Sabi ng doctor ay stress daw si mommy. Hindi daw dapat magtuloy-tuloy iyon dahil nasa maselang period pa siya ng pagbubuntis. Posible siyang makunan.
"Mi, gusto mo bang tawagan ko si Tito Daniel?" I was massaging her hands. Agad naman siyang napadilat at lumingon sa 'kin.
"No! 'Wag mong gagawin 'yan, Avien."
"Okay, I'm sorry." I sighed. "Anong gusto mong dinner, mi? Magluluto ako."
"Wag ka nang magluto at mag-o-order na lang tayo. Umuwi ka na. Magpahinga ka at gawin ang assignments mo."
"Hindi healthy ang fast food."
"Minsan lang naman. Atsaka hindi ako nakapag-grocery. Walang nang pagkain sa bahay, last na 'yung kagabi. Umorder ka na lang."
Hindi na lang ako nakipagtalo. Pagkalabas sa kwarto ni mommy ay si lola naman ang dinalaw ko. Payapang natutulog lang naman siya.
"Kamusta ang mommy mo, Avien?" tanong ni tita.
"Okay naman na siya, 'ta."
"Oorder ako ng pagkain. Wala bang gustong kainin ang mommy mo?"
"Itatanong ko po..." I was about to go out when she called my name again.
"Eto pala..." She handed me a 500 peso bill.
Kumunot ang noo ko. "Para saan 'to, 'ta?"
"Baon mo. Huwag ka munang manghingi sa mommy mo at nasestress iyon sa pera."
"M-may konti pa naman po akong baon..."
"Ipandagdag mo na 'yan. Kapag naubos, bibigyan ulit kita. Sa akin ka manghingi kung may mga kailangan ka sa school."
"Salamat, 'ta..."
Hindi ko maatim na wala akong maitulong. Hindi ko maatim na nasasaksihan ko na ngang namomroblema ang pamilya ko sa pera tapos pati pangbaon ay hihingiin ko pa...
So I tried looking for a part-time job.
Gusto ko kasing makatulong. Nang duguin kasi si mommy ay hindi muna siya pinayagan ng doctor niya na magtrabaho. Magpahinga raw muna siya.
Kaya naman, walang napasok na pera sa amin ngayon tapos ang daming gastusin. She had medicines she needed to take, utilities we needed to pay, tapos kailangan pang mag-ipon para sa panganganak niya...
"Bukas ay pwede ka nang magsimula." Inabot sa akin ng manager ang uniform ko.
Pumasok ako bilang part-timer sa coffee shop. My shift was from 5 p.m. to 10 p.m.
4 p.m. ang uwian ko at malayo-layo ang shop mula sa school kaya dala-dala ko na sa school ang employee uniform ko para pag-uwi ay diretso na sa shop at doon na lang magbibihis.
"Isang Chocolate Mousse Frappuccino. Large mo na and pa-add ako extra fudge."
I panicked when I heard that order. Paano ko 'yun i-e-enter sa monitor?!
"Extra fudge." Jiro appeared behind me and pointed something on the screen.
I clicked it right away and then processed the customer's receipt.
Nagbayad ang customer at nang umalis ay nakahinga na ulit ako nang maluwag.
"Salamat," lingon ko kay Jiro.
He was also a part-timer and we had the same shift. Siya ang kasama kong magsarado ng shop.
"Avien, sinabi kong umalis ka na riyan! Hindi ka magpapart-time! Kita mo, anong oras ka na nakaka-uwi?!"
BINABASA MO ANG
Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version)
Teen FictionThe Art of Life #1: Life Version Life in a series of captures. Date Started: July 12, 2021 Date Ended: April 26, 2022 Date Posted: October 01, 2023 UNPOLISHED. Will be edited again soon