."
Sunod na lumapit siya kay manang para maglambing bago sa 'kin.
He suddenly cupped my face and attacked me with kisses. Pinaulanan niya ng mabababaw at malalambot na halik ang buong mukha ko. Nag-init tuloy ang pisngi ko dahil nasa tabi lang namin si Tita.
"Sobra kitang mamimiss." He pressed his lips on mine. Matagal iyon bago siya bumitiw. "I love you."
I smiled. "I love you."
BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon