12.08.25 - Avien's first writing competition ♡

163 27 0
                                    

"Kiel," pagtawag ko kay Kiel. Nasa desktop siya habang ako ay nasa study table niya na ginawa na talaga niyang study space ko rito sa condo niya. 

"Avien," he responded.

I shifted from my seat. Tinupi ko ang tuhod ko at ipinatong sa upuan para makaharap sa direksyon niya nang mas maayos. I rested my arms on the backrest of the swivel chair and placed my chin on my arm. "Patapos ka na?"

"Bakit?" Lumingon siya sa akin, giving me his full attention. "Dito ka." Tinapik niya ang hita at hinalina akong lumapit. 

Umiling ako. "May itatanong lang ako sa 'yo. Later na pagtapos mo." Umayos na ulit ako ng upo pero lumapit si Kiel gamit ang swivel chair at naki-usyoso sa ginagawa ko. Nirereview ko lang naman ulit ang script ko pero kanina pa madaming pumapasok sa isip ko. 

"Break muna 'ko." Bumalot ang braso niya sa baywang ko at hinarap ang upuan ko sa kaniya. "Anong itatanong mo?"

Napasilip ako sa monitor niya. Nasa kalagitnaan pa rin siya ng pag-e-edit. Hinarang naman niya ang mukha sa paningin ko. 

"Love..." Nangunguso akong napabuntong-hininga. 

"Po?" He tucked my hair behind my ears. 

"Kanina pa ako nag-o-overthink. Naiinis na 'ko."

He nodded.

"So please be honest with me ha?

"My stories... Nagagandahan ka ba talaga sa kanila o sinasabi mo lang na maganda kasi ako ang gumawa?" I asked. "Don't lie."

Kumunot ang noo niyo. "Nagagandahan talaga."

"Really?"

"Oo. Ang ganda kaya. Bakit? May nagsabing hindi?"

"Kahit hindi ako 'yung nagsulat, babasahin mo kasi maganda?"

"Hindi ko 'yun madidiscover kung hindi ikaw ang nagsulat. Nagbasa lang ako kasi gawa mo. Tapos nagandahan ako, ayun..."

"Tinapos mo 'yung story kasi na-hook ka? Hindi dahil sa ako ang writer?"

"Na-hook."

"Weh?"

"Promise. Walang halong feelings."

"Tingin mo ba may dapat baguhin sa stories? Plot hole gano'n?" tanong ko pa.

"Oo."

"Ano?"

"Buhayin mo si Yohan."

I frowned at him. Natawa naman siya. "Wala naman kasing dapat baguhin."

"Hindi ka ba na-boringan sa story?"

"Hindi. Love, ang dami-dami ko ngang comments per chapter eh. Alam mo ba, ginawa ko pang bio sa Facebook 'yung isang line ni Kian dati!"

"Hindi ka ba napapasabi na ang trying hard naman magsulat nito ni Avien, gano'n?"

Kumunot ang noo niya. "Alam ko naman na you try really hard and give your best sa lahat ng stories mo. And that is a good thing. Walang masama roon. That shouldn't be an insult."

Napa-isip ako.

"What's wrong, babe? May nambabash ba sa story mo? Kaya ka umiyak kagabi? Huwag kang maniwala; anonymous account lang 'yun ni Harvin."

Napangiti ako at ipinatong ang mga paa sa swivel chair. Sumandal ako roon at nagsimulang magkwento. I told him about Miss Fran's feedback on my script. And he listened attentively.

"I know mababaw pero 'yun ang reason kaya ako umiyak..."

His brows knitted. "Hindi 'yun mababaw."

"Mababaw siya para sa 'kin kaya pinipigilan ko pag-iyak ko kanina eh..."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon