May family outing kayo ngayon at pinagbawalan ka ni Sandrong magsuot ng bathing suit.
"Adi! Magpapalit lang ako ng bathing suit. Haha." Paalam mo kay Sandro. "What? No! You will not wear bathing suit, two piece, one piece bahala ka. Basta walang magsusuot ng mga bathing suit dito." Sabi niya sayo. "Ha? Adi naman, eh. Nasa beach tayo. Ano namang gusto mong suotin ko? Alangan namang magsuot ako ng gown o kaya ng dress. Adi ngayon lang naman ako magsusuot ng two piece eh." Agad kang umalis at nagbihis sa palikuran. Nagsuot ka ng one piece bikini nang hindi nalalaman ni Sandro. Pinatungan mo iyon ng bathrobe. Agad kang pumunta sa pampang at nakita mo roon si Sandro. Mukhang may hinihintay. Niyakap mo siya mula sa likod at tsaka ka nagsalita.
"Who are you waiting for?" You asked him. "You." Sagot niya. Tumingin siya sayo. Nakita niya ang suot mong robe. "Why are you wearing bath robe, adi?" He asked you. Bigla kang kinabahan. Nanuyo bigla ang lalamunan mo kaya napahawak ka bigla roon. "Ah, ahem... I- I'm actually... I'm actually wearing... I'm wearing one piece.... One piece bikini." Sabi mo sa kanya. Tatanggalin mo na sana ang robe mo nang bigla siyang humarap sayo at tsaka ka niya niyakap. "Don't you dare remove your robe here." Sabi niya sayo. "Adi ngayon lang naman..." Sabi mo sa kanya. "I don't care. Maraming mga lalaki jan sa paligid. Ayokong pinagtitinginan ka ng kung sinu- sino. Wag mong tatanggalin yang robe mo." Sabi niya sayo. "Eh? Paano naman ako makakaligo sa beach kung hindi ko huhubarin to?" Sabi mo sa kanya. "Sasamahan kitang magswimming kung gusto mo. Basta hindi ka maliligo sa beach nang ganyan ang suot mo. Hindi kita papayagan. Ayoko.... Ayokong pagnasaan at pagpantasyahan ka ng mga lalaki diyan sa paligid. Akin ka lang. Intiende?" Sabi niya. Napatango ka na lang sa sinabi niya. "You know, you are the most conservative husband that I know. Pinapayagan naman ni Simon at Vinny na mag two piece yung mga girlfriend nila, ah. Tapos ako? Ako na asawa mo, bawal? Napaka- unfair mo sandeng." Sabi mo. "What? What did you just call me? Sandeng?! What was that? You are not calling me adi anymore? Why? May iba na ba? Siguro nasasakal ka na sa pagiging strikto ko 'no? Sa pagiging conservative ko. Siguro nagsasawa ka na sa'kin kaya sinasabi mo na buti pa si Simon and Vinny pinapayagan ang mga girlfriend nilang suutin kung anong gusto nilang suutin. Siguro nga ayaw mo na sa akin kaya ka ganyan. E di fine! Mag- swimsuit ka, mag bathing suit ka hangga't gusto mo. Bahala ka sa buhay mo. Mauna na ako. Nawalan na ako ng ganang maglakad lakad dito." Sabi niya. Napayakap ka sa kanya nang mahigpit. "T- Teka, teka, teka lang. Sandali! Hindi naman yun yung ibig kong sabihin, adi. Wait. Let me explain." Sabi mo sa kanya. Napaharap siya sayo tsaka siya nagsalita. "You have nothing to explain. I get your point. Ayaw mo na sa'kin kaya ka ganyan. Well I do hope that you are happy with your new man." Sabi niya. Kumunot ang noo mo. "What? What are you saying? Wala akong bagong love life. Ano ka ba. Naiinggit lang ako sa mga girlfriend nina Vinny at Simon kasi pinapayagan silang mag- swimsuit. Yun lang yun. Ano ka ba. Wala akong bagong love life. Walang ganoon. Tinamad na akong maghanap ng iba noong nakilala kita. Sorry naaa!" Sabi mo kay Sandro habang nakayakap ka sa kanya nang mahigpit. "Promise wala kang ibang mahal?" Sabi niya sayo. Umiling ka. "Tumingin ka sa 'king mga mata, ginoo." Sabi mo sa kanya. Tumingin naman siya sayo. "Ayun oh. Ang lagkit naman ng tingin na yan. Mahal kita. Ikaw at ikaw lang ang mahal ko. May kanta nga ako sayo eh." Sabi mo. "What is it?" Tanong ni Sandro sayo. "Ikaw lang by Nobita." Sagot mo. Kinanta mo ang awiting ikaw lang at napayakap siya sayo pagkatapos niya yong marinig. Hinalikan ka niya sa noo nang maghiwalay kayo mula sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Napakahusay mo talagang umawit, binibini. Maaari ba kitang pakasalan uli?" Sabi niya sayo. "Pwede naman. Pero dapat mabuntis muna ako at manganak para may flower girl at ring bearer na tayo kaagad sa kasal." Sabi mo.

YOU ARE READING
PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)
Hayran KurguA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...