I heard footsteps and doors opening and closing as I cried quietly inside the cubicle. Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ko sa pag-iyak pero hindi ako tumigil hanggang sa hindi ko nailalabas lahat ng sama ng loob.
Nang matapos ay pinunasan ko ng wipes ang mukha. I forgot to bring water kaya paglabas ko tuloy ng CR ay wala na ngang luha pero may kaunti pang paghikbi.
I washed and dried my face up in front of the mirror. Sinimulan kong ayusin ang mukha ko. I applied make-up enough to cover up my bloodshot eyes. After combing my hair, I went out of the comfort room the same way I entered, head held up high.
I returned to my cubicle and hydrated myself first before rereading the manuscript. After scanning through it, I decided to ask for Miss Divine's opinion.
"I don't really see anything wrong with it po. Ano po ba ang dapat kong irevise?"
Tama si Mr. Agoncillo na hindi dapat maglagay ng own opinion pero sa script ko ay inference naman ang nilagay ko. All were based on facts.
"I agree with your stand here but we really cannot show this in TV. This is too political. Mapapasara tayo ng opposition," aniya at binilugan ang iilang statements at world. "Revise these. Convey these pieces of information by being objective. I know this is a serious matter pero try writing it in an entertaining approach pa rin. At gawin mong mas graspable sa public."
I nodded and took note of everything she uttered. After thanking her, I returned to my seat and started revising my work.
I spent the rest of the day-until night-revising the script. Early morning the next day, I submitted the manuscript.
I was nervous the whole day dahil baka ipatawag ulit ako pero wala naman na akong narinig so ibig-sabihin ay okay na. I felt relieved after.
Pag-uwi ng bahay ay gusto ko agad magkwento kay Kiel tungkol sa nangyari. I rang his phone but then, he didn't answer.
loveee:
baby sorry pede some other time nlng call?Ako:
whyAko:
busy?loveee:
tired langAko:
sleep ka naloveee:
text na lang kwento mo loveAko:
mas feel ko sa call. tomorrow na langPero kinabukasan naman ay ayaw niya pa ring makipag-call sa 'kin! At pansin ko ring iniiwasan niyang makipagkwentuhan. Inintindi ko na lang since baka pagod lang talaga siya, walang energy makipag-catch up.
"Avien, kanina ka pa. Put down your phone," sita sa akin ni mommy habang nasa hapag kami. "Nasa school lang 'yon si Kiel."
Hindi ko maintindihan si Kiel. Ilang araw ko nang nararamdaman na ang lamig niya; parang tinatapos niya agad palagi 'yung usapan namin kahit sa texts. Tapos ayaw pa rin makipag-call sa 'kin!
Hanggang sa hindi ko na talaga siya macontact at all!
Busangot kong ibinaba ang phone at nagpatuloy sa pagkain.
Nang dumating ang araw ng book signing ay isinantabi ko muna ang nararamdaman para maging presentable at makilala nang maayos ang mga readers ko.
"Ang ganda-ganda niyo po!"
"Ang galing niyo po!"
"Yung books niyo po ang naging comfort at escape ko."
"Sobrang ganda niyo po!"
BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon