POV 157 - YOU CHOSE TO LOVE HIM IN SILENCE

35 4 0
                                    

Matagal mo nang gusto si Gabriel, your childhood best friend way back. It began in your teenage years. Nahulog ka sa kanya dahil sa mga ipinapakita niyang kabutihan sayo.

There was a time where you are planning to confess how you really feel about him. Pero bigla kang nawalan ng lakas ng loob dahil na rin nalaman mong may girlfriend na ang taong mahal mo.

Ilang gabi ka nang nagluluksa at umiiyak sa iyong silid.

Kumatok ang mommy at daddy mo para kumustahin ka.

"Anak, okay ka lang?!" Tanong ng daddy mo. "Ah yes dad, no need to worry about your bunso, I'll be fine." Sagot mo. "Anak, pwede ba kaming pumasok ng dad mo?" Your mom said from the outside. "Sige po. Wait me there. Bubuksan ko lang po yung pinto." Sabi mo na lamang. Binilisan mong magligpit ng gamit sa kwarto mo. Makalat kasi iyon dahil ilang araw ka nang wala sa wisyong kumilos. Pinilit mong bumangon at mag- ayos ng iyong sarili. Naligo ka at mabilis na nagbihis. Pagkatapos ay tsaka mo binuksan ang pinto.

"Ah, sorry po natagalan." Sabi mo. "Anak, ano bang nangyayari sayo? Ayos ka lang ba talaga?" Tanong Ng daddy niyo. Hindi ka nakasagot kaagad. Kaya muli ka nilang tinanong. "Anak? Bakit hindi ka makasagot? Ayos ka lang ba talagang bata ka? Ano bang nangyayari sayo? Umamin ka nga." Sabi ng mommy mo. Nanginginig ang mga kamay mo habang tinatanong ka nila't hindi ka makasagot. Nakita nila ang panginginig ng iyong mga kamay. "Anak, please tell us what's going on. Is there something wrong?" Sabi ng mommy mo. Hindi ka pa rin sumagot. Nagkatinginan na silang dalawa ng iyong ama. "Kailangan na nating ipatawag ang kanyang mga kapatid." Sabi ng daddy mo. "No need. Si Sandro lang ang ipatawag mo. Si Sandro lang ang madalas niyang nakakausap at nakakasama. Sa kanya lang tayo makakakuha ng impormasyon tungkol sa nangyayari rito sa bunsong anak natin." Sabi naman ng iyong ina. Agad na tinawag ng daddy mo ang panganay mong kapatid.

"Yes paps?" Sabi ng kuya Sandro mo tsaka siya pumasok sa kwarto mo. "Talk to your sister." Sabi ng daddy niyo sa kuya mo.

"Oh, Francheska Louise, ading ko? What happened? May I know what happened to you?" Tanong ng kuya mo. "I'm tired kuya." You simply answered while wiping your tears. "Tired? Tired from what? What do you mean you're tired?" He asked you again. "I chose to love Gab in silence. I'm tired of chasing him." Sabi mo. Nagulat silang lahat sa sinabi mo. "What?! Are you sure you're okay?" Tanong ng kuya mo. Hindi mo namamalayang tuluyan ng tumulo ang mga luha sa iyong mga mata. Ilang beses mong pinigilan ang pagtulo niyon ngunit sadyang ayaw nitong huminto sa pagtulo. Nahirapan kang kontrahin ang patuloy nitong pagbuhos na tila ba isang ulan na nagpapahayag ng lungkot mula sa kalangitan. "As of now, no. But I'm sure in time, I will. Maybe not now but soon." Sabi mo. "Bakit mo ba siya piniling mahalin nang tahimik?" Tanong ng kuya mo. "Dahil may ibang nagmamay- ari sa kanya, kuya. Ayoko namang makasira ng relasyon kaya mas pinili ko na lang na mahalin siya nang tahimik at hindi niya nalalaman." Sabi mo. "He has a girlfriend?" Tanong ng daddy mo. "Yes paps. And I'm so stupid to fall in love with someone who's in love with someone else. Ang tanga ko sa part na nagmahal ako ng taong inakala kong kaya akong mahalin pabalik pero nagkamali ako. Nagkamali ako dahil kailanman... Kailanman ay hinding hindi niya kayang suklian ang aking pag- ibig para sa kanya. Bakit ganoon paps? Bakit may mga taong manhid at hindi marunong makiramdam? Bakit may mga taong hindi kayang suklian yung pagmamahal na kanilang natatanggap mula sa iba?" Tanong mo habang humahagulgol. Bigla na lang nagsimulang bumuhos ang matinding emosyon mula sayo. Hindi mo na napigilang maglabas ng sakit na nararamdaman mo. Hindi mo madalas na sinasabi sa iba ang nararamdaman mo. Pero ngayon, dumating ka na sa punto ng buhay mo kung saan tuluyan ka nang napagod at naubos. Tuluyan ka nang sumabog kaya lumabas lahat ng emosyong matagal mo nang kinikimkim. "Kuya, why is this happening to me? Am I deserving to be treated that way? Like I'm just an air in the eyes of the person that I like and admire?" You asked your brother. "I don't even know the reason why though. You don't deserve to be treated that way. Yung parang hangin ka lang sa paningin niya na hindi ka niya nakikita pero nararamdaman ka lang niya? Hindi mo yun deserve. Never. If there is one thing that I wanted to tell you now and let you know, that is we love you. No matter what happens, we are always here for you. Got your back, ading ko. Kung pakiramdam mo hindi nasusuklian yung pagmamahal na ibinibigay mo, nandito naman kami. Kayang kaya naming suklian yan. Hindi lang namin susuklian. Dodoblehin, tritriplehin pa namin yan. Kasi alam naming yun yung deserve mo. Look at kuya's eyes." Ani kuya Sandro mo. Napaayos ka bigla ng upo tsaka ka nakinig sa sasabihin niya. Pinunasan niya ang mga luhang patuloy na pumapatak mula sa iyong mga mata tsaka siya nagsalita.

"Mahal na mahal ka namin, okay? You don't have to seek for attention from us to get what you deserve because whether you ask for it or not, we will always give it to you. Bago mo ba sabihin sa amin na mahalin ka namin pabalik, minahal, minamahal, at patuloy ka na naming mamahalin dahil yun yung bagay na ayaw naming hanapin mo mula sa ibang tao. Pero alam mo, darating at darating naman sa puntong maghahanap ka na ng ibang taong magmamahal sayo bukod sa aming lima. But before looking or searching for him, you need to love yourself first. Because before you can learn to love others, dapat matutunan mo munang mahalin yung sarili mo. Well, in your situation, you've loved him so much to the point na halos kinalimutan mo nang mahalin ang sarili mo. Hinabol mo pa nga siya at halos magmakaawa ka na sa kanyang mahalin ka niya pabalik. Maling mali ka sa lagay na 'yon dahil hindi mo mapipilit ang isang taong magkagusto sayo o mahalin ka pabalik. Hindi naman natuturuang magmahal ang puso. You just have to learn to deal with your heart. You can't force to like someone or love them either. Ang pagmamahal, kusa at hindi pilit." Aniya. "Kuya!!!" Sabi mo sa kanya at tsaka mo siya niyakap nang mahigpit na tila ba isa kang batang paslit na nakahanap ng kaginhawaan pagkatapos ng lahat ng iyong hirap na pinagdaanan. Niyakap ka niya nang mas mahigpit pabalik. "Sabi ko naman sayo, di ba? Nandito lang kami. Okay ka na ba?" Sabi ng kuya Sandro mo. Niyakap mo pa siya nang mas mahigpit. "Yes kuya but can I ask a favor?" Sabi mo. "Anything ading ko. Kahit ano pa yan." Sabi niya. "Can I sleep beside you tonight kuya?" Tanong mo sa kanya. "Of course, why not? You wanna sleep in my room or I will sleep here instead?" Sabi niya sayo. "Hindi na kuya doon na lang tayo sa kwarto mo." Sabi mo. "Magseselos na yung dalawa mo pang kapatid, Cheska." Sabi ng daddy niyo. "Eh okay lang paps. Hindi ko naman sila favorite." Sabi mo. "Alam mo ikaw, halika na, oo. Matulog ka na, okay? Kanina ka pa iyak nang iyak eh. Alam mo namang ayaw na ayaw naming nakikita kang tumatangis. Nasasaktan kami. Kaya tahan na binibini. Ikaw ay aming tinatangi." Sabi ng kuya mo. Napangiti ka nang marinig iyon mula sa kanya. Kaya agad mong hinawakan ang kanyang kamay at hinila iyon palabas ng iyong silid. Nagtungo kayo sa silid ng panganay mong kapatid at doon ay nagpahinga.

PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now