May nanliligaw sayo pero hindi siya pasok sa standards mo kaya nagdesisyon kang i- reject siya.
"Liam, I'm sorry. I'm sorry pero tama na." Sabi mo. "Tama na ang alin?" Tanong niya. "Ang panliligaw mo." Sagot mo. "Ha? Bakit? May nagawa ba ako?" Sabi niya. "Wala. Wala lang nagawang mali o hindi maganda. Kailangan mo na talagang huminto sa panliligaw sa akin dahil ayoko nang pahirapan ka pa. Ayoko lang na saktan ka. I'll be honest with you. Sinubukan naman kitang mahalin kaya lang, hindi ko kayang turuan ang puso kong mahalin ka pabalik. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo sa akin. Walang mali sayo. Ako ang may problema. Ilang beses ko nang sinubukan ngunit ang kaya kong ibigay sa'yo ay pagkakaibigan lamang. Ayoko namang pilitin ang sarili kong mahalin ka. Mahirap turuan ang pusong magmahal at mas mahirap ipilit at ipagsiksikan ang sarili sa taong hindi ka naman kayang mahalin pabalik." Sabi mo. "May— may iba ka bang gusto?" Saad niya. Tumango ka naman bilang tugon. "Maaari ko bang malaman kung sino, binibini?" He asked. "It's Alexander. I don't know how will I tell you and when did I start falling for him. But the way he call me binibini gives me a different feels. I feel like I am at peace. When I'm with you, it gives me a different feeling. Parang butterflies in your stomach. Pero alam mo hindi raw yon totoo kasi kapag ganoon daw ang naramdaman mo sa isang tao, yun yung sign na your energy is telling you that this person is not good for you. You're NOT SUPPOSED TO BE CRAZY IN LOVE. YOU'RE SUPPOSED TO BE AT PEACE IN LOVE. And yung butterflies in my stomach ang naramdaman ko sayo and I'm sorry." Sabi mo tsaka ka uminom ng tubig. At sinubukan mong magsalitang muli. "I have to go." Paalam mo sa kanya at tsaka ka lumisan.
Pagdating mo sa inyong tahanan, sinalubong ka ng iyong mga magulang.
"Anak, anong nangyari sa iyo?" Tanong ng iyong ama. "Kinausap ko na po si Liam at nagtapat na po ako sa kanya. Sinabihan ko na po siyang tumigil na siya sa panliligaw sapagkat ako ay may ibang ginoong napupusuan. Ayoko na rin po kasi siyang pag- antayin sa wala. Isa pa po ayoko rin naman pong saktan ang sarili ko. Kasi po, kapag sinabi ko pong mahal ko po siya kahit ang totoo'y hindi, parehas lamang po kaming masasaktan at mahihirapan. Ayoko rin naman pong piliting turuan ang puso kong tumibok para sa kanya lalo na't batid kong iisang ginoo lamang ang isinisigaw ng aking puso. Masakit magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabalik. Pero mas mahirap pilitin ang iyong sariling mahalin ang isang taong hindi mo naman tunay na iniibig." Saad mo. "Naiintindihan ka namin ng iyong ina, anak. Sana lamang ay matanggap ni ginoong Liam ang iyong naging desisyon. At hinihiling ko na balang araw ay matagpuan niya ang binibining nakalaan para sa kanya. Anak, bilib ako sa tapang mong magtapat ng iyong tunay na damdamin. Hindi madaling ipahayag sa isang tao ang tunay mong nararamdaman. Siya, magpahinga ka na anak." Sabi sa iyo ng iyong ama at tsaka ka niya hinalikan sa noo.
Kinabukasan, nagising ka at natulala sa kisame. Iniisip mo ang iyong naging desisyon ukol sa pambabasted mo sa iyong manliligaw.
Kumatok ang iyong ina sa pintuan ng iyong silid upang tawagin ka para kumain ng agahan.
*Knocks on the door* "Anak, halika na rito. Kakain na tayo." Aniya. "Opo, babangon na po." Sabi mo. Agad kang napabangon sa iyong kama at dumiretso sa banyo para maghilamos at magsepilyo.
Pagkatapos ay bumaba ka na at kumain sa kusina kasama ng iyong mga magulang.
"Magandang Umaga po!" Bati mo sa iyong mga magulang. "O, anak. Magandang umaga naman sayo. Kumusta ang tulog mo?" Tanong ng iyong ama. "Ayos naman po. Kaya lang naiisip ko po kanina sa aking paggising ang aking naging desisyon kahapon. Pakiramdam ko po ay nasaktan ko ang damdamin ng ginoong walang ibang ipinakita sa akin kundi kabutihan at pagmamahal. Pakiramdam ko po ay mali ang aking ginawa. Ngunit batid ko naman na mali rin kapag sinabi ko sa kanyang may pag-asa siya sa akin. Naguguluhan po ako, ama." Sabi mo. "Normal lamang ang nararamdaman mo anak. Hayaan mo lang itong lumipas. Hayaan mong dumaan ang ilang linggo, buwan at taon." Sabi niya. "Oo nga anak. Balang araw, mauunawaan mo rin ang iyong sarili. Sa ngayon, kumain ka na muna. Nakahanda na ang almusal. Samahan mo kaming kumain anak." Sabi naman ng iyong ina. "Sige po." Sagot mo.
Lumipas nga ang ilang araw, linggo, buwan, at mga taon. Naging abala ka sa iyong trabaho. At sa pamamagitan nito ay unti- unting nawawaglit sa iyong isipan ang ginawa mong pambabasted sa iyong dating manliligaw.
Naging isa ka sa mga pinakamahusay na empleyado sa inyong opisina. Ikaw ay nakatanggap ng sunud sunod na mga karangalan at pagkilala dahil sa ipinakita mong husay sa pagtratrabaho. Dahil doon, nakapagpundar ka ng bagong aircon para sa silid ng iyong nga magulang.
"Anak, dapat hindi ka na gumastos pa. Tsaka ayos lang naman kami ng iyong ama sa electric fan o ceiling fan. Hindi mo na kailangang gumastos nang ganito kamahal." Sabi ng iyong ina. "Ma, chance ko na tong makabawi sa inyo ni papa. Ang dami niyo nang isinakripisyo para sa akin. Tsaka di ba nga po kahit na mahirap ang buhay noon, iginapang ninyo ang pag- aaral ko? Sabi ko nga po sa inyo noon magtratrabaho na lang po ako sa gabi at mag- aaral ako sa umaga para kahit paano, ako na rin po ang bahala sa baon ko at hindi na ako manghingi sa inyo? Pero kayo po itong mapilit na huwag akong magtrabaho dahil baka hindi ko kayanin. Kaya ngayon pong nagkaroon na po ako ng permanenteng trabaho, hayaan niyo naman po akong makabawi. Sa ilang taon kong pagtratrabaho, nakabili na po tayo ng bahay at lupa. Naibili ko na rin po kayo ng sasakyan. Ngayon naman po, panahon na para maranasan niyo naman ang masagang buhay. Pagbigyan niyo na po ako ma." Saad mo. Naiyak ang iyong ina nang marinig iyon. "Hindi ko lubos akalaing dalaga ka na nga talaga, Alexandria. Samantalang dati'y nangangarap ka lamang na maging isang guro. Ngayon ay mayroon ka nang permanenteng trabaho. Sobra akong proud sayo. Ikaw lamang ang aming kaisa- isang munting binibini noon. Ngayon, isa ka nang ganap na dalagang tinutupad ang pinangarap mong propesyon. Alam mo sana anak, kapag dumating yung oras na mapagod ka na, yung sarili mo naman ha? Huwag mong ibubuhos sa amin lahat ng oras at panahon mo. Baka mamaya dumating yung araw na sabihin mo sa amin ng iyong ama na kami ang dahilan kaya hindi ka nagkaroon ng sarili mong pamilya. Anak salamat. Mahal na mahal ka namin ng iyong ama, sobra." Sabi ng iyong ina sa iyo. "Maging ako rin po'y hindi makapaniwala. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo ni ama dahil sa walang sawang pagmamahal at suportang ibinigay niyo sa akin. Salamat sa mga payo at pangaral ninyong hanggang ngayon ay baon ko pa rin. Pangako ko po sa inyo na ako naman po ang mag- aalaga sa inyo ni ama. Pangako, hindi po muna ako maghahanap ng panibagong pag- ibig." Sabi mo.
YOU ARE READING
PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...