Nagkaroon kayo ng matinding away ni Sandro noong nakaraang araw at magdadalawang araw na kayong hindi nagpapansinan. Napansin iyon ng mga kaibigan ninyo.
"Girl, okay ka lang? Ilang araw ka nang tulala. Hindi ka rin makapag- focus sa trabaho. Ano bang nangyayari?" Tanong ni Carmina sayo. Tumingin ka sa kanya. "Yeah. Okay lang ako. May mga iniisip lang ako. Huwag kayong mag- alala." Sabi mo. "Hindi girl, nararamdaman ko may hindi ka sinasabi sa amin. Ano ba yon? Handa naman kaming makinig." Ani Patricia. "Oo nga. Hindi ka naman namin iiwan pagdating sa mga ganitong pagkakataon. Sabihin mo lang sa amin kung anong problema. Kahit ano pa yan. Handa kaming tumulong." Sabi naman ni Veronica. "Hmm, ano pa nga bang maitatago ko sa inyong tatlo, oo. Jusko. Kilalang kilala niyo na nga talaga ako. Kahit hindi na ako magsabi o magsalita, alam at ramdam niyo na kapag may mali e." Pag- amin mo. "O kita mo na. So ano nga ang latest mars?" Tanong ni Pat. "Halos magdadalawang araw na kasi kaming hindi nag- uusap ni Sandro e." Sabi mo sa kanila. "Dahil?" Tanong ni Elisse. "Nakalimutan niya yung monthsary namin." Sabi mo. "Hindi mo man lang siya binigyan ng chance na makapagpaliwanag?" Tanong ni Bea. "Bakit pa? Alam naman niya kung gaano ako kabilis magtampo kapag hindi ako nabibigyan ng oras. Or kapag hindi naaalala yung mga important dates, diba?" Sabi mo.
Flashback(2 days ago)
"Love don't you remember anything?" You asked him. "Why? Do I have to remember everything? I can't do that. Besides, I have a lot of works to do. Whatever that is, marami pang ibang araw para riyan. Wala akong panahon ngayon." Aniya. "Nakalimutan mo nga talaga. Akala ko pa naman maaalala mo kasi mahilig kang magbigay sa akin ng regalo kapag ganito." Sabi mo habang umiiyak. "You know what? Just tell me what you really want to say. Hindi yung para kang batang inagawan ng kendi kung umiyak diyan. Akala mo naman importante talaga yang event na meron ngayon. Ano ba yan?!" Inis niyang sabi sayo. "Gusto ko lang namang ipaalam o ipaalala sayo, ha. Na monthsary natin ngayon! Oo, monthsary natin ngayon pero para sa'yo, wala lang to. OA na kung OA pero pasensiya na ha. Ipinagluto kasi kita ng paborito mong ulam. Tsaka naghanda rin ako ng movie date sa taas. Sayang naman. Ako na lang ang manonood mag- isa." Saad mo sabay punas sa luhang tumulo mula sa 'yong mga mata. Nagulat si Sandro nang marinig lahat ng iyong mga sinabi sa kanya. Tumalikod ka sa kanya. Hinawakan niya ang iyong kamay. "Love wait—" Sabi niya. Hindi niya natapos ang kanyang sinasabi dahil bigla kang nagsalita. "Get off me. I have something else to do." Sabi mo sabay bitaw sa kanya.End of Flashback
"Kaya hinayaan mo siyang magdusa ng dalawang araw na wala kayong communication? Kaya ba siya naka- block sayo?" Tanong naman ng kaibigan mong si Veronica. "Nica, how did—." Hindi mo na natapos ang sasabihin mo dahil sabay sabay silang nagsalita. "Kinausap niya kami." Sabay sabay nilang sagot. "Bakit niyo kinausap?" You asked them. "Nakakaawa na e. Nagmamakaawang makausap ka. Pero dahil ayaw mo sinabihan naming maya't maya kaming magbibigay sa kanya ng update kung kumusta ka." Saad ni Elisse. Nag- uusap usap kayong magkakaibigan nang biglang dumating ang isa sa mga common friend niyo. "Ah, Faith?" Tawag sayo ni Howard. "Howard?" Gulat mong sabi. "Here is a bear who wanted to say hi and I'm sorry." Sabi niya sayo at lumapit sayo ang isang life size teddy bear at niyakap ka nito. "Sino yan?" Tanong mo kay Howard. Nagtanggal siya ng costume sa ulo. Kinuha niya ang isang bouquet ng tulip mula kay Howard at inabot yon sayo."Flowers for my best girl and my favorite binibini?" Saad ni Sandro. Bigla kang naiyak. "Aww, I'm sorry too. For being insensitive. For not letting you explain. Sorry for not listening to your explanation why you forgot about that day." Sabi mo. "I just wanna say sorry to you also for not remembering the special occasion on that day. Akala ko talaga normal lang na araw yun para sa atin. Little did I know and late ko nang na- realize na monthsary pala natin yon." Aniya sabay yakap sayo. "Teka, teka, teka, teka lang. Alam mo, umupo muna tayo. Ano bang pumasok sa utak mo at nagmascot ka?" Tanong mo sa kanya. "I just thought that when I am going to visit you nang naka- suit, iiwasan mo lang ako kaya ako nagsuot ng mascot para hindi mo mahalata at hindi mo ako ipakaladkad sa labas." Sabi niya sayo. "Trip mo talaga yan o gusto mo lang talagang patawarin kita?" You asked him. "I just wanna ask for your forgiveness. I felt so guilty for not being able to celebrate our monthsary with you. I forgot na big deal pala sayo ang mga simpleng dates. Kasalanan ko talaga. Kung hindi sana ako congressman, mas mabibigyan pa kita ng oras. Nung sinabi mo sa akin noong araw na yon na monthsary natin, nasabi ko sa sarili kong I'm such a stupid person. Ang tanga ko kasi hindi ko naalala ang espesyal na araw kung saan ipinagdiriwang natin ang ikasampung monthsary natin." Sabi niya habang umiiyak. Lumapit ka sa kanya tsaka mo siya niyakap at binigyan ng isang basong tubig. "That's enough. Drink some water. Alam mo kapag iyak ka ng iyak, drink some water. Kasi baka matuyuan ka." Sabi mo. Kinuha niya ang isang basong tubig na inaabot mo sa kanya. Ininom niya yon. "Salamat." Aniya. "No worries." Sagot mo sa kanya. "Howard, kinuntsaba ka ba nitong boyfriend ko para magawa niya lahat to?" Tanong mo kay Howard. "Hindi. I was the one who told him to talk to you and fix whatever your problems are." Sagot ni Howard sayo. "Okay. Sabi mo eh." Saad mo. Agad kang nilapitan ni Elisse. "Friend, baka naman pwedeng ano...." Bulong niya sayo. "Pwedeng ano?" Tanong mo. "Baka naman pwedeng ipakilala mo kami diyan sa "friend" niyo ni Sandro." Bulong naman ni Beatrice. "Baka naman..." Bulong naman sayo ni Veronica. "Kayong tatlo talaga puro kayo kalokohan. Si Howard, kaibigan namin ni Sandro. Ang dahilan kung bakit kami nagkakilala two years ago." Sabi mo. "Hi." Sabay sabay na bati nina Elisse, Veronica at Pat."Hello." Sagot ni Howard. "Ah... Uhm... May tanong sana ako kaya lang nakakahiya." Ani Elisse. "Hindi, okay lang. Ano ba yung tanong mo?" Sabi ni Howard. Bumulong si Elisse sa inyong tatlo nina Beatrice at Veronica. "Nakakahiyang tanungin kung may jowa na siya beh." Aniya. Natawa ka bigla. "HAHAHA!" Tawa mo. "Why are you laughing, love?" Tanong ni Sandro. "Ah kasi love nahihiyang magtanong si Elisse kung may girlfriend daw ba si Howard. Howard meron bang pag- asa tong tatlong to sayo? Hindi kasi namin alam ni Sandro kung meron nang nagmamay- ari ng puso mo dahil hindi ka naman pala- kwento." Sabi mo. "Huy girl, nakakahiya." Sabi ni Beatrice. "Ngayon ka pa ba mahihiya? Jusko." Sabi mo. "Ah, yeah. Meron na. Hindi ko pa naipapakilala sa inyo. Soon ipapakilala ko rin siya. Ah tama. Sa kasal niyo isasama ko siya para makilala niyo. E maiba ako, kailan nga ba kayo ikakasal?" Tanong ni Howard sa inyo ni Sandro kaya naman napatingin sila Elisse, Beatrice at Veronica sa inyong dalawa ni Sandro. "Soon. It's for you to find out." Sagot niya. "O e ang mahalaga, okay na kayo ngayon." Sabi ni Howard. "Oo nga naman. Wag na kayong mag- aaway. Kasi pati mga trabaho at kaibigan niyo damay e. Hindi makafocus tong si Faith sa trabaho mula noong isang araw. Hindi nga namin alam kung anong gagawin namin e. Kapag tinatanong namin, sasabihin niyang okay lang naman daw siya kaya wag kaming mag- alala. Pero kanina talagang pinilit namin siyang umamin. Kasi nararamdaman talaga naming may mali e. So napaamin naman namin siya and thank God kasi naayos naman yung gusot." Sabi ni Bea. "I'll stay here na Howard. You can go." Sabi ni Sandro. "Okay." Sabi niya. Niyakap ka ni Sandro habang nakaupo kayo sa bench sa office niyo.

YOU ARE READING
PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...