T. W: Self harm; suicide attempt.
May lalaki kang nagugustuhan at M.U kayong dalawa. Ang buong akala mo ay seryoso siya sayo pero.... nagkamali ka pala ng pagkakaintindi sa kahulugan ng M.U.
"Alam mo, Lucas, hindi na kita maintindihan e. Sabi mo sa'kin noon.... Sabi mo.... Sabi mo sa akin noon, gusto mo 'ko diba? Anong nangyari? May iba na ba?!" Sabi mo sa kanya. "I think you misinterpreted what I said. Gusto kita, oo. Pero... Pero Cheska bilang... bilang kaibigan lang. Wala nang hihigit pa roon." Sabi niya. "Dahil ba kay Claudia? Dahil ba mas maganda siya? Ano bang meron siya na wala ako? Bakit hindi mo ako magawang magustuhan pabalik? Ganoon ba ako kahirap magustuhan? Ganoon na ba ako kahirap mahalin?" Tanong mo. "Cheska, maniwala ka. Walang mali sayo. It's just that... it's just that our stars doesn't align. We're like asymptote. A straight line that constantly approaches a given curve but does not meet at any infinite distance." Sabi niya. "Ano? Asymptote? Meaning asymptota? Yung kahit ilang ulit mo mang pagtagpuin ang dalawang magkaibang linya, mauuwi't mauuwi pa rin sa paghihiwalay ng landas palayo sa isa't-isa?" Paniniguro mo. Tumango naman siya. "Yung sa atin, wala lang yon, Cheska. Wala lang yun. Hindi yon totoo." Aniya. "Alam mo kung para sa'yo wala lang yon, para sa akin, meron. Sana klinaro mo. Kasi alam mo, umasa ako e. Akala ko... Akala ko totoo. Yun pala laro lang yun para sa'yo. Pinasakay mo ako sa mga kalokohan mo. T*ng*na! Nagmukha akong t*nga kasi akala ko totoo na... Sabi mo, gusto mo ako. Halos araw araw mo akong sinasamahan sa mga trip ko. Pero.... Ang totoo... Ang totoo... May nagmamay-ari na pala sayo." Sabi mo. "Sorry."
Yun lang ang nasabi niya pagkatapos mong magsalita.
"Sorry? Big word. Sa tingin mo, mababawasan ng sorry mo yung sakit na nararamdaman ko ngayon? Siguro ang saya saya mo ngayon kasi may nabudol ka na naman. Ano ako?! Bola?! Bolang pwede mong mapaglaruan at mapaikot ikot? Siguro nga, siguro nga mapaikot mo ako. Kasi napaniwala mo ako e. Ang galing mo! Ang galing mo. Ako naman, ang t*nga ko! Kasi sabi ng mga kaibigan ko, wag akong maniwala sayo kasi masasaktan lang daw ako. Pero.... hindi ko sila pinakinggan. Mas pinairal ko yung nararamdaman ko kasi sabi ko, sinasabi lang nila yon kasi ayaw nila sayo para sa akin. Pero sa sinabi mo, t*ng*na. T*ng*na, tama nga sila!" Sabi mo habang humahagulgol. "Cheska..." Saad niya sabay hawak sa kamay mo. Bumitaw ka naman. "Wag mo 'kong hahawakan. Nakakainis ka. Nakakairita ka. T*ng*n* mo! Pinaasa mo lang ako!" Sabi mo sa kanya. "Sorry. Sorry talaga." Paulit-ulit na sabi ni Lucas. "Pasensiya na, ah. Pasensiya na kung para sayo wala lang yon. Pasensiya na rin kung iba yung naramdaman ko sayo. Pasensiya na kung nahulog ako sayo. Sinubukan ko namang sabihin sa sarili kong huwag kasi mali pero.... Wala e. Hindi ko na mabawi. Hindi ko na madiktahan yung puso ko kung para kanino dapat tumibok. Ang puso talaga minsan, hindi mo madidiktahan. Kahit sabihin mong huwag na, titibok at titibok pa rin para sa taong gusto niya kahit alam niyang mali. Ang unfair 'no? Nasasaktan ka na dahil sa kanya pero siya pa rin ang paulit ulit na pinipili ng puso mo." Sabi mo sabay pahid ng mga luhang tuluy-tuloy na umaagos mula sa iyong mga mata. "May mga taong darating sa buhay mo na kahit ilang beses ka niyang masaktan, ayos lang sayo. Kasi yun yung sakit na gusto mong maramdaman nang paulit-ulit." Sabi niya. "Ganoon nga siguro ako sayo, Lucas. Ilang beses mo na akong nasaktan pero.... tingnan mo oh, nandito pa rin ako. Martir na ba 'ko nito?" Sabi mo."Hindi. Nagmamahal ka lang. Walang mali sayo. Sorry for hurting you." Sabi niya. Napaluha ka na naman. "Tama na..." Sabi mo. "Mukha na akong t*ng*." Dagdag mo pa. "Cheska, balang araw, makakahanap ka rin ng taong para sa'yo." Sabi niya. "Siguro nga kaya tayo pinagtagpo para matuto. Maging masaya ka, ha. Maging masaya kayo. Deserve niyong maging masaya. Sana... Sana kahit paano, naging masaya ka na naging parte ako ng buhay mo. Sorry kung... Sorry kung nagkulang ako. Sorry kung hindi ako naging sapat." Sabi mo sa kanya habang nanginginig ang boses. Ramdam mo ang pagyakap niya sayo pero agad mo siyang tinulak palayo. "Dumistansiya... Dumistansiya ka na." Sabi mo pa sa kanya. Agad naman siyang tumango bago lumayo sayo. Napahagulgol ka pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas. Tumakbo ka papunta sa kinaroroonan ng mga kapatid mo.
"Cheska!" Tawag sayo ng kuya Sandro mo. Agad kang tumakbo papunta sa kanya at napayakap sa kanya nang mahigpit. "Cheska..." Your kuya Sandro whispered. "Cheska what happened?" He asked you. "Kuya... Kuya si Lucas..." Panimula mo. "Tell me what happened." Sabi ng kuya Sandro mo sa'yo. "Kuya.... Umamin siya na.... Na pinaasa niya lang ako kuya... I mean, akala ko more than friends kami like may pag-asang maging kami pero kuya wala. Hanggang M.U lang ang kaya niyang ibigay sa'kin. Mahal niya 'ko pero hanggang kaibigan lang. Hanggang m.u lang kuya. Kuya ang sakit...." Sabi mo. Nagulat siya nang marinig ang mga sinabi mo. Matagal na niyang alam ang tungkol sa nararamdaman mo. Kaya mas nasasaktan siya ngayon sa mga nalaman niya tungkol sa inyo ni Lucas. "Ssh, ssh. Tahan na, ading ko. Marami naman kaming nagmamahal sayo. Wag mo na siyang isipin. Marami pang darating sa buhay mo na magmamahal sayo. Kaya wag ka nang malungkot. Lahat naman tayo dumadaan sa ganyan. Normal lang yan, ha. Mahal ka ni kuya. Wag ka nang malungkot." Sabi ng kuya Sandro mo. Habang yakap ka niya, narinig ng kuya Simon at kuya Vinny mo ang pag- iyak mo.
"Kuya!" Sabay nilang tawag sa kuya Sandro niyo. Napalingon naman ito sa kanila. "Si, Vinny!" Sabi ng kuya Sandro niyo. "Kuya what happened? Did you fight?" Tanong ng kuya Simon mo. "No kuya." Sagot mo. "Eh bakit ka umiiyak?" Tanong ng kuya mong si Vincent. "Pinaasa... Pinaasa ako ni Lucas kuya. Akala ko may nararamdaman din siya para sa akin pero wala pala. Akala ko pareho kami ng nararamdaman kasi yun yung pinaparanas niya pero..... hindi e. Mali ako. Mali ako ng hinala. Tamang hinala na sana pero maling akala lang pala. Kuya ganito ba kasakit magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin pabalik? Kasi kuya, kung oo, sobrang sakit naman...." Sabi mo habang umiiyak nang malala. Hanggang sa halos mawalan ka na ng malay. Bigla kang nanghina. "Water!!! Water!!! Faster!!" Sabi ng kuya Sandro mo sa dalawa mo pang kapatid. Agad naman silang kumuha ng dalawang basong tubig. Inabot ng kuya Simon mo ang isang basong tubig sayo. Ininom mo kaagad iyon kasunod nito ay ang pag abot naman ng kuya Vinny mo ng isa pang basong tubig. Uminom ka ulit at huminga ka nang malalim at umupo nang maayos. "Kuya.... Kuya ayoko na..." Sabi mo sabay punta sa kitchen at luha ng kutsilyo at itinapat mo yon sa palapulsuhan mo. Nakita yun ng mga kapatid mo kaya agad silang tumakbo papunta sayo.
"Nooo!" Sabi ng kuya Sandro mo. Kinuha ng kuya Simon mo ang kutsilyo at inilayo niya yun sayo. Niyakap ka nila nang mahigpit. "Don't you ever do that again." Sabi ng kuya mong si Vincent. "Kuya... Kuya ayoko na! Pagod na akong masaktan! Paulit-ulit na lang eh! Pagod na pagod na ako!" Sabi mo. "Do you think we won't be hurt when you attempt to k*ll yourself?! Do you think mom and dad will be happy to see you hurt yourself? Watch you suffer? Are you even... Are you even thinking what would the people think when you d*e?" Sabi ng kuya Sandro mo. Para kang nabuhusan nang malamig na tubig dahil doon. Napahagulgol ka na naman pagkarinig mo ng mga sinabi niya.
Napayakap ka nang mahigpit sa kanya. "Kuya sorry:((((... I just can't take this anymore... Sobrang sakit niyang mahalin... Kuyaaa...." Sabi mo habang nanginginig ang boses mo at nanginginig ang mga kamay mong itinakip mo sa iyong mukha. Dinala ka nila sa hardin. Pinagbukas ka rin nila ng ice cream para mabawasan ang lungkot at sakit na nararamdaman mo.
"Kuya sorry.... Sorry for making you worry... Sorry for being inconsiderate about how would you feel..... Sorry-."
Niyakap ka nilang tatlo. "Ssh, so much for that. Always remember that you are loved and you are worthy, okay?" Sabi sa'yo ng kuya mong si Simon.

YOU ARE READING
PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)
Hayran KurguA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...