50.

168 27 1
                                    

Kiel's POV

I held my chest as I stepped on the second floor.

"Sino 'yun? Gago. Ganda."

"Taga-ibang department siguro; ngayon ko lang nakita."

Saglit akong natigilan dahil nabibingi sa sariling kabog ng dibdib.

Nilingon ako ng dalawa. "Kilala mo ba, Kiel?"

Umiling ako kay Justin at nagpatuloy na sa paglalakad sa takot na magsing-abot kami ni Avien.

"Eh ba't gulat na gulat ka nung nakita mo? Ta's parang kilala ka rin? Tinignan ka eh!" akusa ni Russel.

"May kamukha lang," pagdadahilan ko.

Kamukha nung classmate ko for three years, bestfriend ko for three years, ka-MU ko for two years, nang-ghost sa 'kin for two years, at mahal ko for five years...

...and counting.

Tangina.

"BA Creative Writing daw. Freshman."

"Anong pangalan?" kuryosong tanong ni Anji. "S-stalk ko!"

"Avien Evangelista Rivera," sambit ni Ian.

Napahinto ako nang marinig iyon. 

Kinasal na pala ang mommy niya.

"Bilis mo naman makasagap ng impormasyon."

"Mabilis talaga hanapan ng impormasyon ang magaganda."

"Nag-abala ka pang kilalanin. Mukha namang ano 'yun..."

"Ano?"

Binalingan ko rin ng tingin si Justin.

"Mukhang hindi papatol sa 'yo," aniya.

I subtle smirked appeared on my lips as I returned my eyes on the laptop.

"Oo nga. Dapat nanahimik na lang ako. May boyfriend pala."

Nag-angat ulit ako ng tingin at natigilan.

"May boyfriend daw. Pero hindi taga-rito."

"Ay, sayang. Reto sana natin si Kiel para magkajowa naman." They laughed but didn't find any humor in me.

"Hoooy! Siya ba 'to?" Pinakita ni Anji ang screen ng phone niya sa 'min. Nasa Facebook profile iyon ni Avien

"Oo, ayan. Stalk ko nga rin."

"Hala! Seryoso ba? Ba't parang kamukha niya 'yung author ng binabasa ko!"

Napalingon ako kay Anji.

"Author s'ya?"

"Hindi ko sure! Hindi ko mastalk naman! Locked ang profile. Pero parang kamukha niya. Wait, check ko nga Twitter..."

"Baka siya kasi diba Creative Writing ang course?"

"OMG." Anji giggled. "Kinikilig ako."

"Speaking of!" Sabay-sabay kaming napalingon sa entrance ng canteen nang inguso iyon ni Ian. I saw Avien entering with two other girls.

Kita kong saglit siyang natigilan nang magtama ang tingin namin. I immediately withdrew my gaze as if I didn't see her.

May boyfriend na, Kiel. Hindi mo kayang pumasok ulit sa buhay niya nang hindi iyon ang role kaya umiwas ka na lang.

"Gagsti. Ang ganda nga," manghang sambit ni Macey.

Pa-impit na tumili si Anji nang makalagpas sila Avien.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon