POV 108 - YOU GAVE BIRTH TO YOUR TWINS

63 7 0
                                    

"Aaaaaaaaaaaaaaah! Adi!!! Adiiiii! Araaaay! Adiiiii!" Sigaw mo. Narinig agad iyon ni Sandro na nasa kusina ngayon habang ikaw ay nasa sala.

"Adi?" Sabi niya at agad siyang tumakbo papunta sayo. "Oh my goodness! Your water broke!! Let's go to the hospital now. It's dangerous for our twins."  Sabi niya.  "Relax. Kaya ko pa naman tsaka hindi pa naman siya masyadong masakit." Sabi mo. Kinuha niya ang mga gamit ng kambal at mga gamit ninyong mag- asawa na dadalhin ninyo sa ospital. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan dahil sa sobrang kaba. Nagsalita ka habang nasa biyahe kayo papunta sa pinakamalapit na ospital.

"Adi, magdahan dahan ka naman. Kaya ko pa namang tiisin yung sakit. Bumababa pa lang naman yung kambal nasa eight centimeters siguro. Kaya pa to." Sabi mo. "Anong kaya pa? Eight centimeters na yan love sigurado ka bang kaya mo pa? Dalawang centimeters na lang 10 cm na. Tapos kaya pa? Okay ka lang? Dilated na yan." Sabi niya pagdating na pagdating niyo sa ospital. Agad siyang humingi ng tulong sa mga nurses. Pinakuha nila ang stretcher.

"Nurse!! Help my wife! She's giving birth." Sigaw niya. Agad namang nagtakbuhan ang tatlong nurses na nakaduty sa ospital. Binuhat ka nila at inilipat sa stretcher.

"Sir, stay here hindi na po kayo pwedeng pumasok sa loob." Sabi ng nurse kay Sandro. Nakiusap ka sa doktor. "Dok parang awa niyo na po hindi ko po kayang mag- isa sa delivery room. Isasama ko po ang asawa ko. Please dok nakikiusap po ako. Kambal po ang anak namin. Kung sakaling CS section po ako, kailangan ko po ng magpapalakas ng loob ko sa delivery room please po payagan niyo na pong sumama ang asawa ko." Pakiusap mo sa doktor.  "Payagan niyo nang makapasok ang mister niya. Baka mas mapapabilis ang pagpapaanak sa kanya kapag kasama niya ang asawa niya." Sabi ng doktor sa mga nurses. Wala nang choice ang mga nurses kundi payagang makapasok so Sandro sa delivery room.

"Adi, I know you can do it. For our kids. Lumaban ka. Alam kong delikado ang naging pagbubuntis mo dahil noong nasa ikaanim na buwan ka ng iyong pagbubuntis, muntik ka nang makunan." Sabi sayo ni Sandro. And with those words coming from him, nagflashback ang araw na iyon sa utak mo.

Flashback, 3 months ago

Papunta na dapat si Sandro sa trabaho nang bigla kang nakaramdam ng pananakit ng tiyan.

"Aaaaah!!" Sabi mo. Narinig niya ang sigaw mong iyon mula sa labas ng kwarto niyo. Agad siyang tumakbo papunta sayo para tingnan at alamin ang nangyayari sayo. "Ano ang nangyayari love? Are you—"

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil nakita niya ang dugo sa mga kamay mo.

"Oh my gosh. No!!! We need to go to the hospital right now!!" Natataranta niyang sabi. Binuhat ka niya at agad ba isinakay ka niya sa sasakyan niyo at nagmamadali siyang nagmaneho papunta sa pinakamalapit na ospital.

Pagdating niyo roon, agad na nagtanong ang doktor.

"What happened to her sir?" The doctor asked Sandro. "She's bleeding. Para po siyang namumutla." Sagot ni Sandro. "Sige sir. Wait for us here. May gagawin lang po kaming mga tests sa loob." Paalam ng doktor kay Sandro.

Agad din siyang bumalik makalipas ang trenta minutos.

"Mabuti at nadala mo kaagad ang mag ina mo bago pa tuluyang mawala ang bata sa sinapupunan ng kanyang ina. Pinainom na namin siya ng pampakapit." Sabi ng doktor. "Is everything fine now, doc?" Sandro asked the doctor. "Yes sir. Your wife just need a complete bed rest for a month." Sabi ng doktor.

Flashback ended.

"Congratulations po Mr. and Mrs. Marcos. The twins are out. Normal delivery po. Naipush po ni ma'am Alexandria na ilabas ang kambal ng normal delivery. Sa ngayon po, dadalhin na po natin si ma'am sa private room." Saad ng doktor. "Thank you dok. Thank you Lord!" Ani Sandro.

Makalipas ang isang araw, ibinalita na ni Sandro na nanganak ka na.

"Anak, bakit mo kami pinapunta rito lahat?" Tanong ng kanyang ama. Pops, Faith just gave birth to our twins four days ago." Sabi niya. "Really anak?" Sabi ng kanyang ina. "Yes mom." Sabi ni Sandro. "Iha, alam na ba ng parents mo?" Tanong naman ng mommy ni Sandro sayo. "Hindi pa po. Sasabihin pa lang din po namin sa kanila mamaya kapag dumating na sila rito." Sabi mo.

Habang nag- uusap usap kayo, biglang dumating ang mga magulang mo.

"Anak, ano yung importante ninyong sasabihin sa amin?" Tanong ng mommy mo. "Ma, Pa, kaya po namin kayo ipinatawag dito ay para ipaalam po sa inyo ang magandang balita. Nanganak na po ako four days ago." Sabi mo sa mga magulang mo. "Talaga anak? Nasaan ang kambal?" Tanong ng daddy mo. "Yes po. Nasa nursery room po sila. Bale, bukas po, lalabas na rin po kami rito sa ospital." Sabi mo. "Nako anak, excited na kaming makasama ang mga apo namin." Sabi ng daddy ni Sandro. "Pops baka naman pag- agawan niyo pa yung mga apo ninyo. Dalawa na po yan ah. Tig- isa po kayo ng aalagaan nina mama." Saad ni Sandro. "Salitan na lang. Since wala pa kayong mga yaya, kami muna ang makakatulong ninyo sa pag- aasikaso at pag- aalaga sa kanila." Sabi naman ng mommy ni Sandro. "Presidential Grandchildren ang kambal." Sabi mo. "Nako anak parang nahihiya na kami ng papa mo." Sabi ng mama mo. "Bakit naman po ma?" Tanong mo sa kanya. "Siyempre anak, presidente at first lady ng Pilipinas ang makakahati namin sa oras ng pag- aalaga sa mga apo namin. Kailangan naming humingi ng appointment sa kanila para makasama silang alagaan ang kambal." Sabi ng papa mo. "Balae, ano ka ba naman. Hindi na kayo iba sa amin ni Liza mula noong maikasal ang mga anak natin. Kahit wag na kayong magpa- appointment sa amin para makasama ninyo kaming maalagaan ang kambal." Sabi ng daddy ni Sandro. "Mahal, bilisan mong magpagaling para mas maalagaan na natin yung kambal." Sabi ni Sandro sayo. "Oo naman tsaka kailangan ko talagang magpalakas at magpagaling para may makatuwang ka sa pagpapatulog sa kambal kapag gabi. Minsan may mga kambal na kung umiyak, parang kumakanta. Bukod sa malakas, duet at sabay rin." Sabi mo kay Sandro. "Iha, magpahinga ka muna ha. Kami nang bahala rito." Sabi ng mommy mo. Agad ka namang sumunod. Tatlong oras kang nagpahinga habang inalagaan naman ni Sandro ang kambal kasama ang mga magulang ninyong dalawa.



PANANAW NG ISANG TAGASUPORTA (A Supporter's Point of View - Book 2)Where stories live. Discover now