POV 199 - YOUR SISTER IN LAW GAVE BIRTH TO YOUR NEPHEW

48 4 0
                                    

Kabuwanan na ng ate Faith Alexandria mo. Ilang araw na lang ay ipapanganak na niya ang pamangkin mong si Florence Albert.

"Kuya, wala pa bang contractions?" Animo. "Nah. Your sister is still good as of now." Sagot ng kuya mo. Pinuntahan mo ang ate mo sa kwarto nila. Nakabed rest siya ngayon. Kumatok ka muna sa pinto.

"Ate?" Tawag mo sa kanya. "O, bunso sorry. Inaantok ako e. May kailangan ka ba?" Sagot niya habang kinukusot ang mga mata. Halatang naistorbo yata ang tulog. Tinulungan mo siyang bumangon.

"Just wanna check on you. Nakakaramdam ka na ba ng contractions, sis?" Tanong mo sa kanya. "So far hindi pa naman, bakit?" Sabi niya. Lumapit ka sa kanya at hinawakan mo ang kanyang tiyan."Nag aalala lang ako." Animo.  "Ang sweet mo naman Cheska. Wag kang mag- alala okay lang naman ako. Wala pang contractions. Ikaw? Kumusta ka? Okay ka lang?" Tanong sayo ng ate Faith mo. "Ate okay lang ako. Sobrang excited na akong ma- meet si baby Florence." Animo. "Baby, excited na ang tita Cheska mong ma meet ka." Ani ate Faith mo sabay haplos sa tiyan niya.

Hanggang sa alas tres nang hapon, nagsimula na siyang makaramdam ng contractions.

"Adi... Aray! Masakit naaa." Aniya. "Kuya!!! Kuya, si ate Faith Alexandria yon. Kuyaaaa. Yung pamangkin natin..." Sabi mo. Nagpuntahan kayo sa kwarto ng ate at kuya ninyo.

"Kuya need help?" You asked your eldest brother. "Yes please." Sabi ng kuya Sandro mo. Binuhat niya ang ate mo palabas ng bahay. Binuksan mo naman ang gate. Binuhat ng kuya Simon at kuya Vinny mo ang bag na dadalhin nila sa ospital. Sinabi niyo na rin sa mga magulang ninyo na manganganak na ang ate mo.

Nagmadali silang lahat papuntang ospital.

Pagdating nila, nasa Labor room na ang ate mo...

"Where is your sister?" Tanong ng daddy niyo. "Labor room dad."  Your kuya Simon answered. Nakaramdam kayong lahat ng takot at kaba. Takot dahil nasa hukay ang isang paa ng ate niyo. At takot na baka isa lang sa kanila ang makaligtas.

Pagkatapos ng tatlong oras, lumabas na ang doktor mula sa labor room.

"Dok kumusta po? Okay lang po ba yung mag- ina?" Tanong mg daddy niyo. Halatang nag- aalala na siya. Kanina pa kayo hindi mapakali.

"They are both safe at the moment. The mom need to rest because she had almost lost all her energy in giving birth." Saad ng doktor. Nakahinga kayo ng maluwag nang marinig ang sinabi ng doktor. "Muntik pa nga siyang mahimatay kanina. Muntik pa raw siyang magka- hemorrhage." Sabi ng doktor. "Totoo po. Muntik nang duguin si ate kanina. Buti na lang naisugod agad namin siya." Ani kuya Simon mo. 

"May malay na po ba siya?" Tanong mo sa doktor. "Sa ngayon iha, wala pa." Sagot naman ng doktor. "Pero okay lang naman po so ate diba?" Sabi mo. "She's okay. No need to worry about." Sabi ng doktor. "Nailipat na po ba si ate sa mas maayos na kwarto?" Tanong ni kuya Vincent mo sa doktor. "Yeah. Room 0307." Sabi ng doktor.

Pinuntahan ninyo ang kwartong sinabi ng doktor. Private suite yon. Nagulat kayo dahil walang nakakaalam sa inyo na private suite ang napiling kwarto ng kuya niyo.

"Kuya bakit ang laki ng kama? Tsaka private suite talaga? Bakit?" Sabi mo. "Because she deserves it. Yung kambal, nasaan?" Tanong ng kuya mo. Biglang pumasok ang kambal sa kwarto ng ate Faith niyo. "Hi dad! Hi lolo, lola, tito!" Bati nilang dalawa. "Hello twins. Who fetched you from school?" Tanong ng kuya Sandro mo sa kambal. "Pinasundo ko sa driver kanina bago kami umalis papunta rito." Sabi ng mommy niyo. "Nagmerienda na ba tong mga to?" Tanong ulit ng kuya mo. "Don't worry daddy, nagmerienda na kami. Hindi pa rin pala nagkakamalay si mommy." Ani Alexis.

Habang tahimik kayong naghihintay na magising ang ate mo, biglang dumating ang nurse.

"Nandito na po yung baby." Aniya. Napalingon kayong lahat sa kanya. Nakita niyo ang maamong mukha ng batang lalaki. Nagising bigla ang ate mo.

Pinabuhat sa kanya ang pamangkin niyo. Bigla naman siyang naiyak habang nakatingin sa bata.

"Ang gwapo niya. Manang mana sa tatay." Ani ate Faith mo na nanghihina pa rin. "Congratulations ate, kuya. Pagaling ka ate ha. Kami munang bahala sa mga pamangkin namin." Sabi mo. "Thank you bunso. Napahaba yata yung tulog ko." Aniya. "Hindi ate, okay lang. Sobrang kailangan mong magpahinga. Maraming lakas ang nawala sayo. Kailangan mo pang magpalakas at mapagaling." Animo. "Paano kayo? May mga gagawin kayong trabaho tapos...." 

Pinutol mo ang sasabihin niya. "Kayang kaya naming humabol. Wag mo kaming intindihin ate." Saad mo. "Sigurado ka?" Saad niya. "Of course." Sabi mo. "Bunso baka mamaya marami kang aasikasuhin. Sigurado kang kaya mong alagaan yung kambal? Busy ang dalawang kuya mo e. Ayoko naman silang istorbohin." Sabi ng ate mo. "Ate okay lang talaga. Wag mo akong intindihin. Ang intindihin mo, yung bagong baby niyo. Magbreastfeed ka. Maganda yon para sa baby mo." Sabi mo sa kanya. "You want soup?" Tanong ng kuya Sandro mo sa ate Faith mo. Tumango naman ang ate mo.

Nanatili ang ate mo sa ospital sa loob ng isang linggo hanggang sa tuluyan na syang gumaling. Pag- uwi niya, pinagpahinga niyo pa rin siya. Hindi niyo siya pinagawa ng gawaing bahay. Ang tanging ginagawa lang niya ay ang pagpapalakas, pagpapagaling, pagbre- breastfeed at pagpapahinga. Salitan kayo sa pag- aalaga sa bata. Tuwing darating ka, didiretso ka sa kwarto mo para magbihis at maglagay ng alcohol bago pumunta sa nursery room. Yun ang routine niyo ng halos limang buwan. On the baby's sixth month, medyo okay na ang ate mo kaya siya na minsan ang naghehele sa baby sa gabi. Ilang buwan ding naka- leave ang kuya mo sa trabaho para matutukan at maalagaan ang ate mo pati na ang bunso nilang anak.



PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now