"Harvin! Ano bang nakakatawa?!" Kanina pa siya tawa nang tawa matapos kong ikwento na same kami ng pinapasukang University ni Kiel.
[Nagkita na pala kayo! Ang tagal kong hinintay ang tawag mo!]
"What do you mean?!"
[Alam kong diyan din siya nag-aaral.]
"What?! Bakit hindi mo sinabi?!"
[Tinanong mo ba?]
Ngayon ko lang narerealize na oo nga! Posibleng dito rin nag-aaral si Kiel! Nag-film 'yun malamang and of course dito since this is the best college in the Philippines for studying arts! And I suggested this to him before!
But I hadn't thought of that while I was enrolling here as I thought we wouldn't see each other again completely. Na tapos na talaga! Tapos ngayon, same kami ng school...
[Bakit ka ba nagpapanic diyan? Ayaw mo na makita?]
"Hindi ko siya kayang harapin..." At mukhang galit siya sa 'kin...
[Malaki naman 'yang school. Kita mo nga ang tagal niyo bago nagkita! Magka-iba kayo ng department, malamang hindi kayo magkakasalubong niyan palagi, huwag kang mag-alala.]
He was wrong! Dahil matapos ang araw na iyon ay napadalas na ang pagkukrus ng daan namin ni Kiel. Nakuha akong playwright ng theatre club at 'yung room no'n... sa building nila!
"Avien, eto 'yung script. May mga notes na diyan kung ano irerevise, check mo na lang... Kaya ba next week?"
I nodded at Ynah. "Sige. Tapusin ko agad."
"Thank you!"
Pagkalabas ko ng pinto ay saktong dumaan ang grupo ni Kiel! Nagtama ang tingin namin pero agad niya ring nilampas sa 'kin iyon.
Sa mga araw na lumipas, tuwing nagkakasalubong kami ay ganoon lang... iwasan ng tingin. Nakakapanibago na naging ganito kami pero kasalanan ko naman. Ginusto ko 'to.
"Crush ko rin 'yon si Kiel. Nakita ko sa common canteen noon, ang pogi!! Kaso dami namang kaagaw do'n!" Hanggang sa building namin ay hindi ako makawala kay Kiel. He was too popular pala, even with my blockmates!
"Madami naman talaga nagkaka-crush do'n. Paano, mga tipo niya ang ideal guy ng marami! Tahimik! Seryoso! Mukhang masungit!"
I paused when I heard that. Nasa kiosk kami at mag-aaral sana pero nagkukwentuhan naman silang dalawa.
"Kiel Santillan? Tahimik, seryoso, at masungit?" kunot-noong tanong sa dormmates kong si Krisha at Lynette.
Napapansin ko nga na masungit ang tingin niya tuwing nagkakasalubong kami... pero akala ko sa 'kin lang!
"Oo, sabi-sabi nila. Inistalk ko nga 'yun eh... Hindi rin pala socmed. Private pa mga pictures. Oh 'di ba! Lakas maka-pogi talaga!"
"Pogi nga pero walang jowa. Lahat binabasted no'n."
"Hindi pa siya nagkakagirlfriend?" kuryosong tanong ko.
"Ewan ko. Pero rito sa school, wala. Lahat ng nagtatangkang umamin, basted. Taray, 'di ba? Siya ang nambabasted. Lakas."
"May naka-usap nga 'ko, umamin daw siya kay Kiel. Mabait naman daw, hindi naman daw talaga masungit... Pero binasted pa rin siya. Ang sabi, study first daw!"
Their eyes got drawn at me when I laughed. Embarrassed, I just pursed my lips and cleared my throat before looking down at my book again.
"Asan na ba si Santi?! Hindi tayo matatapos hangga't hindi siya dumadating." Napahilot ng sintido si Ynah, mainit ang ulo isang araw sa rehearsals ng mga actors.
BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon