00.00.17 - the hows of x and y's

213 31 1
                                    

Hindi na muling pumasok pa si Ma'am Santos pagkatapos ng practical exams.

Hindi talaga namin alam kung ano ang nangyayari sa kaniya at palagi siyang absent. Palagi na lang niyang sinesend sa GC namin ang mga reviewer kaya medyo napadalas na rin tuloy ang pag-o-online ko these days.

Since there were no more practices to attend to, I returned to my routine: going to the library after class.

Hindi na ako nagulat na maya-maya'y umupo sa tabi ko si Kiel. He sighed deeply and buried the side of his face on the table, facing my direction.

I gave him a glance when he remained in that position for a whole minute, not saying anything.

"Bakit?" He seemed gloomy.

"Yung mga namiss kong activities, kailangang habulin," he complained. "Next week na agad ipapasa kaya kailangan ko na simulan agad! Hays! Ayoko na mag-absent!"

"..."

He sighed.

"Gusto mo ba ng tulong?" I offered.

Agad siyang napabangon, face lighting up.

And so, I listed down the activities he missed.

Huminga siya nang malalim at napatakip ng mukha sa frustration nang makita iyon.

"I'll help you if you have questions. Sa Filipino, kailangan mo lang munang basahin 'yung stories para masagutan ang essay."

Iyon ang una niyang ginawa. I continued reading while Kiel also read quietly beside me. Tapos ay paunti-unting nagsagot.

I noticed how serious and focused he looked while doing his task kaya medyo nanibago ako.

Dahil nga hindi na pumapasok si Ma'am Santos, palagi kaming nagpapa-advance at maaga ang uwian.

During those days, I'd help Kiel with his activities. He would ask questions from time to time and I would answer him calmly.

Minsan ay nagkakaroon kami ng assignments kaya ginagawa ko na iyon agad habang nagsasagot naman siya ng hinahabol na activities.

"Ano ginagawa mo?" pakikiusyoso niya sa sinusulat ko. Gan'to siya palagi kapag madami na siyang natapos, ginagawang break ang chumismis sa 'kin.

"Sched," simpleng sagot ko.

It was Friday so I was doing my schedule for the next week.

"Oo nga noh. Malapit na pala exam..."

"..."

"Mag-isa ka lang bang nagrereview?" he asked.

"Yes?"

"Ayaw mong may kasamang mag-aral?"

"Hindi ko pa na-try."

"Gusto mo i-try?"

Nilingon ko na siya.

"Hehe. Pwede tayo sabay magreview?"

"Bakit?"

"Kasi ginaganahan ako mag-aral kapag kasama ka."

I shot my brows up.

"Promise. First time ko lang din may kasamang gumawa ng mga activities tapos narealize ko na nakakagana pala gumawa kapag may kasama."

Napa-isip ako. I would also sometimes do our assignments herewith himat nakakatapos naman din ako... nakakapag-focus dahil tahimik lang din naman siya...

So, I agreed.

Nagreview pa rin ako sa bahay as scheduled pero nag-iwan na lang ng topics na irereview kasama siya.

Captures of Perfect Timing (The Art of Life #1: Life Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon