POV 188- YOU ARE PART OF THE VARSITY VOLLEYBALL TEAM

26 2 0
                                    

Part ka ng volleyball varsity sa university kung saan ka nag- aaral. Sobrang supportive ng mga kapatid mo sa lahat ng mga bagay na ginagawa mo. Bilang malapit na ang laro niyo laban sa La Salle, ilang araw na rin kayong late na umuuwi para makapag- practice.

Nasa court ka ngayon kasama ang mga teammates mo at naglalaro.

"Mine!" Sigaw mo sabay hampas sa bola. Kasunod nu'n napa- spike ka. "Mine!" Sigaw mo ulit nang tumapat sayo ang bola mula sa kabilang side ng court. "Akala ko ba outside hitter ka? Bakit bigla kang naging spiker?" Tanong ni Margaret. "Hehe. Si Jia De Guzman nga setter naging spiker dahil kay Ced Domingo." Sabi mo tsaka ka nagpatuloy sa paglalaro.

Habang naglalaro kayo, biglang nagpatime- out ang coach niyo.

"Okay, time out, time out." Aniya. Agad kayong pumunta sa bench.

Umupo kayong mga players at nagpahinga muna.

"Faith, masyado mo namang ginagalingan. Sinasabihan ka ba ni Alyssa? Nakikita ko siya sa laro mo kanina." Sabi ng coach niyo.
"Hindi po." Animo. "Sigurado ka ba? Kasi kanina kitang kita ko e. Para kang sinaniban ni Valdez. Injured nga siya pero nakikita ko siya ngayon sayo. Nakikita ko siya sayo sa laro mo. Ipagpatuloy mo lang yan." Ani coach mo.

Pagkatapos ng tatlumpung minuto, naglaro kayo ulit. 

Nasa service line ka ngayon. Sa hampas mo ng bola, tatlong beses kang naka- service ace.

"Ang galing!  Tatlong beses kang nagstay sa service line. Ibang klaseng masaniban ng Baldo ang Faith Alexandria natin." Saad ng coach niyo. "Coach kung siya na lang kaya ang gawin nating captain?" Suggest ni Anne. "Ay bet. Captain Alexa all the way!" Pang- aasar ni Jane. "So, are you up for another challenge, Faith?" Tanong sayo ng coach niyo. "Ah, sige po. Up! Challenge accepted, coach! Sabi mo sa coach ninyo. "So captain Mondragon is real. Mukhang matatakot na yata akong magkamali nito. Perfectionist ang captain natin e." Sabi ni Maris.

Naglaro ulit kayo. Pagsapit ng 2nd set, natumba ka nang pilitin mong isalba ang bola. Napahinto ang mga kasamahan mo sa paglalaro.

"Captain!" Sigaw ni Margaret. Nilapitan ka niya at tinulungan ka niyang makatayo uli. "Ah! Thank you! O— okay na ako. Okay na ako." Sabi mo. "Faith, pahinga ka muna. Malakas yata yung pagkakabagsak mo kanina." Sabi ng coach niyo. "Okay lang po coach. Okay na po ako. Wag na po kayong mag- alala." Sabi mo. "Napaka- passionate mo kasi sa paglalaro. Alam mo, magiging successful ka sa mapipili mong career in the future."  Sabi ni Julia. "Lahat naman tayo magiging successful kung seseryosohin lang natin."  Sabi ni Thalia. "Kaya kayo, gayahin niyo tong team captain niyo, okay? Walang susuko. Naintindihan?" Sabi ng coach niyo. "Yes coach!" Sabi niyong lahat.

Pinagpahinga muna kayo ng coach niyo. Kinabukasan, tinakbo niyo ang oval ng university. Nakatatlong rounds kayo bago kayo magpahinga. Nagulat ang coach niyo nang makita niya ang mga kasamahan mong sinasamahan kang tumakbo sa oval. Nasanay na kasi siyang ikaw lang ang nakikita niyang tumatakbo sa oval every morning kaya nanibago siya nang makita niya ang mga teammates mong tumatakbo ngayon sa oval kasama ka.

Napapalakpak ang coach niyo habang pinagmamasdan kayo sa bench.

"Good job, guys! Good job! Maintain that attitude." Sabi ng coach niyo. Napahinto kayo sa pagtakbo nang marinig niyo siyang magsalita. "Thanks for inspiring us, coach! We promise you that we will do our best to win our next game against DLSU." Sabi mo."Kaya naaalala ko sayo si Alyssa e. Tingnan mo, nag aaral ka rito sa Ateneo, yung jersey number mo, number 2, yung paglalaro mo, yung paghit mo sa bola. Ang galing, ang husay. Napakahusay. Napakagaling." Sabi ni Anne. "Ikaw ba, Sino bang idol mo sa volleyball?" Tanong mo kay Anne. "Jia Morado." Sabi niya. "Kaya pala ginagalingan mo sa pagseset. Best setter pala ang idol mo. Nice one." Animo. "May sarili na tayong version ng  "Bagyong Baldo" at "JIAmazing"." Saad ni Valeen. "Umamin kayo, Anne, Alexandria." Sabi ni Mariel. "O ano naman ang aaminin naming dalawa?" Tanong mo. "Anak ba kayo ni Alyssa at Jia?" Tanong ni Margaret. "Siguro, pwede, baka." Sabi mo. "Siguro? Pwede? Baka? Anong klaseng sagot yon?" Saad ni Venice. "Walang kasiguraduhan. Haha. Bakit ba?" Sabi mo. "Kapag sumagot ka, dapat sigurado. Wag ka nang magdadalawang isip. Kung hindi ka sigurado, wag kang magsasalita, wag kang sasagot." Ani Janella. "Okay. Ano, tara takbo ulit?" Aya mo sa kanilang lahat. "Kung kumain muna kaya tayo? Mas may energy tayo kapag kumain muna tayo bago tayo tumakbo."  Sabi ni Valeen. "Sige, coach! Merienda lang po muna kami!"  Paalam ninyong lahat sa coach niyo.

Sabay sabay kayong kumain ng lunch. Pagkatapos niyong kumain, pinagsabihan kayo ng coach niyo na huwag munang tumakbo ulit. Sinabi niyang ituloy na lang daw ninyo ang paglalaro.

So you played. And again, your team won with your teamwork and leadership.

Nanalo kayo sa three straight set laban sa DLSU. Ikaw ang nakakuha ng championship point para sa inyong kupunan.

"That's how it works. Napakahusay talaga ng Baldo natin. This deserves a blowout. Tara celebrate." Sabi sa inyo ng coach niyo. Kumain kayo sa labas at alas nuwebe ng gabi na kayo nakauwi.

PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now