03.22.19 - until the next

153 28 3
                                    

Iniwan ka na ng eroplano
Okay lang, baby, huwag kang magbago
Dito ka lang humimbing sa aking piling, antukin

Pagpasok ng bagong taon, sa kabila ng hindi pa rin namamatay na issue sa school at usap-usapang mayroon nang bagong principal ay natuloy pa rin ang schedule. Tuloy ang intramurals.

Kukupkupin na lang kita
Sorry, wala ka nang magagawa
Mahalin mo na lang ako nang sobra-sobra
Para patas naman tayo, 'di ba?

The faculty was busy. All grade levels and sections were busy. The elementary department was busy preparing for the upcoming field demonstration while the high school department was busy preparing for the booths, sportsfest, and dance competition.

Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan
Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan
Hoo-hoo-ooh...

Grades 10, 11, and 12 were required to organize one booth per section while the lower levels were assigned to participate in the dance competition. Per section din ay dapat may representative na group kaya overall, anim ang maglalaban-laban.

Pinaiyak ka ng manghuhula
Hindi na raw tayo magkasamang tatanda
Buti na lang, mayro'ng langit na nagtatanggol sa
Pag-ibig na pursigido't matiyaga

Halos wala nang nagkaklase kaya puro vacant time namin. Busy ang mga estudyante at teachers sa pagpapractice. Busy ang admins sa pag-o-organize ng events.

Lahat ay busy. Walang may oras para sitahin kami sa ingay ng room namin ngayon.

Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan

A while ago, we secretly opened the TV and inserted a flashdrive. Nanood kami ng horror movie. Naglagay pa sila ng colored papers sa glass window ng door para hindi raw kami mahuli. Pero pinatay na rin namin yung TV pagkatapos makapanood ng isa.

Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan

Ngayon ay nagpapatugtog na lang kami sa speaker; nagkakantahan habang gumagawa ng banner pangcheer para sa section namin bukas. Bukas na kasi ang dance competition at simula ng sportsfest.

Long as we stand as one
Ano man ang ating makabangga
Nothing will ever break us
Wala talaga, as in wala

Iilan lang kaming nasa room. Halos mga babae. Ang iba kasi ay naglalaro ng basketball at nagpapractice ng sayaw.

Wala akong sinalihan ni isa kaya kagaya ng iba ay moral support lang ako.

Sabay-sabay ulit nilang pakantang sinigaw ang chorus ng pinapatugtog. Sumabay na rin ako, nadala.

Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan
Kung ayaw, may dahilan

Nang natapos ang isang kanta ay pinatay muna ang speaker dahil tutugtog daw ng gitara si Ethan. Pinatugtog niya ang Magbalik at dahil alam na alam ang lyrics ay sabay-sabay ulit kaming kumanta.

"Ano na gagawin dito, Avien? I-a-outline ba?" tanong ni Harvin na katulad ko'y walang sinalihan.

Nakaupo lang kami sa sahig, gumagawa ng banner. Siya, nasa tapat ko.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon