POV 115 - YOU WATCHED THE GAME OF CREAMLINE AND CHERY

55 4 0
                                    

You are an avid fan of volleyball. And you asked your brothers to join you in watching the game of Creamline Cool Smashers and Chery Tiggo Crossovers.

"Kuya please join me na manonood lang naman tayo e. Hindi naman papayag sina paps at mom na umalis ako mag isa. Sige na, please 🥺". Pakiusap mo sa kanilang tatlo. "We are not into watching volleyball games. You know that." Sabi ng kuya Vincent mo. Bigla kang nanlumo. "Kuya, game kasi yun ni Alyssa Valdez. The Phenom. I wanna watch The Phenom. Kuya sige na please." Sabi mo. "Sorry bunso. Busy kami." Sabi naman ng kuya Simon mo. "Kuya Sandro?" Sabi mo sabay akbay sa panganay mong kapatid. "I'm sorry ading ko. Marami akong gagawin." Sabi niya sayo.

Nagdesisyon kang magpaalam sa mga magulang niyo.

"Dad, pwede pong pa- istorbo?" Sabi mo. "O baby girl, what is it anak?" He asked. "Magpapaalam po sana akong manood ng volleyball live. Sa Santa Rosa Laguna Sports Complex po." Sabi mo. "Who's going with you?" Tanong ng mommy mo. "Mom, wala po. Mag- isa ko lang pong-" .

Hindi ka pa natatapos magsalita ay bigla nang nagsalita ang mga magulang mo.

"Mag- isa?! Naku, anak. Hindi. Hindi ka namin papayagang umalis. Hindi. Delikado. Babae ka pa naman." Sabi ng mommy niyo. "Mom, busy po yung mga kapatid ko e. Ayoko naman pong makaistorbo sa mga agenda nila." Sabi mo. "Ano?! Ikaw istorbo sa agenda nila? Hindi. Maghintay ka rito. Akong kakausap sa kanila." Sabi ng dad niyo.

"Boys! Come over here! Bilis. Five minutes conference. Dali na." Sabi ng daddy niyo. Agad naman silang pumunta.

"Yes dad, what is it all about?" They asked. "Samahan niyo tong kapatid niyo sa Laguna." Sabi ng daddy niyo. "Dad I have something else to do." Reklamo ng panganay mong kapatid. "More important than your sister?" Tanong ng mommy niyo. "No, that's not what I mean mom. I'm just-". Hindi natapos ng kuya mo ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita ang daddy niyo. "Then accompany her." Maawtoridad niyang sabi. "Simon, Vinny, sumama na rin kayong dalawa. Minsan lang maglambing yang bunso natin na gusto niya kayong makasamang tatlo manood ng volleyball game, tatanggi pa kayo. Sige na. Samahan niyo na." Sabi naman ng mommy niyo. Wala na silang nagawa dahil mga magulang niyo ba ang mismong nakiusap sa kanilang tatlo.

"Sasama rin naman pala kayong tatlo pinahirapan niyo pa akong mangumbinsi." Sabi mo sa mga kuya mo. "Hindi talaga kami sasama. Kung hindi lang nakiusap sina mom at paps." Sabi ng kuya Simon mo. "Kaya nga." Pagsang-ayon naman ng kuya mong si Vincent. "I should be in my office today doing my job. But here we are accompanying the favorite daughter." Reklamo naman ng kuya Sandro mo. Inirapan mo siya.

Pumasok na kayo sa Laguna Sports Complex. Wala pang masyadong tao. Since you are the presidential children, may mga kasama kayong PSG sa loob ng venue.

"We acknowledge the presence of the presidential children, the representative of the first district of the province of Ilocos Norte and senior deputy majority leader honorable congressman Ferdinand Alexander Sandro Araneta Marcos III, the CEO, Mr. Joseph Simon Araneta Marcos, the engineer, Mr. William Vincent Marcos and the only presidential daughter, Miss Francheska Louise Marcos." Sabi ng emcee. Agad namang lumingon ang mga tao sa kinauupuan niyo dahil tumutok ang camera sa inyong apat.

Sabay- sabay naman kayong ngumiti. "Kuya, sorry. Next time, hindi ko na kayo yayayain. Ako na lang ang manonood mag- isa." Sabi mo sa kanilang tatlo. "No, promise hindi na mauulit yung nangyari kaninang hindi natin pagkakaunawaan dahil sa hindi niyo pagpayag na sumama sa akin sa panonood ng volleyball. Kuya Sandro, time out muna sa politics, kuya Simon, time out muna sa stressful works. Kuya Vinny, stop muna sa pagpa- plano. Saka ka na lang magplano ng bahay na titirhan mo sa hinaharap kapag nakilala mo na si the one." Sabi mo pa.

Sa unang set ng game, nanalo ang Creamline Cool Smashers, sa puntos na 25-23. Nanalo naman sa ikalawang set ang Chery Tigo sa score na 20- 25. Bumawi sa ikatlong set ang Creamline at tinapos nila ang ikatlong set sa score na 25- 12 at sinundan ng victory score na 32-30.

Sa final set, medyo nanlumo ka dahil nabigyan ng yellow card ang idolo mong si Alyssa Valdez.

"Paanong mabibigyan ng yellow card e in naman yun? Ang pangit ka- bonding nung referee. Masyadong bias." Sabi mo. Napatingin sayo ang mga kapatid mo. "Bunso, wag ka nang masyadong malungkot dahil doon. Nanalo naman sila e." Sabi ng kuya Vincent mo. "Kahit na kuya. First ever yellow card ni Phenom yun sa buong volleyball career niya. Palpak yung referee. Napakarami niyang wrong calls. Kung ako yun, hindi ko yun palalampasin. Hindi ako papayag." Sabi mo. "Halika nga rito." Sabi ng kuya Sandro mo sabay hila sayo at tsaka ka niya inakbayan. "Alam mo, nangyayari talaga yan. Hindi lang sa volleyball. Sa lahat ng laro. Alam mo, para ngumiti ka na, halika papicture ka na lang kay ate Aly." Aniya. "Kuya, wait, nahihiya ako. Baka mamaya kung anong isipin nila." Sabi mo sa kanya. "Okay lang yan. Halika na bago pa tayo umalis. Para man lang makabawi kami sayo. Kasi nga di ba kanina ayaw ka naming samahang pumunta rito at manood? Halika na papicture ka na roon. Chance mo na to. Halika na. Tapos mamaya pagkatapos mong magpapicture kakain muna tayo tsaka tayo uuwi, okay?" Ani kuya Simon mo. "Besides, matagal mo tong hinintay. Ito na o, opportunity na mismo ang lumalapit sayo. Ipagtatabuyan mo ba palayo? Minsan lang yan. Sayang din kapag hindi mo pa gi- nrab." Sabi naman ng bunso mong kuyang si Vincent. Kaya naman agad kang lumapit sa kinaroroonan ng Creamline Cool Smashers at hinanap ang kanilang team captain.

"Ate Aly?" Tawag mo kay Alyssa Valdez. Agad naman siyang lumingon. "Oh, yes?" Sabi niya. "Ate can I ask for a picture with you?" You asked. "Yeah sure, oh wait, including my team members ba? O ako lang?" Tanong niya sayo. "Ikaw lang po." Sagot mo. "O sige tara." Sabi niya.

You quickly took a photo. And after your selfie with your idol, nagpapicture rin kayo ng group photo but this time, together with your brothers naman. At pagkatapos noo'y nagpapicture na rin kayo kasama ang mga teammates niya.

"Halla ate, thank you for the opportunity to have a photo with you and your teammates. Till next time uli." Sabi mo. "My pleasure to meet the presidential children personally. Take care! Ingat pauwi." Sabi ni Alyssa sa inyo. "Kayo rin ate. Congratulations to the whole team." Sabi mo tsaka ka tumalikod.

"Kuya I'm so happy na, thank you!!" Sabi mo. "Basta bunso, bumawi ka rin sa amin ha. Dahil sayo ang dami kong cancelled meetings." Sabi ng kuya Sandro mo. "Oo nga bumawi ka sa aming tatlo. Napagsabihan pa kami kanina dahil lang ayaw ka naming samahan dahil busy kami." Sabi naman ng kapatid mong CEO. "Bukas ikaw naman ang dapat na mapagsabihan." Sabi ng kuya mong engineer. "Mapagsasabihan talaga ako kuya kasi ako lagi ang pinagbibigyan. Hindi naman pwede na porke't ako lang ang babae sa ating magkakapatid e nakukuha ko na lahat ng gusto ko. Hayaan niyo kuya babawi talaga ako sa inyong tatlo bukas." Sabi mo. "Tara na uwi na tayo." Sabi nila.

Pag uwi niyo, kinausap mo ang mga magulang niyo.

"Paps, sorry po. Dahil po sa akin napagsabihan niyo na na naman sina kuya. Ako na lang po ang pagalitan niyo tutal ako naman po ang dahilan kaya hindi nila nagawa yung mga dapat nilang gawin ngayon." Sabi mo. "Anak, sa susunod kung gusto mong maka- bonding yung mga kuya mo, ibang activity naman ha? Hindi nila hilig yang panonood ng volleyball, eh. Ha, anak?" Sabi ng mommy niyo. "Yes mom. Sorry po." Sabi mo.

Muli kang humingi ng pasensiya sa mga kapatid mo dahil sa pagpilit mo sa kanilang sumama sa lakad mo ngayong araw.

"Kuyas, sorry talaga ha? Next time I'll invite my friends na lang to come with me kapag gusto kong manood ng game. Naabala ko pa tuloy yung mga agenda niyong tatlo. Sorry kuya sands, kuya si, and kuya vinny." Sabi mo sa kanila. "Okay lang ading ko. Tama naman sina paps. Minsan ka lang namang mag- aya. Next time, kami naman ang magpa- plano kung saan tayo, okay? Matulog ka na." Sabi ng kuya Sandro mo. Isa isa silang lumapit sayo at hinalikan ka nila sa noo at ulo mo tsaka sila nag- good night sayo.

A/N: Congratulations Creamline Cool Smashers! Congratulations my best girl, @alyssavaldez2!

PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now