A Point of View of a supporter from afar.
P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's.
A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction.
HEXALOGY...
After 5 years, aksidente kayong nagkita ng ex mong nang iwan sayo nang walang maayos na dahilan at humingi siya sayo ng chance na makapag- explain.
"I'm sorry— Cheska?!" Gulat na sabi ni Lucas. "Okay lang—Lucas?! Anong ginagawa mo rito?!" Tanong mo sa kanya. "Ah, may— may bibilhin... May bibilhin lang. Ikaw? Ah... What brought you here?" Aniya. "Groceries. Haha." Sagot mo. "Sinong kasama mo? May... May iba na ba?" He asked. "Ah wala akong kasama. And about sa iba, yeah. Si Ethan." You answered. Tumango- tango naman siya. "Can— can we talk?" He asked. "Sige. For the last time." You answered.
You went to a coffee shop.
"Kumusta?" Pagbasag niya sa nakakabinging katahimikan. "Okay lang. Naka- move on na. Haha." Sagot mo. "Sana ganyan din kadali para sa aking sabihin yang mga katagang yan." Sabi niya. "Sige ganito na lang, magtatanong ako tapos sagutin mo. Okay?" Saad mo. "Okay." Maiksi niyang sagot. "Ano yung gusto mong sabihin sa akin na sa palagay mo eh never mo pang nasabi noong tayo pa?" You asked him frankly. "Wala eh. Parang ano na lang, ah... Yung sorry tsaka yung sana. Kasi never akong nagsorry eh." Saad niya. "Okay sige. Ano yung 'sana' at 'sorry' mo?" You asked. "Oh wait, ako muna. Sorry kasi napagod ako." Dagdag mo. "Ako, ano uh, sorry kasi napagod ka dahil kasalanan ko. Inaamin ko naman yun na nagkulang ako. Nagkulang ako sayo." Sabi niya habang nagka- crack yung boses niya and with that, you felt his sincerity. Sa boses at sa mata. "Dun tayo sa sana. Mauuna na ako. Sana kapag nahanap mo na yung para sa'yo... Sana gan'to pa rin tayo. Char. Sana kapag nahanap mo na yung para sa'yo, matuto ka nang makuntento. Ikaw? Anong 'sana' mo?" Sabi mo. "Sana happy ka. Yun lang. Kasi deserve mo eh." Sabi niya. "After so many years, ngayon lang tayo nakapag- usap uli." Sabi mo. "Aksidente nga lang to eh." Saad niya. "Sobrang tagal na rin." Animo. "Sana mapatawad mo ako pagkatapos ng nagawa ko sayo." Sabi niya. "Matagal na yun, haha. Kalimutan na natin. Masakit, oo. Pero siguro kailangan talagang mangyari yun para matuto tayo. Kasi parte naman ng pagmamahal ang masaktan e. Kung hindi ka masasaktan, hindi ka talaga nagmahal. Tsaka kapag nasaktan ka, mas nagiging matapang ka. Mas natututo kang lumaban." Saad mo. "Patawad muli, binibini." Saad ni Lucas. "Okay. Paano, mauuna na ako? Baka hinahanap na ako nina mommy." Paalam mo kay Lucas. "Mag- iingat ka." Sabi ni Lucas. "Ikaw rin." Saad mo.
Pagdating mo sa bahay ninyo mula sa grocery, bigla kang natulala. Sinubukan kang kausapin ng mga magulang mo pero nanatili kang walang kibo.
"Anak? Ayos ka lang ba? Anong nangyari?" Tanong ng mommy mo sayo ngunit hindi ka sumagot. Kaya naman biglang nagsalita ang daddy mo. "Anak? Anong nangyari sayo sa grocery? Bakit ka tulala? Cheska?" He asked. You didn't spoke. Dumating ang mga kapatid mo galing sa trabaho.
"What happened here mom, paps?" Your eldest brother asked your parents. "Anak, your sister." Your mom answered. "What happened to her, mom?" Your kuya Simon asked. "Nasisiraan na yata ng bait." Sagot ng daddy ninyo. "Why did you say so paps?" Tanong ng Kuya mong si Vincent. "Pag kinakausap namin, hindi sumasagot. Tapos tulala na hindi ko alam kung anong dahilan." Sagot ng daddy niyo.
Nilapitan ka ng panganay mong kapatid at kinausap.
"Ading ko, you still recognize who am I right?" Tanong niya sayo. "O kuya buhangin!! My favorite congressman and brotha. I love you kuya." Sagot mo sa kanya habang nakatingin ka sa kuya Sandro mo. Niyakap mo siya at niyakap ka naman niya pabalik. "Ading ko?" Tawag uli sayo ng kuya Sandro mo. "Yes kuya?" You spoke. "What happened earlier?" He asked you. "Ah yun ba kuya? I saw my ex at the grocery store kuya. Haha." You admitted to him. Nagulat ang buong pamilya mo nang marinig nila ang mga sinabi mo. "What did he tell you?" Your kuya Sandro asked. "Sorry and Sana. Haha." Natatawa habang naiiyak mong sabi. "Nagkapatawaran na kayong dalawa?" Tanong ng mga kapatid mo. "Kuya ang tagal na nu'n. Five years na rin. Diyos nga nagpapatawad, ako pa kayang mortal na nagkakasala rin?" Sabi mo. "Pero sobra kang nasaktan, di ba?" Sabi ng kuya Vincent mo. "Kuya, sobra akong nasaktan, oo pero ayoko namang maging mapait." Sagot mo. "Kaya mo ba siya kinausap anak?" Tanong ng Daddy mo. "Yes dad. For closure na rin po." Sabi mo sa kanya. "Closure naman pala ang nais." Pang- aasar ng kapatid mong si Vinny. "Kuya, ang nega mo. He insisted. Ang sama ko naman kung tatanggihan ko. Baka isipin niya na hindi pa rin ako nakakamove- on." Sabi mo. "Sabagay may point ka nga naman." Pagsang-ayon ng kuya Vincent mo. "Are you sure na you're already fine?" Your kuya Sandro asked you. "Yes kuya. Nag- usap lang naman kaming dalawa. Wala namang ibang ibig sabihin yun." Sabi mo. "Nasabi mo na ba kay Ethan ang nangyari?" Tanong ng kapatid mong si Simon. "Sasabihin ko pa lang kuya." Sabi mo.
Tinext mo naman ang jowa mo para sabihin ang nangyari kanina.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Ading ko?" Tawag sayo ng kuya Sandro mo. "Yes kuya?" Sagot mo. He didn't answered. He hugged you tight instead. "Kuya ang higpit masyado. Ano bang meron?" You asked. "E kasi ang tapang ng baby girl namin eh. Napakastrong para magpatawad." Sabi niya. "Kanino pa ba ako magmamana ng katapangan kuya? Haha." Natatawa mong sabi. "Palabiro ka talagang bata ka." Aniya. "Kuya naman. Seryoso ako." Saad mo. "Bakit ka kasi natatawa? Akala ko tuloy nagbibiro ka lang. Sorry ading ko." Sabi niya sayo. "Natatawa ako kasi ang gwapo mo kuya. Hahaha." Sabi mo. "Ganoon?" Tanong niya sayo. "Oo kuya. Sana ikasal na kayo ni ate Faith." Saad mo. "Huwag muna ngayon, ading ko. Pagkatapos na lang ng tatlong terms ko as congressman." Sabi niya. "Kuya naman. Bakit after nine years pa?" Pagmamaktol mo. "I have a lot of plans for the first district of Ilocos Norte ading ko. Kailangan ko munang tuparin lahat yun." Aniya. "Hindi ba kasama si ate sa mga pangarap mo?" Tanong mo ulit sa kuya mo. "Kasama siya." Sagot niya kaagad. "Eh kasama naman pala siya e. Pakasalan mo na siya kuya. Pakasalan mo na siya hangga't may oras ka pa. Dahil sa oras na sumuko siya, ibig sabihin nun, wala na talagang pag- asang maisalba pa ang pagmamahalan ninyong dalawa." Sabi mo. "Alam mo, ang dami mong alam. Sige na pakakasalan ko na ang ate mo. Pero tulungan mo akong kunin yung ring finger size niya." Sabi niya sayo.