I never knew I would have to go through this type of pain again... And it's even more painful this time—it tripled.
"C-coma? W-when will he wake up then? Tomorrow? The next day?" Mommy Kylie asked the doctor in a hopeful voice.
"I'm sorry... That's beyond our knowledge."
"But he'll wake up?!"
"We don't—"
"Of course, he would! He's too young!"
I bowed my head and gritted my teeth. Namumula na ang mga tuhod ko sa sobrang diin ng pagkuyom ko ng mga kamao roon.
"I'm sorry, ma'am. All we can do for now is to wait."
Mommy Kylie's cries faded as they entered the room. Nanatili lang naman ako sa kinauupuan ko.
"Avien... Hindi ka ba papasok?" tanong ni mommy.
I bit my lower lip and shook my head. Sobrang bigat na ng dibdib ko. "M-mamaya na lang..."
I already saw a glimpse of him earlier. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako habang naglalaro sa isip ko ang mga imahe ni Kiel na walang malay... naliligo sa sariling dugo.
I closed my eyes tightly.
Hindi ko kayang makita siya sa ganoong ayos.
Nang pumasok sila mommy para icheck din si Kiel at maiwan ako mag-isa sa labas, doon na 'ko napahagulgol. Itinakip ko ang mga palad sa mukha ko at nanginig ang mga balikat sa lakas ng pag-iyak. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. I didn't care if I'd disturb anyone with my cries.
Lord... huwag po, please... Hindi ko kaya...
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak. Hindi nauubos ang mga luha ko. Naramdaman ko na lang ang mainit na yakap sa 'kin. "H-he looks fine, Avien... Hindi na katulad ng kanina..."
Binigyan ako ni mommy ng panyo at inalo. Nang mapagod ang katawan sa kakaiyak ay tumayo ako at naglakad papunta sa may pintuan.
I held the door handle tightly and bit my lower lip as I contemplated. Pinilit kong pakalmahin ang sarili sa mga paghikbi bago tuluyang pumasok.
Naroon ang mga magulang ni Kiel. They both turned to me. I walked slowly towards the bed. Mommy Kylie smiled at me weakly and hugged me. Agad na namang nag-init ang gilid ng mga mata ko.
"He looks peaceful..." she said and looked at Kiel.
I bit my lower lip as I lowered my gaze at him. He did look peaceful. Maaliwalas na ang itsura niya. Wala nang dugo sa katawan niya at may benda ang ulo. Ginamot na rin ang iilang galos sa balat niya.
"Maiwan ka muna namin dito. We'll just talk to our lawyer."
I nodded.
Mommy Kylie caressed Kiel's cheek and looked at him longingly. I noticed Papa Yezkel looking at him the same way before they left me in the room.
I sat beside the bed and held Kiel's hand. I kissed his knuckles and rested my face on it. I closed my eyes, feeling his warmth as I tried to calm myself.
Nang bumalik sa normal ang paghinga ko ay binalingan ko na siya ng tingin.
I smiled weakly and kissed his knuckles again. I gently caressed the side of his face and brushed a few strands of hair off his face.
"How are you feeling, love... Are you in pain?" Sumakit ang dibdib ko sa pag-iisip na baka kahit walang malay ay nahihirapan pa rin siya. "Hindi mo 'ko iiwan 'di ba?"
Nagpatuloy lang ako sa pagka-usap at paghaplos sa kaniya. Pinunasan ko siya at minasahe ang mga kamay niya. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras.

BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon