You don't really believe in true love and you don't believe that forever really exist. You have trust issues with men until you met this man who made you realize that not all men are the same. That there is one person who can change your perspective in love.
But the problem is, you have different worlds. How can you fight for your love for each other when your world is different from each other? How can you fight for your forbidden love?
"Faith? Why do we have to part ways? We can still fight for this love story. I know we can." Saad ni Sandro. "Can't you see? Yes I love you! But, my Ferdinand, I'm sorry. I don't want to squeeze myself in a world full of judgmental people who doesn't even know the true meaning of the word RESPECT. Pati pamilya ko pinagbabantaan na dahil lang minahal kita. Dahil lang naging tayo. Alam mo ba, mula noong naging tayo, ayaw na nila akong patahimikin. Araw- araw, pinaparamdam sa akin ng mundo na kahit kailan, hindi maaaring maging tayo kasi ikaw, anak ka ng presidente. Ako, normal akong mamamayan ng Pilipinas. Alam mo ba kung gaano kahirap para sa aking itago kung ano talagang meron tayo, ha? Palagi nilang sinasabi sa akin na ginagamit lang daw kita. May iba pa ngang nagsasabing minahal raw kita dahil pinagbantaan mo ako na kapag hindi kita minahal pabalik, mapapahamak ang buong pamilya ko. Kaya pinag- isipan kong mabuti 'to. Nagpapasalamat akong nakilala kita. Ipinaglaban mo ako sa kabila ng mga kaliwa't kanang panghuhusga. Ngunit patawad aking sinta. Sapagkat hindi sang- ayon sa atin ang tadhana. Gustuhin ko mang manatili pa, isipan ko nama'y sumusuko na. Ilang taon din naman akong naging masaya sa piling mo. Marahil ay panahon na upang bumitaw ako mula sa mahigpit kong pagkakahawak sa mga kamay mo. At marahil, sa ibang panahon, sa ibang pagkakataon, at sa ibang mundo, magiging ikaw at ako. Sa ngayon, nais kong sabihin sayo, salamat sa pagmamahal mo, ginoo. Natuto akong maging matatag dahil sayo. Natutunan ko ring tumayo sa sarili kong mga paa at lumaban nang mag- isa. Salamat sa pag- ibig mong wagas. Ngunit ngayon, narating na natin ang dulo at siguro, hanggang dito na lang tayo. Dahil ang dating inakala nating walang hanggang pag- iibigan, magiging hanggang dito na lang. Darating ang araw, mahahanap mo rin ang tamang babae para sa'yo. Patawad kung yun ay hindi ako. At patawad kung sumuko ako. Pero malay mo, paglipas ng ilang taon kapag ang landas natin ay muling nagtagpo, tayo pa rin hanggang dulo." Sabi mo sa kanya. Hinawakan niya ang dalawang kamay mo at saka siya napaluhod. "No! I won't let this happen. This can't be. I can't.... I can't let you go now. I can't afford to lose my most precious gem. I can't afford to lose my favorite person. I just can't picture my future without you as my wife and the future mother of my children. You are the only girl who made me feel different. I mean you loved me not as the son of the president but as a normal citizen of the Philippines. Hindi ko kaya. Ayoko. Please. No. I'm begging you." Pakiusap niya sayo habang humahagulgol. Umupo ka para maging magkatapat kayo. Hinalikan mo siya sa labi. "Just always remember that I love you, okay? Hindi na magbabago yon. Ikaw at ikaw lang." Sabi mo sabay haplos sa pisngi niya at pinunasan ang luhang kanina pa umaagos mula sa mga mata niya. You can see the pain in his eyes. But if you will not do this, mapapahamak ang buong pamilya mo. "Adi!!" He shouted. You hugged him tight. "In another life, I would be your girl. We'd keep all our promises be us against the world. In another life, I would make you stay. So I don't have to say you were the one that got away. The one that got away." Sabi mo sa kanya. "That's a song though. Haha." Natatawa niyang sabi sayo habang umiiyak. "Kinakantahan kita for the last time bago tayo maghiwalay. Tamang tama yung kanta. The One That Got Away ni Katy Perry." Sabi mo naman sa kanya. "You really are good in singing but I don't like your song choice." Sabi niya sayo. "Wala na tayong magagawa para pigilan pa ang nakatakda at tadhana. Masaya akong nakilala kita pero sa palagay ko, hindi tayo ang para sa isa't- isa." Sabi mo sa kanya. "Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Basta hangga't kaya ko, ipaglalaban kita. Pero kung ikaw ay susuko na, paano na ang kwento nating dalawa? Paano na ang pangarap na sinimulan nating buuin nang magkasama? Hahayaan mo na lamang bang yung gumuho o tuparin ko sa iba? Matitiis mo bang makita akong maikasal sa babaeng hindi ko naman mahal?" Tanong niya bigla sayo. Napaisip ka bigla. Kakayanin mo nga bang makita siyang masaya sa piling ng iba? Nanghina ka bigla. "Hindi ko kaya." Sabi mo. "Kung ganoon, bakit mo 'ko iiwan? Bakit hindi mo ako magawang ipaglaban?" Tanong niya sayo. "Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka kapag ipinaglaban kita sa kanila, kapalit noon, masisira ang buhay ko. Pero kapag hindi kita pinaglaban, hindi naman ako magiging masaya. Masaya ako kapag kasama ka. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ayaw kitang saktan at hiwalayan pero pag hindi kita nilayuan, parehas naman tayong mahihirapan." Sabi mo. "Di bale nang parehas tayong mahirapan kaysa naman isa lang sa atin ang lumaban. Nakikiusap ako sayo binibini, wag mo akong iiwan. Wag kang makipaghiwalay sa akin. Nakikiusap ako." Halos nanghihina niyang pakiusap. Niyakap mo siya nang mahigpit. "Ang hirap mong pakawalan. Pasensiya na pero kailangan mo na 'kong bitawan, ginoo." Sabi mo. "Ngunit bakit? Makikipaghiwalay ka pa rin ba?" Saad niya. Tumingin ka sa kanyang mga mata. Hinalikan mo siya sa labi. At saka ka nagsalitang muli. "Kukuha lamang ako ng dalawang basong tubig para sa ating dalawa. Babalik ako." Sabi mo sa kanya. "Sasama ako." Sabi niya sayo. "Siya sige na. Para huwag ka nang mangulit." Sabi mo.
"Pasensiya na, adi. May mga pagkakataon talagang tinotopak ako. Laking pasasalamat ko na ikaw yung unang boyfriend ko kasi kung iba, baka sinukuan na nila ako kaagad." Sabi mo. "Kaya nga wag ka nang magbalak makipaghiwalay sa akin dahil nasa tamang tao ka na." Sabi niya sayo. "Inom tayo ng tubig, adi." Aya mo sa kanya. Agad naman niyang ininom ang isang basong tubig na inabot mo sa kanya kanina. "Magkaiba man ang ating mundo, lupa ka man at ako'y langit, ito ang tatandaan mo. Ikaw at ako, tayo hanggang dulo. Lagi't lagi." Aniya. And he gave you a hug.
"Stop overthinking things, okay? Ikaw lang ang babaeng mahal ko. Wag mong pakinggan ang mga sinasabi nila. Hindi na iyon mahalaga. Dahil ang mas mahalaga, masaya ka at hindi nila yon masisira." Sabi niya sayo. "Kung magpapaapekto ka sa sasabihin nila, ipinapakita mo lang sa kanilang lahat na tama sila. Pero kung ipapakita mong matapang ka at wala kang pakialam, mawawalan sila ng interes na makipag- away o makipagtalo sayo kasi iisipin nilang masasayang lang yung oras nila sa paninira sayo kasi hindi mo sila binibigyan ng oras." Dagdag pa niya. "Lo Siento Te Amo." Animo. "Està Bien. Te Quiero màs." Aniya.
A/N: Kaunting pananakit lang. Haha. Hindi naman sobra.
YOU ARE READING
PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...