"Group 1 got the highest score. Ang ganda ng story nila! Na-incorporate lahat ng topics! Very good, group 1!"
I could still hear Ma'am Reyes' words, complimenting our output in Values, as I stared at the screen of my laptop. Hanggang ngayon ay blanko pa rin iyon
I loved writing.
Gusto kong magsulat ng sarili kong libro pero hindi ko magawa kaya ilang buwan na ang nakakalipas mula nang tinigil ko iyon. Ngayong sinusubukan kong bumalik ay talagang wala pa rin.
I was still stucked in the same cycle. The words I'd type would always end up being deleted.
Ewan ko ba. Maybe writing is really a mere school requirement for me? Kapag para sa grades, nakakagawa. Pero kapag gusto ko lang, wala akong natatapos. Weird.
I sighed. I guess... writing is really not for me...
Hindi ko na ulit binuksan ang laptop hanggang sa nagsimula na ang third grading. Unang pasok ng grading ay binago ng adviser namin ang seating arrangement namin.
I got transferred to the middle row, far right column—katabi ng bintana.
Si Harvin, ang service mate ko, ang bago kong katabi.
I was fine with him as my seatmate since hindi siya magulo, minsan ay tulog lang. Hindi kami nagpapansinan at parehas na may sariling mundo. Pabor na pabor sa akin iyon. I loved silence.
"Avien!!!!"
Napa-iling ako habang nagpatuloy sa pagsusulat ng assignment questions sa board.
Kiel leaned beside me, facing my direction. His arms were folded and he even rested the side of his head on the board while waiting for my attention. "Avien."
"Kiel."
"May nalaman ako! Mamaya sa P.E., hindi na tuloy 'yung written quiz dahil mag-gu-groupings na lang tayo para maglaro ng mga larong pinoy!"
"Saan mo naman nasagap 'yan?" Pina-usog ko siya dahil nakaharang siya sa sinusulatan ko.
"Sa kabilang section!"
"Baka sa kanila lang 'yun?"
"Hindi pwede 'yun edi maguguluhan si ma'am sa pag-grade, 'di ba? Atsaka baka ayun na lang ang gagawing quiz ni ma'am?"
Tumango ako dahil may point siya ro'n. "Paano 'yung groupings? Pilian ba?"
"Hindi. Naka-base sa seats. Bibilangin."
Tumango ako at ibinaba na ang marker. Buti naman at hindi pilian dahil baka wala akong magrupuhan.
"Six groups daw eh. Lilipat akong pwesto para magkagrupo tayo!"
"Gusto mo 'ko kagroup?" Humarap ako sa kaniya.
"Oo naman."
"Hindi ako marunong maglaro ng Larong Pinoy."
"Edi tuturuan kita. Madali lang 'yun!"
Kiel spent the recess time with me, lecturing me about the rules of the games we'd be playing later.
Sinamahan niya pa 'ko sa canteen para lang hindi maputol ang pagdaldal niya. Pati mga larong hindi naman namin lalaruin mamaya ay naturo na niya rin.
Dumating ang last subject namin at P.E. iyon. Pumasok si Ma'am Santos nang maingay ang klase. Most of my classmates remained noisy, didn't notice her presence.
She just looked at us with a blank face, walang enerhiyang magsaway.
Napatitig ako sa kaniya dahil matagal ko na talagang napapansin na may nagbago sa kaniya. I just couldn't pinpoint what.
BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon