00.00.23 - Okay, But Not Quite

124 25 0
                                    

Matapos ang pag-uusap ni mommy at Tito noong araw na iyon ay sa mga sumunod na araw, halos sa ospital na siya tumira at ayaw umalis sa tabi ni mommy. Sinusuyo niya pa rin si mommy at dinadalhan ng mga pagkain palagi. Palagi niya pa itong hinihilot-hilot at pinupunasan.

Minsan ay nahuhuli ko silang may seryosong pinag-uusapan, tungkol sa pamilya ni Tito. Unti-unti ay napapansin kong nagkakaayos na sila hanggang sa dumating na ang araw ng panganganak ni mommy.

After she gave birth, mommy still didn't want to go back to Tito's house so we stayed in our own home. Si tito na lang ang nag-adjust at lumipat sa 'min upang maalagaan ang baby.

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam ulit sa 'kin si Tito na magpopropose kay mommy. Of course, I asked him first if everything going on with his family was already settled and after confirming it, I gave him my blessing.

I even helped him organize an intimate surprise proposal for mommy. While he was proposing to her, I was carrying my sibling. My smile widened when I heard mommy say yes.

Magmula nang magkabalikan sila ay pinagplanuhan nila lahat. They planned on building their own house. Gusto ni Tito na siya na ang magpapa-aral sa 'kin. Gusto rin nilang dalawa na umalis na ako sa trabaho dahil hindi na kailangan. Babalik na rin naman sa trabaho si mommy.

Hindi ganoon kataas ang grades ko noong mga nagdaang buwan kaya kinailangan ko rin namang bitiwan ang trabaho para makahabol at manatili ang scholarship ko.

I still needed my scholarship since they weren't married yet. Gusto man ni Tito na bayaran na ang tuition ko pero sabi ko ay 'tsaka na lang, 'pag stepdad ko na siya. Kaya ko naman sigurong tapusin ang school year nang hindi nawawala ang scholarship.

Nang magpaalam akong magreresign ay ayaw naman akong bitiwan ng manager namin. I also didn't want to let go of my job since napamahal na rin ako and it was also my dream before to experience working in a coffee shop.

Kaya nama'y ang sabi ko na lang kay ma'am, kapag pwede pa ay babalik na lang sana ako sa summer. Para rin may pagkaabalahan.

Sa araw ng pagreresign ko ay inaya ako ni ma'am sa birthday celebration niya. She invited all her employees. Buti na lang at magbebente na 'ko dahil sa bar ang celebration ni ma'am.

It was my first time going to a bar. Nagkita-kita pa kami ng mga katrabaho ko para sabay-sabay dumalo, excited kasi sila. Dinamay pa ako ng mga babae sa make-up.

"Magreresign ka na raw, Avien?" Tumabi sa 'kin si Jiro. Nag-iinuman sila. Nagtry ako kaunti pero agad ding kinaayawan.

"Oo. Focus lang muna sa studies."

"Ganun? Hindi mo na kaya pagsabayin?"

"Kaya... pero it's draining. Nakakapagod."

Tumango-tango siya. "Bisi-bisita ka na lang as customer."

"Daan ako 'pag namimiss ko. Kung tanggapin ako ni ma'am, pwede akong bumalik nang summer."

"Papabalikin ka no'n kasi ikaw daw dahilan kaya dumadami customers. Kainis nga eh. Ayaw maniwalang dahil talaga sa 'kin 'yon. Ang gwapo ko kaya."

I chuckled at that.

Pumasok ang pangalawang semester nang magaan na sa 'kin ang lahat. Pero kahit wala nang dinadalang problema ay hindi ko pa rin magawang tunay na maging masaya. I still felt empty.

Sa school, para lang akong robot na walang nararamdamang kung ano para sa kursong pinili. Pinipilit ko lang ang sariling magsipag para sa scholarship. Nakakadrain pa rin. Araw-araw ko ring namimiss si lola... pati si George.

Upang punan ang emptiness na nararamdaman ay bumalik ulit ako sa pagsusulat. Writing became my escape and rest. Tinuunan ko ng pansin ang pagsusulat. Sa pagsusulat, napupunta ako sa ibang mundo... nawawala sa mga iniisip... sa reyalidad.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon