01.19.28 - third <3

158 26 0
                                    

When the school year ended, we both went back home. 

Graduate na si Kiel at hindi naging mahirap sa kaniya maghanap ng pagtatrabahuhan dahil ang dami na niyang nakilala kahit nung nag-aaral pa lang. Nakagawa na siya ng maraming connections.

Nang dumating ang summer ay natapos na ang pre-orders ng libro ko at sinimulan nang iprint kaya sobrang excited ko lalo nang matapos ang mga iyon.

"Pipirmahan mo 'to lahat?" Pinasadahan ni Kiel ng tingin ang mga gabundok na libro sa room.

Nasa company kami. Gusto ko kasing pirmahan lahat ng libro bilang pasasalamat na rin sa mga bumili kaya nagpunta ako rito ngayon, sinamahan naman ako ni Kiel.

"Baka maputol kamay mo."

"Hindi ko naman 'yan uubusin nang isang araw lang."

Unang araw ng pagpirma ay sinamahan niya 'ko kahit na mayroon dapat silang lakad pamilya. Sabi niya ay susunod na lang daw siya. Pinapasama nga 'ko ni Tita Kylie pero hindi naman pwede kasi kailangan kong tapusin ang pagpipirma.

Habang pumipirma ako ay si Kiel ang tiga-buklat ng libro tapos ihihiwalay niya sa mga hindi pa napipirmahan. Inasikaso niya rin ang lunch namin. Binilhan niya pa 'ko ng coffee.

"Bawal ba 'yan i-print na lang? Kawawa naman kamay mo." He massaged my hand as I took a break from signing. 

"Kaya naman ng kamay ko. I just wanna thank my readers through this." Nilalagyan ko kasi ng thank you note each book.

Pagkatapos namin ay sa bahay muna siya tumuloy dahil kinabukasan ay flight niya papuntang Palawan kung nasaan sila Tita Kylie.

"Sure ka, ayaw mo 'ko magstay? Sino sasama sa 'yo bukas?"

"Sina Krish at Nette."

Sa mga sumunod pang mga araw ay si Trina, Shine, at Harvin ang sumama sa 'kin. Magkasabay ko dapat na ipapasama si Shine at Harvin kaso lang ay ayaw ni Shine. Nagtaka tuloy ako.

"Anong meron sainyo ni Shine?" I asked Harvin who was reading the description of my book. 

"Wala," aniya nang hindi inaalis ang tingin sa libro.

"Really? Sabi niya naging kayo raw."

Agad siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. I raised my brows at him.

"Four months lang."

My jaw dropped. "What?! Really?! Naging kayo?!" 

Hindi ko naman talaga alam dahil walang sinabi si Shine. Lolokohin ko lang sana siya pero totoo pala! Napahalakhak ako.

He glared at me. "Akala ko sinabi niya?"

"Wala siyang sinasabi sa 'kin! Joke lang sana!"

Pairap niyang binalik ang tingin sa libro.

"Ang sneaky niyo ha! Bakit wala kayong sinasabi sa 'kin?"

"Sasabihin sana sa personal pag-uwi mo. Eh nagbreak."

"Ba't four months lang? Kailan kayo nagbreak?"

"Last year pa."

"Anong nangyari?"

"Bakit ako tinatanong mo? Siya tanungin mo!"

"Eh ayaw nga magsabi no'n."

"Bumalik sa ex."

My mouth formed into an o. "Si Luigi?"

"Oo. Ang pangit naman."

Humalakhak ako. "Wala namang binanggit si Shine tungkol diyan."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon