Ang pag- ibig, hindi hinahanap. Kusa itong dumarating. At minsan, sa panahong hindi mo inaasahan. Pero paano kung ikaw ay mahulog sa maling tao? Sabi nga nila, mas maganda nang mahulog sa kanal huwag lang sa taong hindi ka mahal.
There is this guy who is so popular- David Reyes, CEO of Reyes corporation. Your long time crush, your great love, your TOTGA-The One That Got Away. Matagal ka nang may lihim na pagtingin sa kanya ngunit sa kasamaang palad, hindi mo iyon maamin sa kadahilanang hindi magkasundo ang inyong pamilya. He is a Reyes and you are a Marcos. And there is a great war between your families. Hindi ka niya kayang mahalin pabalik dahil nananalaytay sa dugo mo ang apelyidong naging dahilan kung bakit naghirap ang pamilya nila.
Nagkita kayo sa isang resto sa BGC. Sinubukan mo siyang lapitan para kausapin.
"D- David, p- pwede ba tayong mag- usap?" Sabi mo sa kanya. "Ikaw na naman?! Cheska hanggang kailan mo ba ako susundan?! Hindi ka ba napapagod? Hanggang kailan ka magpapakatanga sa taong kahit kailan, hindi ka matututunang mahalin pabalik? Hindi mo ba nakikita?! Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo. Ilang beses ko nang sinabi di ba? Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Hindi mo ba naintindihan yon? O kailangan ko pang isalin sa wikang Ingles para lang maunawaan mo, ha. Kasi sa totoo lang, one sided love yan. Ikaw lang ang nagmamahal sa akin. Hindi kita kayang mahalin." Sabi niya sayo. "Hindi mo ba kayang subukan? Malay mo di ba? Malay mo matutunan mo din akong mahalin pabalik." Sabi mo. "Hahaha. Naririnig mo ba yung sarili mo? Naririnig mo ba lahat yang sinasabi mo?! Alam mo, lumayo ka na. May mahal akong iba, okay? Kaya sana tantanan mo na ako. Kasi wala namang mangyayari kung mag- isa lang lumalaban para sa pagmamahal na yan. Naiintindihan mo ba? Alam ko namang hindi mo kayang pigilan ang sarili mong mahalin ako at subukang magmahal na lang ng iba. Pero kasi ayokong masaktan ka kapag sinabi ko sayong mahal kita kahit ang totoo, hindi naman. Kaya pwede ba? Tama na. Hindi ko kayang pilitin ang sarili kong mahalin ka. Cheska, it hurts to love the person who can't love you back. But please don't force your heart to love the person who doesn't know your value and your worth. You deserve to be happy. You need to accept the fact that love is like the payment in the jeepney. Something like fare. Sometimes it isn't reciprocated." Paliwanag niya sayo. "Alam ko. Hindi ko nga alam kung bakit pa kita nagustuhan e. Kung bakit pa kita minahal. E ang dami dami naman jang ibang mas deserving sa pagmamahal ko. Pero alam mo, narealize ko, oo nga no? Ang tanga tanga ko. Kasi madami nang mga taong nagpaparamdam na mahal nila ako pero mas pinili ko silang balewalain kasi ikaw at ikaw lang yung nakikita ko. Siguro nga ganoon talaga kapag nagmamahal ka. Nagiging Tanga at bulag ka. Sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao, kahit hindi ka niya kayang mahalin pabalik, siya at siya pa rin yung patuloy mong iniibig. Ang tanga di ba? At alam mo ba, natutunan kong dapat pala kapag nagmahal ka, matuto kang magtira para sa sarili mo. Kasi kung hindi, mauubos ka. Hindi magiging madali para sa aking tuluyan kang kalimutan pero sa tingin ko, panahon na. Panahon na para sarili ko naman ang pagtuunan ko ng pansin at pagmamahal. Bagay na sana matagal ko nang ginawa. Alam kong hindi pa huli ang lahat. Salamat sa pambabalewala sa pagmamahal ko. Salamat sa aral na ibinigay mo. Sana nga mahanap ko na yung taong totoong magmamahal sa akin." Sabi mo tsaka ka naglakad palayo. Tinatawag ka ni David pero hindi mo siya nilingon. Nagmamadali siyang tumakbo para maabutan ka. Nang maabutan ka niya, hinawakan niya ang isa mong kamay.
"Cheska wait!" Sabi niya. Humarap ka sa kanya. "Bitawan mo ako. Ano na naman bang sasabihin mo?" Tanong mo sa kanya. Umiling iling ka tsaka ka muling nagsalita. "Sasaktan mo na naman ba ako? Paaasahin mo na naman ako sa wala, ha?" Sabi mo habang umiiyak. "What do you want now?" You asked him. "Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sayo. A- akala ko... Akala ko hindi kita magugustuhan dahil nga magkaaway ang mga pamilya natin, di ba? Ang daddy ko galit sa daddy mo dahil noong panahon ng Lolo mo, biktima sila ng martial law. Kaya galit na galit ako sayo. Lagi kong sinasabing hindi pwede. Hindi pwede dahil hindi tama. Pero, pero Cheska maniwala ka. Nung tumatagal na, yung mga panahong hindi mo na ako kinukulit, Cheska, nagiging boring na ang buhay ko. Hinahanap ko na yung kakulitan mo. I miss your corny jokes. I miss how you turn my world upside down. Maybe we are enchanted to meet each other. But we are not destined to be together to create our own happily ever after using a pen and a paper. Because our families are like Romeo and Juliet's. Two warring families that will never get along. But I will forever be grateful for the love that you've given me. And I'm sorry if I can't love you back for of I do, this love will be forbidden. I'm sorry." Paghingi niya sayo ng tawad. "Ngayon ka pa hihingi ng tawad kung kailan pasuko na ako. Tama na, David. Ayoko na, pagod na ako. Pagod na akong mahalin yung taong kahit kailan hindi kayang suklian yung ibinibigay kong pagmamahal. Tutal sabi mo nga may mahal ka nang iba, hindi ba? Kaya mas mabuti na lang na ihinto ko na lang ang pagmamahal sayo. It's time for me to stop loving you, I guess." Sabi mo tsaka ka umalis.
Nagkulong ka sa kwarto mo pagkatapos ng pangyayaring iyon.
"Ang sakit talagang magmahal. Lalo na kung yung taong mahal mo ay hindi ka kayang mahalin pabalik. Ang mas masakit pa, ay ang mahulog ka sa taong may ibang mahal." Sabi mo sa sarili mo.
Kumatok ang daddy mo sa kwarto mo.
"Anak, sinong kausap mo? Okay ka lang?" Tanong niya. "Yes, dad!" Sabi mo. "Anak, pwedeng pumasok?" Tanong ng mommy mo. "Okay mom!" You answered. They immediately came in together with your brothers.
"Mga kuya, anong ginagawa niyong tatlo rito?" Tanong mo sa kanila. "Narinig ka namin kanina. Kinakausap mo yung sarili mo. May problema ka na naman ba?" Tanong ng kuya Sandro mo. "Well, naaawa lang ako sa sarili ko kasi nagmahal ako ng maling tao. Ang sakit kasi muntik ko nang makalimutan yung sarili ko dahil sa pagmamahal ko nang sobra sa kanya kuya. Nakakainis kasi kanina, sinabi niya sa akin na yung pagmamahal ay parang pamasahe sa jeep. Kapag sobra yung binigay mo, minsan hindi nasusuklian. Ang g*g* diba? Ako yung t*ng*ng nagmamahal sa kanya kahit alam kong malabo niya akong magustuhan at mahalin pabalik. Maybe this is the sign of the Lord na matagal ko nang hinihintay. Late kong napansin kasi nagbulag- bulagan ako. Kuya, mom, paps, can we go out? Family date, my treat. Para naman makabawi ako sa inyong lima." Sabi mo. Nagkatinginan silang lima. "Well, if that's what you want, then get yourself ready. Saan tayo pupunta?" Tanong ng daddy niyo. "Sa London po. Char. Sa favorite po nating resto." Sabi mo
Pumunta kayo sa paborito niyong resto. You bonded with your family and went home by midnight.
YOU ARE READING
PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...