TALA NG MAY AKDA📝

288 9 1
                                    

Binibini/Ginoo,
Unang una sa lahat, nais kitang pasalamatan sa iyong ipinakitang pagmamahal at suporta sa unang bahagi ng binuo kong kwento na aking iniaalay sa ngayo'y kongresista ng unang distrito ng Ilocos Norte, anak ng presidente at deputy majority leader na si Ginoong Ferdinand Alexander Araneta Marcos III. Ito ay isang mensahe ng pasasalamat sayo. At ito rin ay magsisilbing paraan ng pagbabalik sa lahat ng pagmamahal at suporta sa mga karakter na kahit paano ay nagbigay ng saya, kilig, inis at iba pa. Bilang manunulat, ako ay lubos na nagpapasalamat sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit ito naging matagumpay. Dahilan para ako ay magdesisyong gawing anim na bahagi ang kwentong walang sinusunod na "plot". Sa una ito ay mahirap para sa akin lalo na't ang mga karakter na ginagawan ko ng kwento ay totoo at hindi kathang isip. Ang karamihan sa mga pangyayaring aking binuo ay base sa aking personal na karanasan. Halos kalahati nang kwentong iyon ay base sa mga karanasan ko bilang tao. Kaya siguro may nakapagsabing sa kanyang pag- aakala ay naranasan ko na ang mga bagay na aking isinusulat. Ngayon, narito ka na sa ikalawang bahagi ng binubuo kong kwento. Sana ay mahalin mo pa rin ang mga karakter na madadagdag dito gaya ng pagmamahal mo sa mga karakter sa unang bahagi ng anim na bahagi ng kwentong kasalukuyan kong binubuo. Maligayang pagbabasa!
Nagpapasalamat at nagbabalik,
Binibining Feliz06♥️

PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now