11.18.25 - first overnight

152 26 0
                                    

The result was released the next week; second placer kami. Hindi na masama pero nalungkot pa rin ang karamihan sa amin. Every other year lang kasi ang competition at ang ibang members ay graduating na kaya last na sali na raw nila ito. Gusto raw sana nila na mapanalo.

But even when we didn't win the first place, we still celebrated. Gumaan naman na ang mga loob nila kahit papaano pagkatapos noon.

Time flew fast after that. Iyong ginagawang short film nila Kiel ay napiling isali sa competition at ang script ko rin ay isa sa limang pinili ngmentor namin na si Miss Fran sa screenwriting competition. 

That meant, I would compete. Pinapili pa kami ng genre na gusto naming maging category at syempre, mystery ang pinili ko dahil doon ako pinaka-maalam.

Us, five candidates, had a lecture with Miss Fran. She taught us the key points in script writing and all that we needed to know in writing the genre we chose. We were then tasked again to write a script for her to measure our skills.  

"May experience ka na sa genre mo?" tanong ni Miss Fran.

"Opo."

"Ikaw 'yung nag-playwright na, 'di ba?"

"Opo."

Tinignan ako ni Miss bago bumaba ang tingin sa script ko upang basahin. Napalunok ako. 

Kumunot ang noo niya sa kalagitnaan ng pagbabasa. Lumala tuloy ang kabang nararamdaman ko.

"Okay," panimula niya at dinampot ang ballpen. "Wala akong correction sa grammar mo and any other technicalities. Ang problema, magulo ang pagkakasulat mo. The ideas are all over the place. Masyadong off yung pasok ng mga eksena... 'yung iba contradicting na sa plot and irrelevant. I know limited ang time na binigay ko pero you could have done more. You could have done better. Nagplaywright ka na eh; may experience ka na. I'm expecting more from you."

"..."

"Sobrang daming elements mong nilagay dito sa story... to the point na malilito na 'yung readers kung ano ba 'tong story, saan ba papunta, tungkol saan ba 'to... Ang gulo eh. Dapat magfocus ka lang sa pinakaplot mo... iikot mo ro'n sa killer; hindi 'yung ang daming unnecessary elements na ilalagay para lang masabing may ganap 'yung story. Hindi eh... This isn't how you make the story not boring..."

I pursed my lips.

Ibinalik sa akin ni Miss ang script. Bagsak ang loob ko paglabas ng room at maraming tumatakbo sa utak. Alam ko namang constructive criticism iyon pero hindi lang ako sanay na pinaprangka ang gawa ko.

Mataas ang standards ko sa mga output ko, lalo na sa writing. And first time kong makarinig ng feedback sa gawa ko na talagang... may talim. 

I felt disheartened. I felt bad for myself since I thought Miss Fran would like my work since I was confident with my genre... pero hindi pala. I was too full of myself.

At nakakainis pa dahil naiinis na rin ako kay Miss Fran. That just means I can't accept constructive criticism! 

Pagdating sa dorm ay agad kong binuksan ang laptop ko para ulitin ang gawa. I tried rereading the script over and over but I kept losing focus midway. Hindi ako makapagfocus dahil sa nararamdaman kong halo-halo na: inis, disappointment, lungkot, at pagod.

Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. 

Ayokong tanggapin na nasaktan na agad ako sa sinabing iyon ni Miss. Ayokong i-acknowledge na pinanghinaan na agad ako ng loob doon. Ayokong tanggapin na hindi ako makatanggap ng constructive criticism. Ayokong i-entertain ang lungkot at disappointment na nararamdaman.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon