00.00.22 - To Stand Up Eight

124 25 3
                                    

I was in school when I heard the news.

Patay na si lola.

I had already prepared myself for that. Tinatagan ko na ang loob ko dahil kakailanganin kong maging lakas ni mommy. I couldn't be weak in front of her.

"K-kumain na tayo, mi..." Nasa wheelchair si mommy at ako ang nagtutulak sa kaniya. Kakatapos lang ilibing ni lola.

"Mauna ka na."

"Hindi kita pwedeng iwan dito..."

"Kumain ka na, Avien."

Natahimik ako at tumingala sa langit. Ang bigat sa dibdib pero kailangan kong tatagan ang loob ko... Bilin ni lola, huwag na 'kong iiyak...

Si tita na ang umako sa lahat ng bayarin sa pagpapalibing ni lola. 

Ilang araw naman makalipas ng libing ay naconfine si mommy sa ospital. Pinapanatili na siya ng doctor doon upang mamonitor. Buntis siya pero pansin ko ang pangangayayat niya.

"Eto, binaunan kita ng lunch... Kumain ka na." Jiro opened the tupperware he placed in front of me. "Ako nagluto niyan."

"Nag-abala ka pa... Ako na lang bibili ng lunch k—"

"Nako 'pag 'yan hindi mo kinain, isusumbong na kita kay ma'am! 'Pag 'yon nalaman na hindi ka na naman nakain ng lunch, papadalhan ka no'n ulit dito ng pagkain. Hindi ka ba nahihiya sa kaniya?!"

"Dinadamay mo na naman si ma'am!"

"Tanggapin mo na kasi 'yan. Sobra ka talaga sa 'kin. Ayaw mo ba ng luto ko?!"

"Tsk. Ingay. Oo na. Kakainin ko na. Thank you so much." Dinampot ko na ang kutsara't tinidor.

"You're welcome!" Nilapit niya pa ang ulam sa 'kin. "Masarap 'yan. Luto ko 'yan eh. Anong gusto mong ulam bukas? Lulutuan ulit kita."

"Magbabaon na 'ko bukas."

Dahil sa dami ng mga gastusin ay hindi ko na alam ang uunahin. Ang daming bayarin sa school... ilaw at kuryente... renta... pataas nang pataas ang bill namin sa ospital... tapos kakaunti lang naman ang sweldo ko.

Iyong naipon ko nung summer ay nagamit ko na sa bayarin sa school, ilaw, at kuryente.

Ma'am raised my salary but it still wasn't enough. Kapag weekdays ay saglit na oras lang naman kasi ako nakakapagtrabaho dahil may pasok. Ayaw ko namang kuhanin 'yung full-time sa shop dahil mawawalan naman ng trabaho ang iba.

Hindi talaga nagkakasya ang sinusweldo ko. So sometimes, I wouldn't eat just to save money.

"Avien, umuwi ka muna sa bahay at isangla mo 'yung singsing ko ro'n."

Nahinto ako sa pagpupunas kay mommy at kumunot ang noo.

"Nasangla ko na lahat. Ayun na lang ang natitira."

"Anong singsing? 'Yung engagement ring?"

"..."

"Bakit isasangla!"

"Para mapakinabangan. Kailangan na nating magdown sa ospital."

"Mommy, ayaw mo ba talagang sabihin kay Tita? Nahihirapan na tayo... Manghingi na tayo ng sustento sa kaniya."

"..."

"Papanagutan niya naman si baby..."

"Ayaw ko nga eh. Ayaw kong malaman niyang buntis ako! Hiwalay na kami! Wala na akong pakialam sa kaniya!"

"Pero, mi... Kahit para sa baby lang..."

"Avien, gawin mo na lang ang sinasabi ko. Umuwi ka sa bahay at isangla ang singsing."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon