POV 107- HE SURPRISED YOU ON THE CELEBRATION OF TEACHERS MONTH

58 5 0
                                    

Today, you are celebrating the Teachers Month in the university where you are currently teaching the history subject. Nung una, hindi ka sanay kapag may mga ganitong pagtitipon ngunit unti- unti ka ring nasanay sa pagdaan ng panahon. Binati ka ng mga estudyante mo ng happy Teachers Day.

"Ma'am Faith, happy teachers day po." Sabi ni Farah. "Hi ma'am, happy teachers day po." Sabi naman ng kaibigan nitong si Mara. "Salamat." Sagot mo sa kanila. "Ay ma'am may ano... Problema ma'am. Sorry ma'am napag-utusan lang kaming tawagin ka kasi ma'am ano— nagkakagulo raw sa ano ma'am sa faculty." Sabi ni Felicity. "Ay oo ma'am. Pinapatawag ka ni ma'am Mina." Saad ni Chris. Agad kang napasugod sa faculty sa pag- aakalang mayroon talagang hindi magandang nangyari ngayong araw. Ngunit pagdating mo roon, may sumalubong sayong isang taong hindi mo lubos sukat akalaing babati sayo sa espesyal at natatanging araw para sa mga guro.

"Surprise, adi! Happy teachers day, I love you!" Bati sayo ni Sandro na may dalang isang pumpon ng tulips, ang iyong paboritong bulaklak.

Bigla kang naiyak habang lumalapit ka sa kanya para yakapin siya. "Why are you crying? Don't you like it mahal?" He asked you. "I love it actually. I just didn't expect that I will be seeing you here today knowing na you have a very hectic schedule. Yet here you are celebrating with us." Sabi mo sa kanya. "With you only my love. Why would I celebrate teachers day with other teachers if I already found my favorite teacher who taught me not one plus one but how to love only one?" Biro ni Sandro. Kaya naman napasigaw ang mga kapwa mo guro ng mga katagang....

"SANA ALL MA'AM JOWA NG ISANG SANDRO MARCOS NA ANAK NG PRESIDENTE, CONGRESSMAN NG PRIMERO DISTRITO NG ILOCOS NORTE, AT SENIOR DEPUTY MAJORITY LEADER NG HOUSE OF REPRESENTATIVES."

Kaya naman agad kang lumingon sa kanila. "Wag kayong mag-alala. Pwede ko rin naman siyang ipahiram sa inyo e. Basta papayag siya."  Sabi mo sa kanila. Saka ka uli humarap kay Sandro. "Are you willing to stay with them for awhile?" You asked Sandro. Umiling siya. "I'm sorry but I am not a toy na willing na pagpasa- pasahan ng kung sinu- sino. Hindi naman ako bola na pwedeng ipasa rito sa mga basketball court dito. Kuntento na ako sa isa at ayoko nang maghanap ng iba. Tapos ang usapan kaya kung willing kang ipahiram o ipamigay ako sa iba, pwes ako, hindi. Kasi hindi, hindi, hindi ko kayang umibig muli. Habang buhay na lang kitang hihintayin." Sabi naman niya sayo kaya naman nagulat kayong lahat. "Hindi ba, kanta yan ni Ace Banzuelo?" Sabi mo. Kaya naman kumunot ang kanyang noo. "Hindi ka nga pala maalam sa mga bagong kanta. Bagong kanta kasi yun kailan lang siya inilabas. Ang bida sa music video FranSeth. Ito o panoorin mo." Sabi mo sabay abot ng iPad Mini mo sa kanya.

(Play Muli by Ace Banzuelo while reading this story part. Hindi siya masakit pero imagine congressman Sandro singing this to his girl, Alexandria)

"Yeah. I am familiar with this song but I'm not familiar with these people in the music video. You know me.  Hindi ako ma- showbiz. Wala nga akong kilala sa showbiz maliban sa anak ng tatay ko sa kasal." Aniya. Agad kang tumango. "Ah yeah. Ate Toni and Direk Paul. Di ba pinsan mo si Direk Paul Soriano?" Tanong mo kay Sandro. "Yeah. Second cousin. My mom and his dad are first cousins."  Sabi niya sayo. Tumango tango ka naman habang nagsasalita siya. "Why are you nodding your head?" He asked. "Ah, nevermind. Now I understand." Sabi mo. "Anyway, happy teachers day again my love. I am sure that when the right time comes, you will become a great mom and teacher to our future kids." Sabi niya. "Thank you! But, let me ask you one question." Sabi mo sa kanya. "Go ahead, mahal." He said. "Anak talaga kaagad? Di pwedeng pamangkin muna?"  Tanong mo. "Kasal na muna tapos anak, okay na ba?" Sabi niya sayo. "Oo okay na mahal. Alam kong marami ka pang naiwang gawain ngayong araw. Pwede ka nang umalis. Salamat sa pa- surprise visit. I love you." Sabi mo. "Actually, I am here to stay. May event kayo diba?"  Sabi niya. " Yeah. And?" You told him. He whispered in your ear. "I'm your guest." Sabi niya sayo. Nagulat ka nang marinig mo iyon mula sa kanya. Agad kang napayakap sa kanya nang mahigpit. "Tara muna sa labas, love. Para makaiwas tayo sa mga tao rito. Mga marites tong mga to e." Sabi mo na lang sa kanya.

Nagpatuloy ang pagdiriwang ninyo ng araw ng mga guro sa inyong paaralan. Hindi mo lubos akalaing siya ang inyong magiging panauhin sa araw na iyon. Nakangiti ka habang kinukuhanan mo siya ng litrato habang nagsasalita. At agad mo iyong ipinakita sa kanya pagkatapos ng programa.

"Love, look. I took a video of you giving your message to us." Sabi mo sabay pakita sa kanya nung video. "You are so far the best videographer I've ever known but please don't post it on your social media accounts. I don't wanna see it online. Alam mo naman ang panahon ngayon. One post and it will easily circulate everywhere. Baka kung anong issue na naman ang maibato sa akin. Tapos maging dahilan pa yon para masiraan ako sa madla." Sabi niya. Naintindihan mo ang ibig niyang sabihin at nauunawaan mo kung saan siya nanggagaling kaya naman agad kang sumang- ayon sa kanyang mga sinabi.

Pagkatapos ninyong mag- usap ay agad na siyang nagpaalam upang bumalik sa trabaho.

A/N: Happy Teachers Month to all teachers all around the world! PS. I am also a teacher and I'm proud to be one of the persons who are the reason behind the success of other professions. Wag tayong mapagod na magturo at humubog sa mga kabataan sa mga darating pang mga henerasyon. Nawa'y nagsilbi tayong inspirasyon at mabuting modelo sa ating mga estudyante. Turuan natin silang mangarap para sa kanilang mga sarili. Ngunit higit sa lahat, turuan natin silang maging mabuting anak at mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Happy Teachers Month!

PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now