01.19.32 - #MiraKIELfromHeAVIEN

178 27 0
                                    

The following days, we told our parents about the engagement and then, we started planning for the wedding.

"I can wait, love. Hindi naman kailangang magpakasal na tayo agad. Ikaw na bahala sa date. Kung kailan ka ready, roon ako," sambit ni Kiel.

"Pag-usapan muna natin lahat ng dapat pag-usapan." Nag-indian sit ako sa may coffee table ng sala ng condo niya para magsulat. "Like... saan tayo titira after ng kasal?"

"Pwede rito muna tayo sa condo tapos pagawa bahay. O 'di kaya, pagawa muna bahay ta's pagkatapos no'n, 'tsaka magpakasal?"

"Tagal pa no'n. Okay na rito muna."

"Sige."

"Huwag mong aakuin lahat ng gastos sa kasal ha," I noted.

"Pero kung ano 'yung gusto mong wedding doon tayo."

"I want it simple but I think Tita wants a grand one."

Tumawa siya. "Oo, totoo. Pero hayaan mo si mommy. Ikaw ang masusunod. Gusto lang no'n ni mommy mga apo."

"Gusto mo ba magkaanak?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Gusto mo ba?"

Tumango ako. "Pero natatakot ako manganak."

"You'll decide on that. Okay lang ako kahit ano."

"Pero if ever, kailan tayo magbe-baby?"

Pinigilan niya ang ngiti niya at pinilit magseryoso. I creased my forehead at him. "Sorry, love! Seryoso ako; promise!"

"Bakit ka ngumingiti diyan?"

"Kinikilig ako eh..."

My brows shot up.

"Kasi parang dati lang, weekly agenda plan ginagawa natin tapos ngayon... ito na pinaplano natin..."

Napanguso ako.

"Basta ikaw ang magdedecide tungkol sa kasal at pag-a-anak."

"Pero what do you want? I wanna know what you want."

"Kung ano 'yung gusto mo."

I frowned at him.

"Promise nga, love!"

"Hindi pwedeng ang gusto ko lang ang palaging masusunod. Dalawa tayong papasok dito. Mahalaga rin ang opinyon mo..."

"But regarding the wedding, all I really want is to give you a special and memorable one. I want to give you your ideal wedding kaya ikaw talaga ang masusunod diyan..."

"Ikaw ba, wala?"

"Wala akong pangarap na kasal. Ang pangarap ko, sa 'yo ikasal."

I playfully rolled my eyes at him. Mga linyahan mo talaga, Santillan!

"Yung sa pag-a-anak naman, ikaw din talaga ang masusunod kasi ikaw naman ang manganganak; hindi ako. Ikaw ang bubuhay at magdadala sa tiyan mo nang 9 months. Tagagawa lang naman ako... Sarap lang ang ambag ko."

Tumawa ako at mahina siyang hinampas.

He chuckled. "Syempre, sagot ko 'yung gastos at pag-a-alaga. Pero wala 'yun kumpara sa hirap na pagdadaanan mo... Puro benefits lang ang makukuha ko kaya wala akong karapatang magdesisyon para sa 'yo, mahal."

"Gan'to na lang, kunyari wala ako; hindi mo 'ko girlfriend... Gusto mo ba magkaanak?"

Umiling siya.

"Really?"

"Oo. Pero kung ikaw ang nanay, gusto ko."

"Wag mo nga 'kong ineechos, Kiel."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon