40.

200 27 2
                                    

Bawat araw na lumilipas, palala nang palala ang nararamdaman ko para kay Avien. Hindi ko alam na pwede palang paulit-ulit na mahulog sa iisang tao araw-araw.

Bawat galaw niya, ang ganda sa paningin ko. Minsan natutulala na lang ako habang pinapanood siyang magsalita, hindi namamalayang nakangiti na. Kahit masasama niyang tingin, mga irap, o ismid, ang ganda-ganda pa rin sa paningin ko. 

Sa bawat araw na magkasama kami ay alam kong mas palalim pa nang palalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Alam kong hindi ko na lang siya simpleng gusto. Mas malalim na.

I was already at a point where even though we were together the whole day, I would still always miss her when I get home. I couldn't get enough of her.

I wanted to talk to her all the time. I wanted to be with her every minute. I wanted to follow her wherever she goes. I wanted to be included in whatever she does. I wanted to be by her side every single time.

Kaya nang nalaman na posibleng mawala siya sa tabi ko ay nagkanda-gulo-gulo ang nararamdaman ko.

"'Tol, aalis daw si Avien? Sa Quezon na raw siya mag-aaral? Totoo ba 'yun?"

Napahinto ako sa paglalakad sa hallway at nilingon si Rain na hinabol pa talaga 'ko.

"Iniiyakan ni Erin eh! Kanina pa!"

My forehead creased. I tried to look for any hint of humor in his face but all that he gave me was a confused expression.

"Ha? Anong lilipat? Bakit siya aalis?" gulong tanong ko.

"Ikaw nga tinatanong ko!"

"Hindi ko alam! Seryoso ka ba?"

"Oo nga! Tanungin mo nga si Avien kung totoo ba 'yun! Hindi ko alam eh! Baka naman hindi lang sila nagkaintindihan ni Erin?"

"Ano bang sabi?"

"Sabi ni Erin, sabi raw ni Avien lilipat na sila sa Quezon next month. Doon na raw sila titira. Doon na rin daw siya mag-aaral. Eh mahal na mahal siya ni Erin—umiyak!"

Agad akong bumaba at pinuntahan si Avien para kumpirmahin ang nalaman.

"I'm sorry... I didn't know you would get mad for not telling you earlier..."

I panicked when I found out that it was true. At malapit na talaga silang umalis! Hindi ko man lang alam!

Napahilamos ako sa mukha dahil sa frustration.

Sa totoo lang, ang daming gumugulo sa isip ko. A part of me couldn't believe she would leave pero nangingibabaw sa 'kin ngayon 'yung takot sa pagdating ng araw na 'yon. Takot akong mawala siya sa 'kin.

At paano pala kung hindi ko nalaman kay Rain? Kailan ko malalaman? Sasabihin niya lang kaya sa mismong araw ng pag-alis niya? Paano kung oo? Edi wala na pala 'kong oras para sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko?

"Kiel." Nang pisilin niya ang kamay ko ay bumaling ako sa kaniya. "I'm so—"

"Avien, mahal kita."

Mahal ko siya. Sigurado akong mahal ko siya dahil kung hindi ko siya mahal, hindi ako ganito katakot sa pag-alis niya.

Kung hindi ko siya mahal, hindi ako masasaktan sa kadahilanang ayaw niyang tanggaping mahal ko siya.

Kung hindi ko siya mahal, hindi sana ganito kasakit maisip na baka magtuloy-tuloy 'yung pag-iwas niya sa 'kin hanggang sa umalis na siya.

Kung hindi ko siya mahal, hindi sana tumutulo ang mga luha ko ngayon habang iniisip ang araw ng pag-alis niya.

"Yuan, bumaba ka na. Kakain na."

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon